50th Blossom

132 2 0
                                        

"I had a great time guys. I hope maganda rin ang feed back na makukuha niyo. You both deserve it."

Komplimentong saad ni Lian ng sa wakas ay natapos rin nila ang documentary. Sulit parin pala ang dalawang araw na pinaghirapan.

"Sana nga ate. And again, for the last time.. Thank you so so much. I hope kahit matapos man toh, magkikita parin tayo."

Di naman matapos-tapos na pasasalamat ni Max na mataman pang hinawakan ang magkabilang kamay ni Lian. Natawa na nga lang ito at binigyan na lamang siya ulit ng yakap.

"Mag-ingat kayo pauwi. Pagabi pa naman."
Paala pa nito sa kanila. Nasa hamba na sila ng pintuan 'nun. Nauna pa ngang makalabas si Max.

Susunod narin sana si Moses ng bigla siyang hinawakan saglit ni Lian sa kanyang palapulsuhan. Nagtaka man, nilingunan niya narin ito.

"Bakit po ate?" tanong pa niya dito habang pinakitaan lamang siya ng mataman na ngiti ng kaharap.

"Take care of her. I know your a keeper." saad nito saka binitawan agad ang pagkahawak sa kanya.

"H-huh?" he was confused and he mean it.

Tila wala namang narinig na tanong si Lian galing sa kanya, bagkus ay ngumiti lamang ito ulit. "Ćiao Moses." simpleng paalam pa nito habang tinataas ang kanang kamay bilang paalam at pinagsarhan na nga siya ng pinto.

He was dumbfounded. Kung hindi lamang niya narinig ang tawag sa kanya ni Max ay baka nasa posisyon parin siyang pagtanga ngayon.

"Andiyan na!" sagot na lamang niya dito saka ito sinundan patungong elevator.

~

"Ahh.. At last. Makapagpahinga narin. I miss you bed so much! Hmm."

Pinanggigilan agad ni Max ang sariling kama ng makauwi sa sariling bahay. Animo'y kay tagal nawalay dito kahit inuuwian naman.

Si Moses naman ay nakaupo lamang sa study table at ang lalim ng iniisip. Ngayon nga ay nakatanga lang ito sa kawalan habang di parin naibaba ang dalang gamit nila.

Kanina pa ito napapansin ni Max pauwi paman sila ay tahimik na ito, baliktad sa nakaugalian niyang maingay na ugali nito.

"What's bothering you again Mose? Ang tahimik mo na naman ngayon.." tanong na niya ng bumangon sa pagkahiga sa kama at tinignan ito.

Para namang nabalik sa realidad si Moses ng marinig iyon sa kaibigan. "H-ha? W-wala. Wala toh. May naisip lang." tila pagtanggi niyang sagot kaya't di maiwasan ni Max na pagsingkitan ito ng tingin. Duda kasi siyang may tinatago ito.

"Teka nga.. May sinabi ba si Ms. Lian sa'yo kaya ka nagkaganyan? Ano 'yun ha?.." pag-usisa niya.

Tangging nangunot-noo na lamang si Mose kahit may halong katotohanan man ang sinabi ng kaibigan. "Ano bang sinasabi mo diyan? Wala okay.." saad nalang niya saka binaba ang dala-dalang gamit.

"Pahiram na nga lang nitong dslr mo. May titignan ako." pagsegway naman niyang dagdag, saka hinubad ang nakasabit paring camera sa leeg ng kaibigan.

"Tss. Ayaw mo lang talagang umamin." sagot ni Max kaya't mapang-asar na niyang sinumay-sumay ang sinabi nito baka sakaling matigil na sa pangungulit. Di naman siya nabigo.

"Urgh. Nang-aasar ka ba?Putek! Ang mahal ng boses ko para pagtripan mo. Tsk." dagdag reklamo naman nito saka siya inirapan.

Saka naman tumabi si Mose sa kamang inuupuan ni Max at sinuklian lang naman ng tawa nung huli ang kaibigan kaya mas lalo lamang itong naasar, at dahil sa panggigigil eh nakurot nalang niya narin ng di oras ang pisngi nito.

Wishing, Alois |√Where stories live. Discover now