Chapter 40: Worries

59 1 0
                                    




Chapter 40: Worries

Nakangiti lang akong sinasalubong ang lamig ng hangin sa dagat. This is so refreshing. Hindi ko alam na may natatatabo pa palang ganda ang Pilipinas. Ipinikit ko ang mata ko at sumandal sa upuan.

Bakit may ganito siyang rest house? Sobrang layo neto sa Manila kaya bakit umaabot siya dito?

Tumingin ako sa kama kung saan siya ay natutulog. Nasa may terrace kasi ako. Magluluto na nga lang muna ako ng pagkain namin dahil ayokong nakaupo lang rito. Inayos ko ang suot ko at bumaba.

Hanggang second floor lang siya. Old house ang tema ng bahay na 'to. Kahoy ang dingding, hagdan at mga kagamitan sa loob. Walang electricfan kasi malamig lamig din dahil sa hangin sa dagat.

Dumiretso ako sa kusina at binuksan ang ref. Porridge nalang siguro no? Ipapainit ko tong binili kong ready to eat na Porridge, biro lang yung magluluto ako, hindi pa ako marunong magluto ng kahit ano.

Inilagay ko sa oven ang ready to eat na porridge at umupo lang muna sa counter habang iniintay tumunog ang oven hudyat para kunin ko na ang mainit init na porridge.

"Ay iha! Pinatawag mo nalang sana ako para magluto! Nako!." napabalikwas ako ng biglang may nagta tantrums na matanda sa likod ko. Bumaba ako sa counter at awkward na ngumiti.

"H-hello po." ngumiti siya sa akin.

"Nobya ka ba ni Sir Henry?." nagulat naman ako sa tanong netong unexpected. Pero napangiti nalang ako, kinikilig ako.

"O-o-opo." napaiwas ako ng tingin.

"Sabi ko na nga ba! Naku, hindi siya magdadala ng babae dito kung hindi niya kasintahan iyon!." wtf so ilang babae na kaya ang nadala niya rito?

"P-para saan ba daw po ito?." pumunta siya sa lababo ng tumatawa.

"Na ikwento niya saking para daw to sa babaeng itatanan niya isang araw. Ayaw niya daw mapasok sa magulo niyang buhay ang mahal niyang babae." pakiramdam ko naman ay namula ang pisngi ko. Damn him.

"Mag li limang taon na akong caretaker ng rest house niyang 'to, iha. At natutuwa akong nahanap na niya ang babaeng gusto niya." Nilingon niya ako at ngumiti ng bahagya.

Are you really that kind of person Henry?

Nakarinig ako ng bukas ng pintuan mula sa taas at sure akong nagising na siya.

"Manang? Can you please call my wife?." napaismid ako sa inutos niya. Hah! Wife!?

Ting

Umiiling akong binuksan ang oven at kinuha ang ready to eat na porridge roon at inilagay sa isang mangkok.

"Oh tawag ka raw ng asawa mo." asar ni manang kaya natawa nalang ako.

Binitbit ko ang tray na may porridge at baso ng tubig paakyat. Naabutan ko siyang nakaupo sa edge ng kama at hinihilot ang sentido niya. Inilapag ko ang tray sa gilid niya at hinagod ang likod niya.

"I cook some porridge. Kumain ka muna tapos paiinumin kita ng gamot." tiningnan niya ako at ngumiti. I raised an eyebrow.

"Parang asawa ko na talaga ah." asar niya kaya natawa kaming dalawa. Hinampas ko ang braso niya at kinuha ang bowl ng porridge, hinipan ko 'yon at ibinigay sa kaniya.

"Kumain ka na ha? Kukuha lang ako ng gamot." umaktong tatayo na ako pero hinila niya ako paupo sa tabi niya at hindi na nagsalita. Kinain na niya ang porridge na ibinigay ko sa kaniya.

Operation: KILLING THE MAFIA SONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon