25th Gloom

117 4 0
                                        

"Hey, Li!"

Agad ko namang nilingon ang tumawag sa'kin nun ng nagawi ako sa open court ng university. And as expected. Si Alois nga.

"Catch!" Pahabol pa niya. As I panically catch the ball on his hand.

"Di ata ako nainform na nagbabasketball ka rin pala." Papalapit naman siya sa'kin.

He chuckled as he snatch the ball from me. "Now you know." Taas noo pa niyang usal sabay paikot sa bola sa kanyang hintuturo. Waring nagpapasikat.

"Let's play. Tutal vacant pa naman natin pareho. Tuturuan kita." I smirked by his words as I responded still.

"Impressed me, Alois." Saka ako naunang pumunta sa loob ng open court at binaba ang dalang gamit sa malapit na bleacher as I braided my hair at hinarap na siya.

Buti at fresh day ngayon at di ko kailangang magsuot ng intern uniform ko. Malaya akong makagalaw-galaw sa shirt and jeans.

He mischievously smiled at me as he started dribbling. Pinosisyon ko naman agad ang sarili ko.

A shocking face was evident on him. As expected.

"H-how did you somehow know about positioning?" Pinakitaan ko na naman siya ng makahulugang ngiti.

"I told you, right? Impress me." Taas noo ko pang tugon as I reverse on fixing my position.

So he started those tricks for me not to catch the ball. Pero dun siya nagkakamali.

Without sweat. I easily snatch it from him as I quickly shoot it on the ring. 3 points for Lian! Here we go.

Nakanguso ko pang nuwestra. Na para bang proud na proud sa nagawa. As I look at him again with mouth open.

"So how was my shooting? Huh, coach?" Pahambog ko pang tugon as I gave the ball to him.

"H-how did you even know that?" Di parin niya makapaniwalang tugon.

Kibit balikat ko na para bang maliit na bagay lamang ang tanong. As I came back again from a player aura.

Para naman siyang nachallenge sa sinabi ko as he started another attempt.

But then again. Sa pabalik-balik na attempt niyang 'yun. Halos sa akin lahat naman pabor ang bola at halos wala rin siyang napupuntos. Yeah. So much for the boast out.

"Time out!" Prenteng paghinto niya sa laro.

Hingal na hingal pa siya, at walang ibang nagawa kundi mapatukod sa magkabilang tuhod.

"Teka lang, ha. Sino ba talaga sa'tin ang tinuturuan dito? Mukhang ako naman ata eh." Pagsukong amin niya.

Natawa nalang ako bilang tugon. Saka ko siya nilapitan para alalayang tumayo.

"Nah ah! You still haven't impressed me Alois. Kaya di pa tayo tapos." Mapaglaro ko ng usal.

"Ha?! Ewan ko sa'yo Li. Ayoko na. Hingal na hingal na'ko. Kaw na magaling." Saka na naman ako nagpasadahan ng tawa ulit sa reklamador na niyang tugon.

"Tawa-tawa ka pa diyan. May pasabisabi ka pa nung tinuruan kitang mag skateboard na ginagawa na kitang tomboy."

"Eh, mas grabe ka naman pala sa tomboy kung gumalaw. Ang wise mo talaga kahit na kailan, ano?" Di parin mamatay-matay na reklamo niya.

"I know, right?" At ulit. Isang tawa na naman ang pinakawalan ako.

"Tss. Halika na nga lang. Magbihis na tayo ng pampalit. Ang pawisan na natin oh." Napakot nalang niyang nuwestra saka nga ako hinila papunta sa kanya-kanya naming locker.

Wishing, Alois |√Where stories live. Discover now