"Tao po.."
Panimulang tawag na ni Max ng ni wala paring lumalabas na kung sino sa pag do-doorbell nila sa tinatantyang bahay ni Lianna Marie Conrad.
"Tao po.. " wika niya ulit na may kasamang pagkarampal na ng gate nito.
At ulit. Wala paring lumalabas galing dito. Kaya nagdesisyon naring pigilan ni Mose ang pagpipilit nito.
Hinawakan niya ang sikuan nito. "Max. Mukhang wala namang tao. Kanina pa tayo dito oh. Saka tingnan mo nga? Nakalock pa ang gate. "
Yet, Max only tend to rolled her eyes with sarcasm. "Alam mo ang weird mo rin eh. Ikaw 'tong pressure na pressure tapos ang negatibo mo. Pa'no natin toh matatapos kung pinapairal mo 'yan? Tss. " pagpipilosopa na nga nitong sambit.
"Pss. Para mabanggit lang eh.. " sagot na lamang nito.
"Tss. Banggit daw. Ang sabihin m--"
Di na napagpatuloy ni Max ang sasabihin ng may Aleng umagaw ng atensyon niya.
"Anong kailangan nila?" sabi pa nito na binubuksan ang nakalock na gate nito.
"A-Ah.. Kayo po ba ang nakatira dito? May hinahanap lang po kasi kami. Si Ms. Lianna Marie po.. " pagkausap na ni Max dito.
"Si Lianna? Naku Hija. Matagal ng di dito nakatira 'yun. Pasensya na. " sagot nito.
"Strike one.. " bulong agad ni Moses kaya tinignan na niya ng masama. Waring nagsasabing tumigil ito.
Habang palihim silang nagbabangayan ay pinagmamasdan naman sila ng Ale na para bang may gusto pang ipahiwatig sa kanila, kaya nga't sa kalaunan ay di na nga nito napigilan.
"Di ako sigurado, pero baka matulungan ko kayo." sambit na nga nito na agarang binalingan rin ng magkaibigan.
Nagtinginan pa nga ito, tila nabuhayan ng loob sa sinabi ng Ale.
"Ano pong ibig niyong sabihin manang?" tanong na ni Max dito.
Tipid naman itong ngumiti. "Buti pa't tuloy na muna kayo." saka nga sila inaya nito na pumasok sa loob na lubos rin nilang tinanggap.
~
"Dito na muna kayo't maupo sa salas. Siya nga pala. May gusto ba kayong inumin? Ipaghahanda ko narin kayo."
Panimulang alok nito sa kanila na agad rin nilang tinugunan. "Salamat po. Pero kahit ano na lamang po. "
Saka nga umalis ang Ale at naiwan na silang dalawa na para ng imbestigador kung suriin ng tingin ang buong bahay.
Di nagtagal ay bumalik na nga ito na may bitbit na tray ng inumin at iilang pangmeryenda para sa kanila.
"Salamat po ulit." pagpasalamat ni Max ng malagay na nito ang dala sa mesang kaharap nila.
"Manang. Kaano-ano niyo po ba ang mga Conrad?" tanong na ni Moses dito ng makaupo ito sa katapat na upuan nila.
Natawa naman ito, na para bang isang biro ang narinig galing sa kanya. "Caretaker lamang ako Hijo. Pinagbilin lamang itong bahay sa akin."
"Kung ganun po ba, pinagbibili narin ito ng mga Conrad?" kyuryoso ng tanong ni Max.
"Sa totoo lang, hindi ko alam. Kasi ni minsan hindi iyan nabanggit ni Lian. Basta ang tanging bilin niya lamang ay alagaan ito. Bakit? Ano bang kailangan niyo sa kanya? "
Simpleng tango lang ang sinagot nila dito. "Kakausapin po sana namin siya tungkol sa isang bagay. Importante lang po kasi para sa proyekto namin. Alam niyo po ba kung nasaan nakatira ngayon si Ms. Lian, manang?" dagdag wika ni Max na tanging iling naman ang nakuha sa Ale.
"Mga ilang taon narin kasi ng huling bisita niya dito. Hangang pagpapadala lamang ang tanging komunikasyon namin. Ayaw ko namang magtanong at baka mapagkamalan pa'kong nang-uusisa noh."
Natawa ito sa sariling hinaing. Sabay naman sa pagkababa ng pagkakataon ni Max. Buti at agad rin itong napawi ng may nilahad itong isang sulat sa kanila.
"Ito. Nakita ko iyan sa mga naiwang gamit ni Lian ng minsang naglinis ako sa kwarto niya. Baka makatulong nga sa inyo."
Tinanggap ito ni Moses na ikinabigla nito nung huli, kaya't naagaw narin nito ang atensyon ni Max.
"Bakit?" tanong pa nito na tinignan narin ng kaibigan.
"It's from Alois, Max. Dated 2012. So it was 5 yrs. ago." nabigla na nga rin siya ng malaman iyon.
Kaya't naggpaalam na sila agad sa nakausap na caretaker. At kahit ito'y nagtaka sa biglang pag-alis nila ay wala naring nagawa kundi alalayan sila patungong labas.

YOU ARE READING
Wishing, Alois |√
De TodoAccording to a quotable phrase, "You are the protagonist of your own story" As for me, I'm really so sure of my own story. A perfect life with just a happy thoughts. Until i meet this someone who is the total opposite of me. And that's when I decide...