Chapter 35: Unfold"Thank you, Rick. Visit us soon." emosyonal kong bulong at umalis na sa harap ng kabaong niya. Binigyan kami ng huling pagkakataon para makasilip sa kabaong niya bago siya ilubog sa ilalim ng lupa.
Wala na talaga siya.
"Aren't you tired? Tara na." humikab hikab pa si Henry at humalukipkip. Napatingin lang ako sa kaniya ng may halong pagkairita.
"Hindi ka manlang sisilip?." irita kong tanong.
"That bastard will visit me tonight. I can feel it." kumunot ang noo ko sa narinig kong ka wirduhan. Ang weird nilang dalawa ni Rick, jusko. Ganito ba talaga ang tratuhan nila simula bata palang?
Naglakad na kami sa mahabang damuhan palayo sa libingan ni Henry. Magpapaiwan daw si Ten at Bryan dito for the last time at babalik na ng school. Ang weird nilang apat, etong si Henry parang okay lang na nawala si Rick pero yung dalawang yun halos mag mukmok na ata sa dahil sa pagkamatay ni Rick. Well, di ko naman sila masisisi.
Ako? I'm not fine. Still.
Masakit parin syempre. May halong guilt. May kaba at takot.
"Ten....how is he related to Rick?." tanong ko habang tinatahak namin ang madamong daan. Kasi nung christmas eve ay nagulat nalang ako ng makita kong may hawak na baril si Ten at kasamang dinala si Rick sa hospital.
"We're all childhood friends. Though, mas naging matagal si Rick,Ten at Bryan kaya hindi ko masyadong close si Ten." napa oh nalang ako nun. Never had a thought about that.
"Since we're 5 year olds, maganda na ang samahan naming tatlo nina Bry at Rick. Around 8 years old nang mapadpad sa business ang family niyan ni Gonzales at napasama sa amin. But, at that age I was forced to live in California." napatingin ako sa kaniya.
Nakasuot ang dalawa niyang kamay sa bulsa niya at komportableng nagke kwento.
"I was forced to hold a gun. Dun ko lang nalaman na hindi pala kami isang normal na business family. Drugs. Diyan ako simulang namulat pero never ako nag take. I assassinated many drug lords." nakatingin lang ako sa daan, pareho lang pala kami n sitwasyon.
"Pero tumigil ako sa ginagawa ko nun nang malaman kong....." tumigil siya nun sa paglalakad kaya napatigil rin ako, taka akong tumingin sa kaniya at huminga siya ng malalim bago itinuloy.
"......may pinatay silang bata. Batang walang ka alam alam. Batang inosente." sandali akong napatulala nun at nagpigil ng nararamdaman.
Bigla akong nakaramdam ng sobrang init sa loob ng puso ko na tila ba'y gusto nitong kumawala. Napayukom ako ng palad. All this time, kinalimutan ko ang sala ng pamilya niya dahil sa lecheng nararamdaman ko.
"S-s-sino daw?." I tried maintaining the calmness of my voice.
"The head assassin did it. Though, patay na siya pero nagagalit parin ako. I don't know who is that kid pero I feel bad for his family." ani ya. The head assassin? Who the hell is that? At kahit na patay na siya ay handa akong hukayin ang pinaglibingan sa kaniya para lang durugin ko pa siya.
I will fucking smash him into pieces. Into fucking pieces!
"Hindi ko alam kung anong kasalanan ng pamilyang 'yon at nagawa nilang pumatay ng isang bata, pero I'm sure it's connected to drugs. Hindi rin sa akin pinaalam ang background ng misyong 'yon, so me myself are trying to find it out."
sumunod ako sa paglalakad niya habang lutang ang utak ko. I can't believe it. Siya na mismo ang umamin sa akin, sa harap ko at personal. I can't believe that a Menouvu is telling me this confidential information.
"Why?." iniiklian ko lang ang mga tanong ko dahil baka biglang magalit ako.
"I'll apologize." Simple niyang sagot at natawa ng onti.
Why is he telling me this, anyway? Why is he acting like this? He will apologize? There is no way my family would take his apology. Nagawa na. Nangyari na ang ikinagalit ng buong angkan. Nagkaroon na ng lamat.
"Do you think it's possible?," Tanong kong muli.
"I don't know, but still. My apology on behalf of my family would be that best way." he's sincerity....his ugh! Bakit ba ganito siya!?
"You can't just apology! You took a precious life then do you think apology is the easiest way!? Do you think what more it is?." tumingin siya sa akin at walang emosyong nagtama ang mga mata namin.
"Life." bulong ko. Napangisi ako nun at umiwas ng tingin. Ayokong umiyak dahil ayokong magtaka siya at magtanong.
"Of course, I will give my life." matawa tawa niyang sagot laya kumunot ang noo ko.
"What did you say?." tumingin siya sa akin nun at tumigil sa paglalakad.
"If my life would be the payment for them to forgive Menouvu's then I'm willing to risk it." Ngumiti siya. He fucking smiled after talking like that! Shit!
"You're crazy." yan nalang ang tangi kong naisagot at hindi ko namalayang nasa harap na pala kami ng sasakyan niya. Pinatunog niya ito at pinagbuksan ako ng pinto.
I'm just too tired to think. To cry and to reminisce.
To think na ako ang mali simula palang. We're doing a revenge on a wrong people. Pero parte siya diba? Galing sa clan niya niya ang head assassin na 'yon at pamilya niya yon!
Damn, Samuel help me.
Nag drive na siya at nanatiling tahimik ako sa loob ng biyahe. I hate this feeling. Gulong gulo na ako.
"Where do you want to eat? Hindi ko pa naitutuloy yung date natin." oh about that. Hindi kami naka alis that day dahil biglang sumama ang pakiramdam ko.
I'll just forget it. Ayokong dumagdag sa stress ko ito, kasama pa nung pumunta si Mr. Veniole sa bar na pinagta trabahuhan ko at kung ano ano ang sinabi at inutos.
"Anywhere. Basta may pasta." simple kong sagot at tumahimik na. Mawala na ang lahat wag lang ang pasta.
Dumiretso kami sa isang restaurant at mabilis na kumain. Gutom kaming pareho at inisip naming walang nag e- exist na Sofia at Henry sa harap naming dalawa. Pagkatapos naming kumain ay nagkalikot lang ako sa phone habang inaantay siya.
Tinext ko ang number ni ate.
Text me back if you receive this, ASAP.
"Ihahatid kita sa school. May pupuntahan muna ako after." tumango tango nalang ako at inintay siya.
Mukhang nagmamadali nga siya dahil mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan niya at tumigil sa harapan ng school.
"Dinner later?." tanong niya bago ako makalabas ng sasakyan niya.
"Sure." tanging sagot ko at bumaba na ng sasakyan niya. Nakatingin siya sa akin at tila ayaw pang umalis pero no choice ata siya kaya nagmadali na. Nakatayo lang ako room at napangsing may nakahintong taxi sa kabilang dako ng daan.
Lumapit ako room at sumakay.
"Pakisundan yung sasakyan na itim na 'yon."
BINABASA MO ANG
Operation: KILLING THE MAFIA SON
RomanceGusto mong gumanti ngutni ikaw ang pinili ng tadhana na paglaruan. Ikaw ang pinili niyang subukin at turuan. Ano kayang mangyayari? Makikipaglaro ka ba sa tadhana? Hahayaan mo bang maghari ang emosyon mo?