Chapter 23: Desperate"Pst, Sofia. You're dreaming! Sofia!." napamulat agad ako ng mata at mabilis na hinawakan ang dibdib ko.
That was a....nightmare? Hell, buti nalang! Sobrang...nakakatakot. B-bakit tuwin nagkakasakit ako ay nananaginip ako ng mga ganito?
"Omg! Tumaas nanaman ang lagnat mo! Kanina bumaba na eh huhu." nagiinarte siyang tumayo at tinanggal ang thermometer sa kili kili ko at inilagay ito sa table sa gilid, kumuha siya ng gamot at tubig at pumwesto sa gilid ko.
"Uminom ka muna. Grabe, 3 days ng hindi nawawala ang lagnat mo. Magiging okay ka pa ba?." she murmurs habang pinapainom ako ng gamot.
Inalalayan niya akong makaupo sa kama ko at inikot ikot ang paningin sa paligid ko.
"Nandito siya kanina. May ipapasa lang daw saglit sa mga prof niya at naniniga ng notes sa mga kaklase mo para may ma review ka daw." ani ya habang nililigpit ang pinaginuman ko ng gamot.
Isinandal ko ang ulo ko sa pader at ipinikit ang mata ko. I hate being sick, fuck. Parang ilang taon lang akong nakahimlay dito.
Ibinaba ko ang paa ko sa kama at hinugot ang lakas ko na tumayo.
"Wait sofia, hindi pwede!." hinawakan ni Anna ang dalawang braso ko para alalayan ako umupo ulit pero nag insist akong lumabas ng dorm.
"Gusto ko lang lumabas saglit." sagot ko.
"Hindi pwede, Sofia. Hindi ka pwedeng lumabas." hindi ko siya pinakinggan at buong lakas akong lumabas sa dorm namin para lang makalanghap ng sariwang hangin.
"Fuck! Henry go back to our dorm, she's not here!." napatigil ako at napa awang ang bibig ko ng madatnang pilit na lumalapit si Henry sa pintuan ng dorm namin at si Bryan naman ay nakayakap rito na tila ay pinipigilang makapasok.
"What the--? Anna, I told you don't let her go out!." sigaw ni Bryan kay Anna.
"S-sofia,a-a-are you o-okay? Sofia! Wait, dude let me me talk to her please." Awa. Nakaka awa ang itsura niya ngayon. Buong lakas siyang nagmamaka awa kay Bryan na kaibigan niya para lang makalapit at makausap ako.
Hinila na ako ni Anna papasok ulit sa dorm at dahan dahan akong iniupo sa kama ko.
"He's always like that. I think, he badly misses you." ani ya. Napaiwas ako ng tingin.
"Magpapahinga na ako." bulong ko at dahan dahang ipinasok ang sarili ko sa makapal na kumot.
"Sofia. Hindi naman sa ibinibigay kita sa kaniya pero I know you like him too. Pareho lang kayong nahihirapan sa ganitong sitwasyon niyo." rinig kong sabi niya.
"He didn't like me." because he never told me.
"Who said? It's obvious, Sofia. He's badly into you. Nababaliw na nga ata yun!." ipinikit ko ang mata ko at pinilit ang sarili kong matulog.
Nagising ako around 11am at nadatnan kong wala na si Anna. She's probably in her class right now.
Tumayo ako at maingat na naglakad papasok sa cr, nag half bath ako at isinuot ang PE uniform ko. Itinali ko ang buhok ko at naglagay ng onting lip tint para hindi magmukhang may sakit.
Tinanggalan ko ng laman ang bag ko at inilagay lang ang ballpen ko roon para hindi ako mahirapan. Huminga ako ng malalim at lumabas na. I'm heading to my second class.
BINABASA MO ANG
Operation: KILLING THE MAFIA SON
RomanceGusto mong gumanti ngutni ikaw ang pinili ng tadhana na paglaruan. Ikaw ang pinili niyang subukin at turuan. Ano kayang mangyayari? Makikipaglaro ka ba sa tadhana? Hahayaan mo bang maghari ang emosyon mo?