32nd Gloom

85 1 0
                                    

Natapos ang tree house na hinahangad ni Alois. We even try staying their together. Pero katumbas naman nun ay madalang narin naming pagkikita.

I don't know if what's the catch. Basta ang dinadahilan niya lang palagi pagmagkikita kami ay may kailangan lang daw silang puntahan ng pamilya niya.

Di ko nalang tinatanong kung sino. Baka sabihin pa niyang nang-uusera na ako. Pero kasi, it's just not so typical of him. Pagdating naman kasi sa ganoong bagay noon, dinidetalye pa nga niya.

Their's just this something that he didn't tell me for a reason. And I don't even know, why.

~

Until this one time came na pinagtataka ko na talaga. And then after, I realized that it's bugging in my mind countless times.

=Flashback=

I was about to wait for him. Since sabay naman na kami tuwing pumapasok at umuuwi from school.

But this time. Imbes na siya ang madatnan ko, ay kotse ng papa niya ang lumabas galing sa gate nila.

Lumabas naman ito saglit sa kotse, habang tinutulungan naman ang ibang kasambay para ipasok ang dalang gamit nito.

Nagtaka man, ay nagtanong lang rin ako agad. "Tito Mag. Aalis po kayo? Itatanong ko po sana kung papalabas narin po ba si Alois."

Tila natigilan naman siya. Kahit si tita Phrim na nagpapasok din ng mga gamit sa kotse ay nabaling ang atensyon sa'kin.

"S-sandali, hija. Didn't he tell you? Di ba nagtext sa'yo si Alois?" Balik tanong sa'kin ni tita.

"H-hindi po tita. Bakit po? May nangyari ho, ba?" Kasabay naman nun ang pagtitinginan nila ni tito, na kahit ako ay di mawari.

"Uhm. Wala naman hija. But I think Alois can't accompany you right now.. May pinaasikaso kasi kami sa kanya. So I guess, we have to go too. Nagmamadali din kasi kami ngayon." Sagot nito sa'kin na agad ko ring tinugunan.

"Ah. Sige po tita. Sorry for the bother."sagot ko.

"No. It's okay hija." Saka nga siya ngumiti at naunang pumasok sa passenger seat.

"Mag-ingat ka nalang hija." Pahabol naman ni tito."

Ngumiti ako."Sige po, tito. Salamat" ginawaran niya rin ako ng ngiti at pumasok na sa driver seat. Saka rin ako tumabi para mas makadaan ang kotse nilang umaabante na ngayon.

Pagkaalis na pagkaalis ng mga magulang niya ay agad kong binalingan ng tingin si Gelai, ang kaclose ko ng kasambahay nina Alois, na siyang nagsisirado na ng gate nun.

Pero kahit siya, ay di rin ako sinasagot. Or worst is, di dapat ako sagutin sa kung ano mang dahilan.

Kaya umalis na nga ako at piniling pumunta ng university mag-isa. But one thought stop me from my reverie.

May di ka sinasabi sa'kin, Alois..

Wishing, Alois |√Where stories live. Discover now