Chapter 9 - Sick

136K 2.3K 109
                                        

Surprisingly, my first sleep over at his house since I came back to my own turned out to be normal. Normal as in natutulog lang kami talaga. Literal na sleeping together. Though he couldn't keep his hands entirely to himself, he didn't dare cross the line. Naging mahimbing ang tulog ko dahil walang anomalyang nangyari.

Madaling araw ng Lunes nang ihatid nya ako sa bahay. Martes na ngayon at kahit isang araw pa lang ang nakakalipas, hindi ako sanay na hindi ko naririnig ang boses nya sa phone o hindi nakakatanggap ng message mula sa kanya sa loob ng isang araw. Dahil kung hindi man sya nagpapakita sa 'kin, he makes it to a point na ipinaparamdam nyang nandyan lang sya.

Ngayon, wala. Ni isang text message, wala. Nag-aalala ako. I have so many reasons to worry. Baka may sakit sya ngayon at kasalukuyang walang nag-aalaga. Baka nambababae sya. Baka ayaw nya na sa 'kin. Baka sobrang busy nya, ipinagpalit nya na 'ko sa trabaho nya.

Ang paranoid ko talaga. Hindi ako maka-concentrate sa trabaho dahil sa kanya. Kaya naman instead of going straight home, nag-detour ako papunta sa bahay nya. Sobrang dahan-dahan pa ng pagbubukas ko sa pintuan ng bahay nya para kung may ginagawa man syang milagro, I'll catch him red-handed.

I readied my ears for the sounds of moaning. Parang noong unang araw ko lang sa bahay nya. Pero nagulat ako nang wala man lang ingay akong narinig. Patay lahat ng ilaw. Wala kayang tao?

"Kent?" pabulong kong tawag sa kanya. There came no answer so I switched on the lights on his living room. Makalat na naman. Ang kalat nya talaga kahit kailan.

May isang galon ng ice cream na wala ng laman ang nakalagay sa coffee table. There are several pop tins of beer na wala na ring laman. Tapos maliit na plato na may mugmog ng chocolate cake. It looks like he celebrated something. He celebrated without me?

Nagpunta ako sa kwarto nya at halos papikit na binuksan ang pinto. When I opened it though, I found him sleeping. Nakadapa sya tapos balot ng kumot. Mahina naman ang aircon nya pero mukhang lamig na lamig sya.

I sat on the edge of the bed and felt his temperature.

"Whoa... Kent?" Niyugyog ko ang balikat nya. "Kent, gising!"

He moved slightly.

"Kent, ang taas ng lagnat mo." Itinihaya ko sya. He was wearing this grimace on his face. Nakapikit pa rin sya pero mukhang gising na ang diwa. Tumayo ako para patayin ang aircon. Saka ako kumuha ng bimpo at mainit na tubig.

When I came back, he was already sitting up. Nakasandal sya sa headboard habang nakatungo at nakapikit pa rin.

"Kent, you should lie down." Bahagya naman syang tumango at sumunod. Ipinatong ko sa katabing lamesa ang mga bitbit ko. I soaked the towel in warm water and placed it on his forehead. He gave out a sigh, as if relieved.

"Thanks," he mumbled weakly.

"Bakit naman kasi uminom ka ng ganun karaming beer tapos may ice cream at cake pa? What were you celebrating?"

"Nothing. Trip ko lang," sagot nya.

I didn't buy it. "Ano nga?"

"First month."

"What?" I frowned. First month? Of what? Oh—"As in first monthsary?"

Oh my God, Jazz. Ikaw pa talaga ang nakalimot? Jusme! Bakit ko 'yon nakalimutan? Ah right... because I have to meet my deadline for yesterday's report. Wala ng ibang laman ang utak ko kahapon kundi puro trabaho. My gosh... nakakahiya. First monthsary namin tapos sya lang ang nakaalala?

"Bakit hindi mo ipinaalala sa 'kin?"

"It's not that important," dahilan nya.

"E bakit ka nag-celebrate kung hindi importante?"

When Day 32 Starts...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon