Chapter 17: Grand ball

52 1 0
                                    



Chapter 17: Grand ball

Dumaan ang isang linggo na pilit kong iniiwasan si Bryan at si Henry. Nag tandem pa sila sa pagsunod sakin nung nakaraang araw kaya dumiretso agad ako sa cr ng girls para di sila sumunod. Magaling narin ang paa ko kaya maayos na ako maglakad.

They're being so bothersome. Fucking bothersome. Gusto kong patigilin sila pero once na kinausap ko ulit sila ay magmumukhang okay na ulit ang lahat.

Para silang bata dalawa. Natatawa nalang ako pag naiimagine ko na ang target ko pa ang humahabol sakin at pilit na inilalapit ang sarili niya sakin.

Pumasok na ako sa second class ko which is kaklase ko sila. Umupo ako sa harapan nun para hindi ako madiin sa gitna ng grupo.

We're both dangerous and kapag nagsama kami ay maraming masasaktan. Masyadong forbidden ang pagsasama naming magka away. We're destined to kill each other, pero iniiba ko ang destiny namin kaya napapahamak ako.

"Good morning class. I'm the new School admin and also your physics professor, Rick Devion." nagtilian ang mga kaklase kong babae at napatingin ako sa bagong teacher at saktong nakatingin siya sakin.

There's something on his eyes. Napadpad ang tingin niya kay Henry at Bryan na nasa likod at tahimik lang silang nagsukatan ng tingin.

Wait.....no way.

Napatingin ulit ako sa kaniya. Siya ang pinadala ni Mr. Veniole para tulungan ako sa misyon kong to! Damn!

Buong klase ay binabantayan ko ang mga kilos niya at sobrang kakaiba ito. How come na may bagong admin at bagong teacher na ganito kabata? There's something wrong in this school!

Nang matapos ang klase niya ay palihim ko siyang sinundan. Walang atubili kong ipinako ang tingin ko sa kaniya, i need to know this.

Lumiko siya sa isang building at mabilis ko siyang sinundan pero biglang may humila sakin, he pinned me in the wall at ipinako ang tingin niya sa kwintas ko na dahil sa lakas ng pagkakahila niya ay lumabas ito mula sa blouse ko.

"Look who's here." nakangisi niyang sambit. Wait!? Hindi siya yung pinadala ni Mr. Veniole dito!?

"What the hell, Rick?." mula sa likod ang tinig na yun kaya napalingon siya, ng saktong lumingon siya ay tinadyakan ko siya sa tiyan niya kaya napahiga siya sa sakit habang ako ay alertong alerto.

"Dude your girl is so tough!." singhal niya kay Henry. Magkakilala sila!?

"Magkakilala kayo!?." I exclaimed. "He's a friend." simpleng sagot ni Henry at tinulungang makatayo ang teacher na to err rather si Rick.

"I-I didn't mean to do that." napaiwas ako ng tingin at napakamot sa batok ko. "Hell yeah. You almost kill me!." singhal niya.

"Excuse me? Level 1 palang yan sa magagawa ko. Don't exaggerate things, TEACHER." in-emphasize ko pa yung word na teacher para ipamukha sa kaniya yun.

"Hayaan mo na. She's just like that. Tara na." inalalayan ni Henry si Rick makapaglakad at ako naman eto pikon na.

"I'm always like this, Jerk!? Hah." Singhal ko pero hindi na niya ako pinansin at nagdire diretso na sa paglalakad.

"Damn you!." kaya ayoko ring makausap siya ay dahil naiirita ako sa existence niya.

Dumaan muna akong cafeteria para mag lunch, actually dapat kanina pa tong lunch na to kaso tinamad talaga akong makipagsabayan sa mga estudyante at busy si Anna, wala akong kasabay tch.

Operation: KILLING THE MAFIA SONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon