"Siya nga pala Li. Kamusta pala 'yung reunion niyo 'nung isang araw?"
Tanong ni Alois ng naglalakad na kami pauwi galing sa natitirang Misa de Gallo na isa rin sa pinagplanuhan ng pamilya ng bawat-isa, since salo-salo naman din daw kami sa pagsapit ng pasko so why not Misa de Gallo too.
"Okay lang." Diretsa kong sagot.
"Okay lang? Tsk, tsk, tsk. Typical Lian. " umiiling pa niyang tugon. "Elaborate, please." Dagdag niya.
I chuckled then. "So you really do know me that well, huh?" Pagpilosopo kong tanong. "Ok lang naman talaga. I'd still enjoyed." Pahabol ko.
"And?" Siya na wari'y nang-iimbestiga ng kung sino. Typical Alois.
Nailing na napangisi naman ako sa pagpakita ng ala-detective side niya. "Konti nalang Alois, maniniwala na talaga akong chismoso ka." Tugon ko.
"Naku~ ngayon mo pa ba napansin?" As he laughed then.
Natawa nalang din ako, kaya ang resulta.. Sabay na kaming tumatawa.
Ilang segundong katahimikan ang namayani sa'ming dalawa matapos mahimasmasan sa kakatawa. Hangang sa ako na nga ang bumasag dito.
"Actually, that time na nagreunion kami, nanibago ako." Mula sa kawalan, agad nabaling ang atensyon niya sa'kin. Saka patuloy na pinakinggan ang sasabihin ko pa.
"Nanibago ako, in a sense that I felt out of place. Feeling left out of the group that I'm once in."
"Alam mo 'yung feeling na kahit welcome na welcome ka parin sa grupo, nasisiyahan paring kasama sila. But then at the back of your mind.. Pakiramdam mo may kulang na. Like in just a snap! Walla! Di ka na pala nakakasabay sa trip nila."
"Yun ang naramdaman ko nun Alois. I don't know why, dahil ba sa matagal-tagal ko silang di nakabonding? Or it was just the thought of maturity?"
"Minsan nga naisip ko. Kung di kaya kami lumipat-bahay, kung di sana nangyari ang di inaasahan.. Baka palagi ko parin silang nakakabonding hangang ngayon. Maybe, I'm still belong with their craziness."
"But then, in second thought. Tama narin siguro ang ginawa ng tadhana para sa'kin. Para maiwasan ko ang mga hindi dapat. Because to tell you, Alois. Half of their good side became slightly wrong."
"I really do miss them so badly. And I mean it. It's just that, the level of maturity they had now felt so different for me. 'Yung pakiramdam na ibang tao na ang nakakasalamuha ko. Hindi na sila. Hindi na ang dating mga kaibigan ko na kilalang-kilala ko. So ironic, right?"
"Life really is ironic Li. Change is inevitable. Na kahit ano mang gawin natin, paglalaruan at paglalaruan parin tayo nito, hangang sa marealize nalang natin isang araw, we have no choice of doing but accepting." Sagot ni Alois, matapos kong magtanong.
I playfully smiled to his thoughts. "Ikaw na talaga Alois. You really are my certified consultant. Congratulations!" Inuwestra ko pa ang kamay ko for a handshake na inismaran niya lang.
"Li naman eh. Nang-aasar ka na naman. Hahalikan na talaga kita!Seryoso na'ko. Kaya maghanda ka."
"Sige! Halikan mo. Tignan natin kung di ka pa bugbugin ni Rodney. Overprotective pa naman 'yun sa'min ni Clyd. Kung makatingin nga sa'yo oh?Parang gusto ka ng tirisin ng pino-pino."As he groaned then, ng makita ang nginusuan kong pinsan na tumitingin na pala sa gawi namin.
"Urggh! Kahit kailan talaga. Talo na ako sa'yo sa asaran. Tsk."
"Rie! Naku, bilisan niyo ng maglakad diyan! Ako na inaagrabiyado ni Rodneyot dito oh?~ nagpapahuli daw kayo! Baka anong gawin daw ni-- Aray ko! Oo na putek naman 'tong shoyot na'to. Rie~ dali na! Urghh." Halos napapaos na niyang tawag sa'kin, sabay sa mapaglarong bunot ni Rod sa kanya.
"Andiyan na." Natatawang sagot ko naman. Kaya agad nadin kaming sumunod para magkapantay sa paglalakad nila.
YOU ARE READING
Wishing, Alois |√
DiversosAccording to a quotable phrase, "You are the protagonist of your own story" As for me, I'm really so sure of my own story. A perfect life with just a happy thoughts. Until i meet this someone who is the total opposite of me. And that's when I decide...
