Tapos na yung 30 days. Muntikan na akong hindi mag-succeed but I guess fate is on my side this time. Maybe I got rewarded for taking risks. Out of the three goals I set before the 30-day trial period, I succeeded with two. The other, just barely. I mean, I'm sure he's not totally in love with me yet. Nasimulan ko lang at sana magpatuloy pa.
Gale was ecstatic. Over the moon ang tuwa nya. Akala mo naman inaya na ako agad na magpakasal ng kuya nya. But she was just concerned about what happened on the 30th day. When I gave myself to Kent kahit hindi pa kami kasal. Baka habulin kami ng taga ng tatay ko kapag nalaman nito.
She kept on asking if we used protection and I'm pretty sure we didn't. Kahit ilang beses kong alalahanin, hindi ko maalalang nag-ingat kami. We were both reckless that night.
"Kailangan mo ba talagang umalis?" tanong ni Kent sa akin.
Tumango ako sa kanya. Nag-aayos na ako ng gamit ko. Uuwi na 'ko sa 'min. Kailangan ko na ring humanap ng totoong trabaho dahil magtataka ang nanay at tatay ko kung wala pa rin akong maibibigay na pera sa kanila next month, kahit pa hindi naman nila ako inu-obligang magbigay.
"Hindi ka ba nagwo-worry na baka bumalik ako sa dati? If you go, then there will be no one here to stop me from bringing girls over." He smirked at me.
Pinanlisikan ko sya ng mata. "Subukan mo lang," sabi ko sa tonong nagbabanta.
"Kung susubukan ko, ano'ng gagawin mo?" he challenged.
"Gusto mong sampol?" Kinuha ko 'yung potted plant na nasa may pintuan at unti-unti akong lumapit sa kanya while wearing a menacing look. He raised his hands in defense.
"H-Hey... chill."
I sighed and stared at him blandly. "Biro lang." Ibinaba ko ang potted plant sa sahig saka ako sumalampak sa kama. "I guess I'll just cry."
Naupo sya sa tabi ko at inakbayan ako. "Iiyakan mo 'yun?" kunot-noo nyang tanong.
"What's the sense of beating you up if it can only affect you physically? Nasa 'yo na kung mambababae ka. But I'll tell you this, I won't put up with it. Isang beses mo lang gawin, iiwanan kita."
"Kahit isang beses lang?" paninigurado nya. I nodded. Sumipol naman sya na parang hindi pa rin makapaniwala. Nagpatuloy na lang ako sa pag-eempake. Ang alam nina nanay, nag-resign ako sa trabaho. Kaya habang wala akong trabaho, hindi advisable na manatili ako sa bahay ni Kent.
"Can we do something before you go?" I heard him ask.
Paglingon ko sa kanya, ang lapit-lapit ng mukha nya. There's glint in his eyes that's suggests he's thinking of something lewd. At ito pa 'yung dahilan kung bakit hindi talaga ako pwedeng mag-stay sa bahay nya. Hindi pwede dahil kung mananatili ako sa bahay nya, kakailanganin kong gampanan ang gawain ng isang maybahay nang walang basbas ng kasal. Hindi pa ako ready para dun.
Baka atakihin sa puso ang nanay ko kapag umuwi ako isang araw na may kalong-kalong na baby.
I pushed on his chest to stop him from leaning on me further. "Kent—"
Inalis nya ang kamay ko at itinulak ako pahiga. He put his hands on either side of my face while his body was trapping me completely. Napalunok ako. Nagugulo na naman ang daloy ng utak ko. Hindi ito pwede. Jazz, isipin mo ang tatay mo na hinahabol ng taga si Kent. Gusto mo ba 'yung mangyari?
Umiling ako ng marahas bilang sagot sa sarili ko.
"No?" he asked softly.
I sighed and gave him a pleading look. "Kent, Toby will be here any minute. Kailangan ko nang ayusin ang mga gamit ko."
BINABASA MO ANG
When Day 32 Starts...
Romance[MY THIRTY DAY PLAN's sequel] Tapos na ang trial period... totohanan na ang kasunod. If I make even a single mistake, there will be consequences. Hindi na ako pwedeng umurong. This is the real thing. We're not experimenting anymore. This will determ...