"Alois. What were you doing? Ba't mo tinatakpan 'tong mga mata ko?" Panimulang maktol ko.
"Basta. I wan't to surprise you this time. So just let me, okay."Sagot niya.
"Tss. Siguraduhin mo lang na masusurprise ako. Makakatikim ka talaga sa'kin pag hindi." Pagbabanta ko naman.
"Toh naman. Oo na. Eto na nga oh? Malapit na tayo. Kaya konting tiis nalang." Paninigurado naman niya.
Kaya no choice na nga ako, kundi sabayan nalang din ang trip niya. Sa bawat hakbang ng nga paa namin ay ang patuloy din na pag-alalay niya sa'kin.
"Li?" Tawag niya sa'kin ng nahinto na kami sa paglalakad at mukhang nakarating na ata sa tinutukoy niya.
"Hm." Sagot ko naman.
"Now that we're here, and after I free my hands. Can you first count to ten before opening your eyes? Can you do it for me?" Pakiusap niya.
Imbes na seryosohin ko ang pakiusap niya. Maktol ang binigay ko sa kanya.
"Alois, Is this some kind of a prank? Dahil kung Oo, sapak talaga ang maabutan mo sa'kin."
Pilit ko pang tinatanggal ang nakahawak na mga kamay niya pero di ko din naman maalis-alis dahil ang lakas niya para pigilan ito.
Para naman niyang binalewala ang reklamo kong 'yon. Bagkus ay tinawanan lang ako.
"Here we go Li.. So do it for me, alright?"
"Urgh. Aloi-- fine!" Sukong sambit ko nalang ng sinimulan na niyang tanggalin ang kamay niya sa'kin.
Sa katunayan, pwede ko namang di sundin ang gusto niya. Pero ewan ko ba kung ba't mas pinili ko pang gawin iyon.
"10. Alois!" Tawag ko pa nung una sa kanya.
"Your doing great, Li. Sige lang." Sagot niya.
"9, 8, 7. Alois!" Para akong timang na natatakot na iwanan sa pabaling' tawag ko sa kanya.
He chuckled. "I'm just here, Li. Dali na, malapit ka na."
Kaya tinapos ko na nga ang natitirang numero, ayon sa gusto niya."6, 5, 4"
"3, 2"
"1. Alois!" Huling pasubaling tawag ko sa kanya na agad nagdala ng kaba sa'kin ng di ko na narinig ang tinig niya.
"Alois!" Tawag ko ulit. Pero sa pangalawang pagkakataon ay di ko parin siya narinig.
Nagdesisyon na nga akong idilat ang mga mata ko at aabangan siya ng sunod-sunod na lintaya.
At sa pagkamulat ko ay mas uminit pa lalo ang ulo ko sa kanya ng mapagtantong dinala lang pala niya ako isang abandonadong lighthouse na ni minsan ay di ko pa napuntahan buong buhay ko.
"Alois!!! You freaking Benzon! Ito bang surprising sa'y--"
"Alois?" Di ko inasahang di ko siya makita ng lingunin ko na sa buong paligid.
"Alois!" Tawag ko ulit at nagsimula ng maglakad para hanapin siya.
"Alois?!" Ulit ko padin. Pero lintek, di ko talaga siya makita. Dahilan para dalawin na ako ng kaba.
"Aloysius Kristoffer! Benzon! Sh*t Aloi--" tawag ko sana ulit pero natigil ng isang text ang matanggap ko.
'Turn around and Shout.'
Sabi ng simpleng text niya as I followed it though. Kahit naguluhan.
Nang tumalikod ako ay dun ko lang napansin na may dagat pala, at isang sementadong pader lamang ang pagitan sa'kin. As I realize na nasa taas pala ako. Kitang-kita ko ito sa baba.
YOU ARE READING
Wishing, Alois |√
RandomAccording to a quotable phrase, "You are the protagonist of your own story" As for me, I'm really so sure of my own story. A perfect life with just a happy thoughts. Until i meet this someone who is the total opposite of me. And that's when I decide...
