Chapter eight: Invincible"Ah shit! Let go of her!." hindi ko alam na anak pala ng director ng Menouvu High eto si Anna, dfck is this world bakit ang gulo gulo!? Wala siyang sinabi sakin about sa status niya at nanatili akong mangmang sa harap niya.
Ayaw kaming papasukin ng guard sa school, I mean ako pinapasok na pero si Anna ay dadalhin daw sa tatay niya kasi hindi niya nasunod yung rules na bawal lumabas ng school sa kahit na anong oras at curfew pa ng mahuli kaming nagbabakod.
"What's happening here?." tinig ng isang lalaki mula sa kotse na huminto sa harap sa ng gate, sumaludo sa kaniya ang mga guards at lumapit sa kotse, may konting diksusyon na naganap between dun sa lalaki sa kotse at sa mga guards at bumaba yung la...laki. He's just some stupid guy, Henry.
Napairap agad ako ng magtama yung paningin naming dalawa.
"Papasukin niyo na sila. Kasama ko yang dalawa kanina, inilabas ko sila para bumili ng project, nagkahiwalay nga lang sa mall dahil sa dami ng tao." hell yeah, kanina pa siya nagsisinungaling. Ramdam ko ng VIP guest na siya sa impyerno.
Binitawan na ng guards si Anna at mabilis na lumapit sakin. Bumalik na sa pwesto yung mga guards at ngumisi sakin si Henry.
"No. I won't say it." palag ko. Nababasa kong inuutusan niya akong magpasalamat sa kaniya. "I said I can handle myself, don't need your heroic personality."
Lumapit siya ng bahagya and he leans closer. Matangkad siya, hanggang balikat niya lang ako yung mga mata niya parang nagiiba ng kulay dahil sa ilaw ng buwan, matangks ang kaniyang ilong at mapula ang labi. Siguro kung normal na tao lang ako, gusto ko na siya.
"You can handle yourself but your friend can't." he said while grinning. "T-thank you p-po Sir Henry." mautal utal na sambit nitong nasa likod ko.
"Tara na bumalik na tayo sa dorm." sabi ko at hinila na siya papalayo sa gate, sa guards at mayabang na target ko. Without looking back ay nakarating na kami sa dorm. Napasalampak agad ako sa kama dahil sa sakit ng katawan ko.
"I'll get some patches." maya maya ay lumapit siya sakin at hinawakan yung braso ko pero hinila ko ito mula sa kaniya. "No need for this." pagmamatigas ko.
"I insist. Para mabawasan ang sakit ng katawan mo, you need this."she sounds like my sister, gantong ganto si ate kapag napupuruhan ako sa sparring match. Bigla ko tuloy siyang namiss.
Hinayaan ko lang siyang ilagay ang kung anong ilalagay niya sa braso ko at sa hita ko. Nakatingin lang ako sa kaniya at parang na guilty, because of me, I brought her into trouble. Hindi ko alam kung bakit sobrang lapit ko sa gulo pero I'm so dangerous. Hindi ako pwede magkaroon ng kaibigan.
Lahat ng nalalapit sakin ay nasasaktan. Lahat lahat nalang. I can't watch it, it sucks.
Pagkamulat ko ng mata ay tumambad agad sakin ang anak ng director na kumakain ng kung ano mula sa isang pink box..
Wa...it...
PINK BOX!!!!!!!!?????????
Mga ilang segundo pa bago mag sink in sakin ang nangyari, at ginagawa niya. She's eating a poison!! Nagising ang buong sistema sa katawan ko at tumayo at inagawa sa kaniya yung box, clueless siyang nakatingin sakin habang nakakunot ang noo at nakangisi.
"I never thought you were so obsessed with cupcakes. Especially, uhm...cupcakes made by Bryan." sambit niya habang walang ka alam alam na nakatingin sakin. Bryan!? Siya ang gumawa nito para sakin!? But damn!
BINABASA MO ANG
Operation: KILLING THE MAFIA SON
RomantikGusto mong gumanti ngutni ikaw ang pinili ng tadhana na paglaruan. Ikaw ang pinili niyang subukin at turuan. Ano kayang mangyayari? Makikipaglaro ka ba sa tadhana? Hahayaan mo bang maghari ang emosyon mo?