Chapter 20: Mad Love

51 1 0
                                    



Chapter 20: Mad Love

Natulala ako sa pagbagsak niya. "Sofia, get down!." hinila ako payuko ni Rick at mahigpit na idinikit sa dibdib niya ang ulo ko. Nakatingin lang ako kay Henry na nakahiga na sa lapag, hindi na siya gumagalaw.

"Sht, bilisan na nating umalis dito!." wala na akong reaksyon sa buong pangyayari, ayaw mag sink in sa utak ko na nabaril si Henry at eto ng aagaw buhay sa harap ko.

Pagkalabas namin ay may naka park agad na pulang ferrari at ipinasok na namin sa backseat si Rick at si Henry, si Bryan ang magda drive at ako ang nasa passengers seat. Biglang nag vibrate ang phone ko at habang nanginginig ang kamay ko ay sinagot ko iyon.

"Are you okay!? Mr. and Mrs. Veniole are so damn worried about you! Asan ka, I'll pick you there."
(H-h-hospital...) Nanginginig narin ang boses ko, tila ba hindi ko na kayang magsalita.
"WHAT!!? Anong nangyari sayo!! Saang hospital yan."

Tumingin ako sa backseat kung saan naka higa ang isang nag aagaw buhay na lalaki.

"Not me, Demetre. A friend of mine." pagkasabi ko nun ay ibinaba ko na ang phone.

Dumiretso na kami sa hospital at ipinakita ang ID ni Bryan at Rick kaya pinapasok sila sa private room, nang dumating sakin ay hinarang ako.

"Kasama namin siya." hinila na ako ni Bryan papasok sa private room. Humiwalay na samin ang mga nurse na may bitbit kay Henry para operahan na siya.

Napaupo kami sa sofa out of frustration, sobrang nabigla kami sa pangyayari. "Fck!." sinapak bigla ni Bryan yung pader pero pinigilan agad siya ni Rick at ako eto...nakatingin lang.

Sabi na eh....palpak nanaman yung plano ko. Kung hindi ko ginawa yun sa leader nila siguro walang nabaril samin, walang nasaktan. Palpak nanaman plano ko. Lahat nalang ng gagawin ko may nasasaktan ako.

"Fck, he even said to me that I should protect Sofia before losing his breath!." bulyaw niya ulit habang marahang hinihilot ang sentido ng ulo niya. "Of course I will, sino bang hindi?." nang magtama yung paningin namin ay napaluha na ako.

They chose to protect me but I chose to kill them. To kill everyone.

Bakit sobrang unfair ng mundo....

"Sofia, are you okay?." tinabihan ako ni Rick at hinawakan ang kamay ko. "Emotionally, not good." bulong ko. Nasasaktan ako. Sobrang nasasaktan ako sa mga nangyayari, sa mga naririnig ko.

"He'll make it. Malakas si Henry, alam mo namang parang liyon yan." at nginitian niya ako. Ano bang dapat kong isukli sa kanila? Ang protektahan din sila? Pero hindi pwede. Hindi pwedeng protektahan ang kalaban.





Mag-7 hours na at eto kami, naghihintay parin kami sa labas ng ER, ayaw naming matulog, ayaw naming malingat ng saglit. Gusto namin sasalubungin kami ng mura netong lalaking to galing sa hospital bed. Alam kong kaya niya, malakas siyang tao.

"Damn ang tagal naman!." frustrated na sambit ni Rick sa tabi ko at napahilamos ang kamay niya sa mukha niya. "Easy dude malamang nahihirapan yung doctor sa tigas ng buto ng taong yan." at dahil dun napangiti kaming tatlo.

"Thank you, Sofia." sita niya sakin ng nakangiti at mugto pa ang mata. "I didn't do anything." napaiwas ako ng tingin.

"Are you kidding us? You took the risk just to save us!." ipinikit ko ang mata ko at sumandal sa bench. "After this, we shouldn't spend time together again. It's too dangerous." bulong ko.

Operation: KILLING THE MAFIA SONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon