Since sinabi ko kay Kent na hindi ko tinanggap yung job offer, he became more pleasant to be with. Hindi na sya ilag or rigid kagaya nitong mga nakaraang buwan. He waited for me to officially finish my project tapos nang makuha ko ang sweldo ko (na may kasama pang bonus), namili kami ng pasalubong para kina nanay at saka para dun sa mga kaibigan ko. Dahil sa hindi ko nga tinanggap ang trabaho, isang linggo lang ang pahinga ko tapos balik na naman ako sa office by Monday. Ayos na rin, wala naman akong ginagawang productive kundi ang magtrabaho.
"Jazz, are you ready?"
"Saglit lang. Maglalagay lang ako ng towel."
Tumayo ako para kumuha ng towel sa drawer ko. He sat on the edge of the bed and rummaged through the stuff that I was packing. Inaya nya ako sa isang beach na hindi ko matandaan ang pangalan. Three days kami doon. Sunday na ang balik namin para makapagpahinga kami pareho and then back to work on Monday.
Hindi ko alam kung ano ang ipinakain nya kay tatay at napapayag nya ito na kami lang dalawa ang magkasama. Ngayon pa lang natatakot na 'ko sa kung ano'ng pinaplano nyang gawin. Knowing him, hindi yun mawawalan ng kahalayan.
"Where's your bikini?" kunot-noo nyang tanong. Naitaktak nya na lahat ng laman ng bag ko.
"Wala akong dala."
"Bakit? Sa beach tayo pupunta, dapat may bikini ka."
"Wala akong bikini." Wala akong gustong dalhin. Hindi talaga ako mahilig sa beach. Kung maglalangoy man kami sa dagat, naka-shirt at shorts ako. And with him around? I don't think I'd want to wear a bikini.
Tumayo sya at pinuntahan ang drawer ko. Naghalughog sya ng bikini or anything na maisusuot ko sa beach na paniguradong magpapakita ng balat. Nasa pinakang-ilalim yun ng drawer ko, natatakpan ng mga shorts ko. Doon ko talaga itinago ang mga yun para hindi ko man lang maisipang isuot. Pero hanggang doon ay nahalughog nya pa. Sobrang determinado nya yatang pagsuotin ako nun?
When he found it, yung reaksyon nya e akala mo ginto ang nahukay nya sa damitan ko.
Yung mga bikini ang unang-una nyang nilagay sa bag ko. Tapos saka nya ibinalik lahat ng damit na naiempake ko na kanina.
"Kent, I won't wear those," I said grimly.
"Oh, you will," he contradicted, quite confidently.
It was a two-hour drive from my place to the beach. Medyo tago ito at may pagka-probinsya kaya hindi matao sa tabing-dagat. Pero may tao naman, mangilan-ngilan nga lang. Halos tig-lilimang dipa ang layo ng mga magkakasama mula sa iba. Kent parked his car near one store tapos ay nagrenta kami ng tricycle. Doon muna ang sasakyan niya tutal kakilala naman nya yung may-ari.
Mahirap kasing padaanan ng sasakyan yung makipot na kalsada papunta sa beach.
Tig-isa lang kami ng hand-carry tapos backpacks. Wala na kaming ibang dala. As for our food and shelter, he said that it was already provided. Mula sa maliit na bahay na pinagdalhan sa 'min nung tricycle, maglalakad kami ng mga ten minutes papunta sa mismong beach.
Nagulat ako nang makita kong may ref sa loob ng bahay. Ref lang ang appliance na nasa loob saka isang electric fan sa kwarto. Kakainom ko pa lang ng tubig nang mag-aya na sya agad sa beach. Halos mag-aalas-syete pa lang ng umaga. Ang aga kasi naming umalis kanina. Para nga naman masulit ang three days.
Kinuha ko yung towel ko mula sa bag at isinukbit ito sa balikat ko. Nang palabas na ako ng pintuan, bigla naman syang humarang.
"Ano? Sabi mo pupunta na tayo?"
"Yeah, but you're not wearing that." He pointed at my shirt.
I rolled my eyes. "Kent, I'm not wearing a bikini!"
BINABASA MO ANG
When Day 32 Starts...
Romance[MY THIRTY DAY PLAN's sequel] Tapos na ang trial period... totohanan na ang kasunod. If I make even a single mistake, there will be consequences. Hindi na ako pwedeng umurong. This is the real thing. We're not experimenting anymore. This will determ...