Chapter nine: protectionNang matapos kong i-mop yung second floor na wala namang nagka klase ay napasalampak agad ako at sumandal sa pader ng floor na to. Okay na to atlis malayo ako sa magulong parte ng eskwelahang to.
"Sofia?." rinig ko ang yabag ng sapatos niya paakyat sa floor ko, ng bumungad sa kaniya ang pwesto ko ay bigla siyang napatakbo papalapit sakin.
"Hey, are you okay!?." itinaas ko ang kamay ko para patigilin siya sa ka oa-ang taglay niya. "Just relaxing." walang gana kong sabi at tumayo.
"Dismiss niyo na ah? Bakit andito ka pa?." yes, hindi ako nai dismiss hanggat di ko pa natatapos ang pagma mop, 2 hours na ang extension ko puta.
"Wala ka sa dorm niyo sabi nung anak ng director kaya hinanap kita. Nakasalubong ko nga si Henry diyan sa may hagdan sa baba, di ko alam kung bakit pero di ko siya pinansin. Hahaha so tara na?." he has a big mouth, kalalaling tao ang daldal.
"Saan?." namutawi sa mukha niya ang pamumula na ikina kunot ng noo ko.
"Kain lang tayo. Di ka pa naglunch, treat ko." napaiwas siya ng tingin kaya napangisi ako. "Are you asking me on a date?." masyadong straight forward pero mas better to.
"Kinda. Pero, this is not official! Lalabas tayo ng school sometimes." napailing nalang ako sa naunang maglakad sa kaniya. "Wait up, fia." napapangiti ako ng bahagya.
I see him as a friend. Nothing more nothing less. Siguro pwede naman sigurong ipalagay ko ang sarili ko sa kaniya, pero I don't why is he being nice to me. Is it because of my status? O baka naman isa rin tong traydor.
Nang makababa kami sa ay totoo nga, andito nga si Henry. Nang makita niya kami ay napa ayos siya ng tayo at humikab hikab.
"I'll treat you both. Let's go." parang tuminis ang pandinig ko. Kaming tatlo kakain ng sabay? Just wtf!?
"Am I hearing things right, dude? Sa wakas naman ay ililibre mo na akooo!." tuwang tuwa na yumakap sa iritadong si Henry, sabagay palagi namang mukha siyang iritado sa lahat ng bagay.
Dumiretso kami sa cafeteria at umupo sa pinaka gitnang table. Sinamantala ko narin tong chance na to, may mga libreng hindi talaga dapat tanggihan.
"What do you want?." baling na tingin sakin ni Henry. "Pasta sana kaso wala. I'll go for tuna sandwich and shake, less ice." casual kong sagot.
"You like pasta? I hate it." binigyan ko ng the fuck i care look si Henry. "Just sayin'." tumayo na si Henry at bumili na ng pagkain, naiwan kaming dalawa ni Bryan dito sa table.
Busy siya sa kaniyang cellphone at nakakunot ang noo habang may binabasa rito. Tumingin siya sa akin, dahan dahan kay Henry at biglang inikot niya ang paningin niya sa paligid.
"What's wrong?." tanong ko na nakapag pa gulat sa kaniya ng bahagya. "W-wala..." tumayo siya nun at lumapit kay Henry, tahimik ko lang silang pinagmamasdan mula dito sa table.
Kinalabit niya si Henry at may sinabi, napatingin sakin nun si Henry tapos sa paligid din, luminga linga silang dalawa at ako naman etong si linga din. Ano bang hinahanap nila? Bakit parang may pangamba sa mukha nilang dalawa?
BINABASA MO ANG
Operation: KILLING THE MAFIA SON
RomanceGusto mong gumanti ngutni ikaw ang pinili ng tadhana na paglaruan. Ikaw ang pinili niyang subukin at turuan. Ano kayang mangyayari? Makikipaglaro ka ba sa tadhana? Hahayaan mo bang maghari ang emosyon mo?