Chapter 26: AlwaysNagkatingin kami nito ng may halong gulat at dahan dahan akong naglakad patungo sa pinto at halos mapatalon ng malaman kung sino yun.
"Hindi mo nalang ako tinawag ng personal! Pinakaba mo ako!." reklamo ko at medyo natawa siya. Anong nakakatawa dun!
"Tara na kasi!." hindi ko na siya pinansin nun at dumiretso sa babaeng to.
"Tara na. Isasabay daw tayo ni Ten." iniligpit niya ang gamit niya ng tahimik at nauna ng maglakad sakin. Anong problema nito?
"Let's go!." yaya ni Ten at binuksan na ang dalawang pinto ng kotse niya. Sumakay sa back seat 'to at ako naman sa passenger seat.
Chineck ko ang oras at kelangan makabalik daw kami before 6 ng school. 8am kasi start ng classes. And I'm so fucking tired! Feeling ko mabibinat agad ako dahil sa ginagawa ko.
"Kamusta ka ba? Balita ko nagkasakit ka daw." tanong niya habang naka pokus sa daan.
"Ah oo. Malakas naman na ako." sagot ko.
Tiningnan ko sa back seat 'tong babaeng to at wtf! Ang bilis niyang makatulog. I envy her, tch.
"Ano ba yun? Para saan at nagta trabaho ka?." tanong niyang muli.
"Naglayas ako. I've been an outcast. Ayokong tumanggap ng pera sa magulang ko, it's just....so freakin' hard." mahina kong sagot para medyo hindi marinig ng nasa likod na natutulog.
"What the--? Hindi mo kayang tustusan ang sarili mo sa ganong paraan lang, Sofia." medyo tumaas ang boses niya.
"I can handle it, Ten. All I want from you is to be silent. Please lang, Ten. Wag na wag mong sasabihin to kay Bryan." kumunot ang noo ko at medyo nairita. Bakit kasi napakaliit ng mundo at talagang pinagtagpo pa kami.
"You know yourself I'm too loud. Sana lang talaga hindi ako madulas." nakangisi niyang sambit kaya tiningnan ko nalang siya ng masama.
Nang makapag park kami ay ginising ko agad 'tong babaeng to. Nag paalam ako kay Ten at may pahabol pang sapak kasi naiinis talaga ako.
Nakasunod lang ako sa babaeng to na medyo paluray luray pa kung maglakad.
"Hey." sita ko at tumigil siya nun, pinantayan ko siya ng pwesto at tumingin sa kaniya.
"Anong pangalan mo?." tanong ko. "Tricia. Tricia Felix." bulong niya kaya napakunot ang noo ko.
Well, buti naman ay alam ko na ang pangalan niya.
"What's wrong with you? May problema ba?." iritado kong tanong at hinarap siya.
"Kulang kasi ang sweldo ko. Konti lang ang naging customer ko." napaiwas siya ng tingin nun.
Huminga ako ng malalim at kinuha ang 500 pesos sa bulsa ko at isiningit yun sa nakayukom niyang palad.
"Ha? H-hindi ..." isosoli niya sana sa kamay ko yun pero inilagay ko ang kamay ko sa likod ko.
"Okay lang. Pangkain ko lang naman tong pera so okay lang." pa atras ako ng pa atras para diretso papasok sa building na.
"Mamaya nalang!." nakangisi kong sambit at humarap pero bumangga agad ako sa malaking dibdib na mabangong nilalang.
"Where have you been?." bakas sa boses niya ang pagka irita.
"Uhm.. just there! Mamaya nalang Demetre! Papasok pa ako!." mabilis na akong tumakbo papasok sa department para makaiwas sa mga tanong niya. Damn!
BINABASA MO ANG
Operation: KILLING THE MAFIA SON
Roman d'amourGusto mong gumanti ngutni ikaw ang pinili ng tadhana na paglaruan. Ikaw ang pinili niyang subukin at turuan. Ano kayang mangyayari? Makikipaglaro ka ba sa tadhana? Hahayaan mo bang maghari ang emosyon mo?