Days without seeing Alois, become weeks. 2 weeks na, pero wala parin siya, even weekends. Though tinetext naman niya ako, pero nakakaduda naman na kasi ang mga dahilan niya sa paglipas ng araw. 'Cause for every questions I asked, pare-pareho lang din ang nilalaman nun. Always.
Ni sa university ay 2 weeks narin siyang di pumapasok. So basically, wala na nga akong kasa-kasama sa pagpunta at pag-uwi.
That's why all this time, I've been badly worried for him. May kutob naman talaga kasi akong parang may mali. May mali, and I know my instincts too well na hindi ito nagkakamali. Kaya sigurado akong meron nga.
~
"Tita, sandali." tawag ko agad ng maaubatan ko sa wakas ang mama niya. Pawang nagmamadali ulit ito kahit weekend naman.
"Oh. Ikaw pala hija. Anong maiitulong ko?" Sagot niya na abala sa pagkulikot ng phone niya.
"Uhm. I just wanna ask about Alois po sana." Nahihiya ko pang tanong.
Tila natigilan naman ito at mas nabaling na ang atensyon sa'kin. "Wala ba siyang sinasabi sa'yo? Didn't he texted you?"
"N-nagtetext naman po. Pero kasi.." Naputol ang sasabihin ko ng biglang nagpaalam si tita Phrim.
"Sorry hija. But I think I can't accomodate you right now. I'm in a hurry again. So excuse me." Papasok na sana siya ng driver seat pero agaran kong ng pinigilan ang pinto nito.
"Is this all about Alois? Is he okay?" Pag-aalala ko ng tanong.
"What are you talking, hija? Of course Alois is okay. Marami lang talaga kaming pinaasikaso sa kanya kaya expect na bihira na nga kayong magkita." Dahilan pa niya.
"You've already said that tita. So I won't buy it. He's two weeks gone for pete's sake! So please, just tell me."
Mukha naman siyang nainsulto sa biglaang pagtaas ko ng boses sa kaniya. Pero di ko na kasi mapigilan.
"Don't you even d--"
"Please, tita.. I know their's something wrong. And I'm damn worry of him. I'm damn worry, so please. Please just tell me his whereabouts? Please tita.."
Di niya pagtapos sa sasabihin, at pabalik-balik ko ring pagmamakaawa sa kanya. Para bang wala na akong pakealam sa kung anong susunod na mangyayari at sa susunod pa. Basta ba't malaman ko lang ang totoo.
Natahimik naman siya sa pagmamakaawa kong 'yun dahilan para mapabuntong-hininga na lamang siya.
"Fine. Sumama ka sa'kin." Malumanay na niyang tugon, saka nga ako sumakay sa passenger seat ng kotse niya.
~
"Sorry for a while ago tita. I didn't mean it, I swear." Agaran kong pagtigil sa ilang katahimikan namagitan sa amin.
Ngumiti naman ito sa'kin habang nasa daan parin ang atensyon. "Don't be, hija. Your just being worried. So it's okay."
"Ano po ba kasing nangyari kay Alois, tita? And.." Sabay tingin ko pa sa dinaraan namin. "Sa'n po ba tayo papunta?" Dagdag ko.
"Your asking for Alois right? So that's what I'm doing. I'll bring you to him. Yet, i'm sorry again if I can't tell you any for now." Sagot niya.
"Bakit naman po?" Tanong ko na naman.
"Cause I think I don't have a right to tell. He is. Besides, may atraso din 'yung batang 'yun sa'kin. Sinabihan kong ipaalam sa'yo, di rin pala ginawa. Kaya ngayon, magugulat nalang siya. Bahala siya."
Natawa nalang ako sa asta ni tita sa anak. Saka nga ako natahimik ulit at maghintay nalang hangang sa makarating kami.
And so I felt relief. Relief na sa wakas ay malalaman ko na din ang tinatago ng psychong 'yun sa'kin.
YOU ARE READING
Wishing, Alois |√
Ngẫu nhiênAccording to a quotable phrase, "You are the protagonist of your own story" As for me, I'm really so sure of my own story. A perfect life with just a happy thoughts. Until i meet this someone who is the total opposite of me. And that's when I decide...