Chapter 15: Demon of dream

53 1 0
                                    



Chapter 15: Demon of dream

Napaluhod na ako sa sobrang hina. Ayoko na, sumusuko na ako, alam kong may naka reserba na saking kwarto sa impyerno at doon tatawagin akong makasalanang tao. Nakapatay ako, wala akong kwentang tao, nabuhay lang ako para ipaghiganti ang kapatid ko.

"Sofia! Wake up! Please!." rinig kong tinig at naramdaman kong may bumuhat sakin. Idinilat ko ang mata ko pero puro kulay itim lang ang nakikita ko. "Sht, I'm gonna get you out of here! Anna sumunod ka lang sakin, hold her gun." nakakarinig ako ng mga tinig sa paligid ko.

"Sa lahat ng desisyon mo, eto ang pinaka walang kwenta! Fuck it!."

Nailigtas na kaya ako? Nabigo ko ba ang mga tao sa paligid ko? Nabigo ko bang protektahan ang kaibigan ko? Nadagdagan nanaman ba ang kabiguan ko sa buhay?

"Ate piya!." nakita ko ang sarili ko sa isang madamong lugar, puro puno at magagandang bulaklak ang nandito, pilit kong sinundan ang boses na tumatawag sakin. Yun ang boses na sobrang hinahanap ko sa sobrang tagal na panahon.

"Samuel?." sumilip ako sa gilid ng puno at nakita ko siyang nagtatago dun, nang makita niya ako ay tuwang tuwa siyang tumakbo palayo at nagtago ulit sa isang puno, nakangiti akong sinundan siya at pilit na pinipigilan ang pagiyak.

"Ate piya, hanapin mo ako!." bakas ang sobrang sayang Samuel sa boses niya, I fucking missed this. Sinilip ko siya sa punong yun at mabilis na niyakap ng mahigpit.

"Ate, let's play more! More!." nakangiti akong tiningnan ang mga ngiti niya, ang ngiti niyang walang pinagbago. Hinaplos haplos ko ang buhok niya at nakangiting umiyak.

"Why are you crying? Didn't I tell you that crying is just for weak persons?." He is full of his own sayings, at yun ang nakakatuwa sa kaniya, he inspires me a lot twing magkasama kami noon.

"I'm weak. Ate is weak, Samuel. I became a monster." Mangiyak ngiyak kong sagot sa kaniya. "No you're not! You're still beautiful, Ate." Nakangiti niyang sambit.

Hinawakan ko ang kamay niya at inilapat ko sa pisngi ko. "Why did you leave us that fast? I wasn't prepared." tuloy tuloy ang pagtulo ng mga luha ko, halo halo ang nararamdaman ko, saya, lungkot at galit.

"There's no permanent thing in earth. Everyone has it's own due date. Even that.." aniya at itinuro ang part ng dibdib ko kung saan nandun ang puso ko. "What about it?." tanong ko habang nakaturo parin siya sa puso ko.

"Vengeance is not ours, it's God. You need to move on, Ate. Walang magagawa ang galit mo, masasaktan mo lang lahat ng nasa paligid mo kapag pinagpatuloy mo yan." He's just a kid pero he's already full of wisdoms.

"Do you think this is not....right?." pinunasan niya ang mga luha ko. "I'm happy up here. You need to live your own life too. Forget about the past, forgive, and love." Nakatingin lang ako sa kaniya.

Pinapayuhan niya ako na tigilan na ang plano ko, ang mga balak ko. Nakikita niya ang mga ginagawa ko at alam niya ang plano ko, alam niya ang lahat pero ako tuloy parin.

"Ikaw lang ang makakapagpabago ng lahat. It all depends in your hand. Lahat ng taong nasa paligid mo ngayon ay may mahalagang gagampanan sa buhay mo." biglang lumabas sa paligid ko ang mga mukha nila.

Si Anna, nakangiti siya sakin mula sa malayo pero bigla nalang siyang bumagsak at nakita kong umubo siya ng dugo at may tama na ng bala sa dibdib niya. Napapikit ako para hindi ko makita ang pagbagsak niya pero pagdilat ko ay bigla ko namang nakitang tumatakbo papalapit sakin si Bryan.

Nakangiti siyang ina approach ako pero biglang may mga hindi kilalang lalaki ang humawak sa kaniya at hinila siya palayo sakin. Nawala na siya. Humangin ng malakas at nakita ko si Henry na may hawak ng baril at nakatutok ito sa ulo niya....nakangiti siya sakin at kinasa ang baril na nakatutok sa ulo niya.

