Chapter 42: Man

56 1 0
                                    


Chapter 42: Man

Nang naihugot ko ang lakas ko ay pinilit kong lumabas ng condo para masigurong ligtas ako. Kahit na hinang hina ako ay pinilit kong makababa sa first floor at doon aantayin ko si Bryan na makabalik. Hindi pwedeng magisa lang ako.

Hapo hapo ko ang tiyan kong naglalakad at umuubo ubo pa. Malala na to. Gusto ko ng humiga at matulog pero hindi pwede. Hindi pa ako ligtas.

Naupo ako sa car park at tahimik na ininda ang sakit na nararamdaman ko. Attaaga sakin yung taong yun, malaman ko lang kung sino 'yon ay hindi ko siya papalampasin. Nabigla talaga ako kanina sa hindi inaasang atake.





Naidilat ko ang mga mata ko ng makarinig ako ng busina sa harap ko. Nanliit ang mata ko dahil sa ilaw nito at dahan dahang tumayo. Lalong sumakit ang katawan ko shit.

"Sofia? What the hell are you doing here!? Wait anong nangyari sayo? Bakit ganito ka!." inalalayan niya akong tumayo at hindi ko na pinalampas ang pagkakataon at yumakap ako ng mahigpit sa kaniya.

"They attacked me. Masuwerte ako dahil binalaan lang nila ako. Bryan, what took you so long!." humagulgol ako sa dibdib niya dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. I'm just so tired faking my strength na pati sarili ko ay nagsisinungaling na ako.

Niyakap niya ako ng mahigpit at hinaplos ng marahan ang ulo ko.

"Let's go inside first, hm?."

Pumasok kami sa unit niya bitbit ang maleta ko. Pinainom niya ako ng painkiller at ginamot ang sugat sa bandang baba ng labi ko dahil sa sampal ng lalaki kanina.

"Namukhaan mo ba yung lalaking pumasok dito?." tanong niya habang ginagamot ang sugat ko. Dahan dahan akong umiling at pumikit.

"Iche check ko ang cctv footage mamaya sa control room. Don't worry I'll handle it." nakaramdam uli ako ng paghalik ng isang malambot na labi sa noo ko na ikinaginhawa ng pakiramdam ko.


Kinabukasan ay maaga akong nagising para magluto ng almusal namin. Hindi ko muna ginising si Bryan dahil mukhang napuyat siya kakabantay sa akin. Sobrang laki ng pasasalamat ko at nandito siya ngayon.

Kinuha ko ang phone ko at tinry i dial ang number ni ate.

"Come on scarlet...answer it..." balisa akong napabulong.

Nagulat nalang ako ng sinagot niya ang tawag at halos mapatalon ako sa tuwa pero pinakalma ko ka agad ang sarili ko.

"Where are you!? Why aren't you answering my calls!? Do you know how much I'm worried!?." salubong ko agad ng marinig ko ang pagbuntong hininga niya.

(Sis, you won't believe it. Ang galing ni dad sa pag set up.) Ani ya

"What do you mean? Asan ka ba?."

(I'm in Canada. Nakakulong ako sa isang rest house. Hangga't hindi mo nagagawa ang misyon mo ay hindi ako papalabasin dito and what's worst is baka mamatay ako sa ka boringan dito!) God, how much I missed her voice.

"As long as you're safe, okay na. Tatawagan nalang kita ulit kung may mahalaga akong sasabihin." ibababa ko na sana ng marinig ko siyang tumawa.

(Look who's worried here. Ang isang pusong bato na Veniole ay nag aalala sa ate niya. Oh well, see you soon sis! I hope mailabas mo na ako dito. This house stings a lot!) Maarte niyang sambit na nakapag pangiti sa akin.

"I'll hang up. Bye." mabilis kong binaba ang telepono at humarap ng halos mapatalon nanaman sa gulat.

"Kanina ka pa ba diyan?." Humikab hikab siyang tumango at umupo habang sinusubo ang tinapay na na toast ko.

Operation: KILLING THE MAFIA SONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon