"Geez. She really is something for having this kind of office na halos di matunton-tunton. Kala mo naman may pinagtataguan."
Binatukan na nga ni Max si Moses ng sabihin 'yun. "Alam mo, konti nalang maniniwala na'kong bakla ka. Para kang nagmemense kung makalait. Kahapon ka pa eh. Ha?" iritang sambit pa nito.
"Tss. Totoo naman kasi eh.." himas naman ni Mose sa binatukang ulo niya.
"Tumigil ka nga. Rumespeto ka, ha? Pigilan mo 'yang mood swings mo. Putek." pahuling banta pa ni Max, bago naunang pumasok na sa tagong building.
Nahimigan naman sa kausap ang ilang reklamo, pero di na nga lang pinansin. Natigil naman kasi agad ito ng makita ang looban ng building.
"Wah.. Really? This place is so stunning. Geez, malayo sa ayos ng labas Maxy. Baka maniwala pa'kong dating mafia 'tong si Ms. Lian eh."
Kaya't nahampas naman ngayon ito ni Max. "Kalog! Tumigil ka na nga. Kung ano-ano nalang iniisip mo diyan. Para kang ewan." reklamo pa nito.
"Tss. Totoo naman eh." wika naman ni Mose habang hinihimas naman ngayon ang hinampas na braso ng kaibigan.
"Ewan ko sa'yo. Maganda rin naman ang ayos ng labas ha. Tss. Halika na nga lang at umakyat na tayo." pasukong sambit na nito, saka nauna ulit pumunta sa elevator na sinundan narin nung huli ni Moses.
~
As they headed ahead to the floor kung saan naroon ang opisina ng hinahanap ay agad silang namataan ng sekretarya nito.
"Ooh. I didn't expect you two to come this early. What's with the rush?" birong tugon nito na sineryoso pa ata ng mala mood swing na si Moses.
"You see miss. Our deadline is coming, so would you please, just set us an appointment with your boss?" prenteng sagot pa niya na ikinataas ng kilay ng sekretarya.
"Meron ba 'yan ngayon ang kaibigan mo? Para biro lang eh. Tss." sagot pa nito ng bumaling kay Max.
Nginitian lang naman niya ito, waring nahiya rin sa inasta ng kaibigan. "Pagpasensyahan mo na. Meron nga siguro 'yan" pakikisabay na niya nung huli na ikinatawa nilang nag-uusap.
Batid ni Max ang masamang tingin na ni Moses sa kanilang dalawa kaya't mataman na niyang hinawakan ang kamay nito.
"Relax ka nga. Para kang timang." wika pa niya, saka bumaling ulit sa sekretarya.
"Uhm. Maldives right? Pupwede pa ba kaming makakuha ng appointment kay Ms. Lian? Kailangan talaga kasi namin siyang makausap." paunang usal niya dito.
"Well, okay. Kailan niyo ba gustong makausap siya?" tanong ni Maldives.
"This week sana. I'm sure meron naman diba?" umaasang sambit ni Max.
"Hm.. Let me check first lang ha." sagot ulit ni Maldives saka bumaling sa itinerary ng amo, habang sina Max ay naghihintay lamang sa sasabihin nito.
Matapos naman nitong macheck ang itinerary, saka ito umangat ng tingin sa kanila. "Unfortunately guys, puno ang sched ni boss this week. So no choice at next week na kayo makakakuha ng appointment sa kanya."
Simpleng sagot lamang 'yun para kay Maldives, kabaliktaran naman sa reaksyon ng dalawa na nanglulumo na. Napahampas pa nga ng di oras si Moses sa counter ng sekretarya na ikinagulat rin nung huli.
"Mose! Ano ka ba?" pagtigil ni Max sa kaibigan.
"Max, this is nonsense. Tingnan mo nga, this week na ang deadline natin sa project, tapos bihira na tayong makakuha ng appointment. It's useless!"
That sudden outburst of Moses ang di inaasahan naman ni Max. He never been frustrated like this before, and God knows kung pa'no niya ka kilala ang bestfriend pwera may problema man ito o wala.
It was a sudden silence then, after that. Para bang nagmistulang yelo si Max na mataman lang ang tinignan sa di maintindihang kaibigan, hangang si Maldives na nga ang bumasag nito.
"If you badly need to meet her this week then talk her instead." prenteng wika pa nito.
Umiral na naman ang pagkapilosopo ni Moses, waring di parin nahuhupa ang sariling pinagdaanan.
"Pss. Pa'no nga namin siya makakausap, eh kahit appointment eh wala kami? Tss." sagot pa nito, kaya naman napagtaasan ulit siya ng boses ng kaibigan.
"Moses! Ano ba?!" sa tinig 'yun ni Max ay natigilan narin siya. Buti nga at bihirang makakarinig ng sigaw ang ibang empleyado sa pasilyong 'yun at silang tatlo lamang ang nagkakarinigan sa tinig ng bawat isa.
Nang bumaling si Max sa gawi ni Maldives, ay may iniabot agad itong papel. "Here. That's the only way you could be able to talk to her. Bihira ko lang 'yan naibibigay sa mga kailangang makausap siya. It's supposed to be her leisure time,you know."
"What do you mean?" agarang tanong naman ni Max ng makita ang address na nakasulat sa pirasong papel.
Isang kibit-balikat lamang ang tugon nito. "Kahit ako ay di alam kung anong importante meron sa lugar na 'yan para paglaanan niya ng oras. I guess, you better see for yourself then." sagot lamang nito.
"And how would we know that she really is their? Di ba pwedeng contact number nalang ang ibigay mo sa'min?" waring kalmado ng tanong ni Moses, kaya't napabaling narin ang tingin ni Maldives sa kanya.
"It's useless though. She has a 2-days business trip abroad right now, kaya't bihira niyo siyang macocontact, except of course kung siya ang cocontact sa'kin, na kahit ako ay di alam kung mangyayari rin ba o hindi."
Diretsong sagot lamang nito. Kaya naman may nakonkluda rin agad si Max.
"Sandali? Ang ibig sabihin mo ba, after her 2 days trip ay posibleng dito siya didiretso?" usal pa niya na agad ring tinanguan ng pinagtanungan.
"It's always been saturdays tuwing pumupunta siya diyan. So I guess, diyan na nga kayo makakakuha ng tiyempo." sagot pa nito.
"Alam mo ba ang possible flight niya pabalik dito?" umaasa na namang tanong ni Max na tipid lamang na nginitian ni Maldives.
"Baka nga tulog pa tayo kung makapunta siya diyan eh. So I'm sure maaga palang ay makikita niyo na siya diyan." sagot ulit nito, kaya't ngumiti nalang rin si Max dito.
"Thank you about this, Maldives. We owe you a lot." saka nga siya nagpaalam na kaladkad ang bestfriend na di wari kung anong problema.
"I better talk to him." yan ang sabi ng isip niya ng hangang sa papalabas na sila. Dala-dala ang plano para sa unfortunately day5 chase with the one and only Lianna Marie.
YOU ARE READING
Wishing, Alois |√
RandomAccording to a quotable phrase, "You are the protagonist of your own story" As for me, I'm really so sure of my own story. A perfect life with just a happy thoughts. Until i meet this someone who is the total opposite of me. And that's when I decide...