"N-no..." at isang malakas na putok ng baril ang narinig ko. Napapikit ako at isa isang tumulo ang luha ko.

"Alam kong hindi mo hahayaang mangyari ang lahat ng yun." aniya. Yumuko ako nun at umiyak ng tahimik. Natatakot ako, I'm fucking scared!!

"Natatakot ako, Samuel. Natatakot akong mawalan ulit." sambit ko at pinunasan ng parang bata ang mga luha ko. "Love. Love will save everything, Ate. Always remember it. Love."

Unti unting naging blur ang paningin ko at nawawala na siya sa harap ko. Hindi nawala ang ngiti niya sa mukha at masiglang kumaway mula sa malayo at....nawala na ang kapatid ko.





Idinilat ko ang mata ko at mukha agad neto ang nakita ko.

"Sofia is back!." nag histerical siyang sigaw at halos mabasag ang eardrum ko. "You're so loud." reklamo ko at inikot ang paningin ko. Nasa kaliwa ko si Ate sa kanan naman ang parents ko.

"You just did a very dangerous stupid stunt, Lady Veniole." ma otoridad na sambit ni Mr.Veniole. "She just save her friend! Isn't that great, dad? Marunong na makipag kaibigan si Sofia!." Sobrang taas kasi ng boses netong kapatid ko.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?." tanong sakin ni Mrs. Veniole "well, aside from being gunshot and bated in head, I'm good!." Sarkastiko kong komento.

"It still runs on the blood, Rafael. Aayusin ko lang ang discharge papers niya sa main desk, rest well sweetie." hinalikan muna ako ni Mrs.Veniole sa noo bago luambas ng kwarto.

"Ofcourse, she's a Veniole!." banat pa niya ng makalabas na si Mom sa room. "Dad...." panimula ko at tumingin sa akin, naka abang silang dalawa ni ate sa sasabihin ko.

Ayokong sabihing nakausap ko si Samuel sa panaginip ko dahil malamang ay hindi sila maniniwala.

"I won't continue this mission." simple kong sambit. "Oh God. Sa lahat ng sasabihin mo, ayan pa." matawa tawang sambit ni ate, tumingin ako sa kaniya with my pleading eyes.

"I know masaya na si Samuel sa kung nasaan man siya. Ayaw niyang nakikitang nagkakaganito tayo over his death." paglalaban ko talaga na dapat hindi na to ituloy dahil ayokong biguin si Samuel.

"Fine. I will not let you continue this mission anymore......."

Halos magdiwang ang buong katawan ko sa saya dahil pinayagan ako ni dad sa nagiisang kahilingan ko.

.....alone." nanlaki ang mata ko.

"I-It can't be..." nagsimula nang mangilid ang luha sa mga mata ko. "I'll appoint my best assassin to assist you in this mission. End of conversation, Lady Veniole! No more buts!."


Hinatid nila ako sa school at ipinasok sa dorm ng naka wheelchair. "Where is she?." tanong ko kay ate, nagpaiwan na ang parents ko sa parking lot dahil aantayin nalang nilang bumalik dun to si ate.

"Who? The pretty girl? Oh I'm sure she's in class right now. Hindi siya pinapasok sa hospital room mo because she's over reacting akala niya siguro nag 50-50 ka na so yeah hindi siya pinayagan." dahan dahan nalang akong tumango.

"Tanong ko lang. May progress ba sa misyon mo? Walang nababalita sakin si Demetre. Sabagay, he's a damn useless too. Kagabi lang nagkasilbi." mataray na sambit ni ate habang paikot ikot sa kwarto namin. Pero what? Kagabi nagkasilbi!? Eh hindi niya nga ako pinuntahan!

"He was there, last night?." nagtataka kong tanong "silly girl, he saved you, can't remember?." wait what!? Siya ang nagligtas sakin!? But it was Henry! Tumango nalang ako para hindi ma issue.

"So, kausapin mo nalang ang school director kapag may kelangan ka. Tuwang tuwa siya sayo kasi iniligtas mo ang anak niya and he's willing to repay you." Ah right.. bakit parang  bumabaliktad ang sitwasyon ko.

"I'll leave you here. May mga binili kaming pasta sayo. I know you're freakin obsessed in pasta's. Don't let your guards down, little sis. I'll miss you." bumeso siya sakin at lumabas na ng kwarto ko.

So what am I gonna do now? Ngayong injured ang paa ko, may benda ang ulo ko, naka wheelchair ako, nakakulong ako sa dorm at wala 'kong kausap!? Mababaliw na ako dito, swear.

Operation: KILLING THE MAFIA SONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon