Chapter 6 - Indirectly

140K 2.5K 129
                                    

Ngayon ko lang na-appreciate talaga ang pagiging eye candy ni Kent. I mean, who wouldn't want to kiss those lips? Isa siguro ito sa mga rason kung bakit madalas syang titigan ng mga babae kahit nasa'n man sya. Ang tangkad nya rin. Para syang model, hindi chef. Ang gwapo nya ring pumorma. Ilang beses na ngang may lumapit sa 'min sa mall, kinukuha syang model. Tapos sya naman, tinatawanan lang 'yon.

"Are you done drooling?"

Napalayo ako nang bigla syang magsalita. Nakapikit pa rin sya. I thought he was still asleep. Hindi kasi sya gumagalaw kanina.

Pagkatapos nilang mag-inom ni tatay kaninang madaling-araw, dito sya sa couch namin humilata. Mabuti na nga lang at nagising si nanay kanina para kumutan sya at tapatan ng electric fan kundi baka pinapak na sya ng lamok.

"I'm not drooling."

Bumangon sya at kinusot ang isang mata. Maya-maya'y nagmulat sya tapos ay ngumiti sa 'kin. "You're obviously ogling at me."

"It's called observing."

Pinisil nya ang kaliwa kong pisngi tapos nang umaray ako, tinapik-tapik nya bigla. Then he got up. "Palipat sa kwarto mo."

Tumayo rin ako. "Okay. Pero aayusin ko muna."

"Huwag na." Naglakad sya paakyat ng hagdan. Tsk. Ang tigas ng ulo. Sumunod na lang ako sa kanya. By the time na nakapasok ako ng kwarto ko, nakadapa na sya sa higaan ko. Mukhang tulog na.

Binuksan ko na lang ang electric fan tapos kinumutan ko sya ng bahagya.

Bumaba ako sa kusina kung saan nagluluto si nanay ng arroz caldo.

"Anak, himayin mo nga 'yung manok." Itinuro ni nanay 'yung isang bowl na may lamang chicken breast na nilaga niya kanina. Ganito kaming magluto ng arroz, hinihimay ang manok. Para nga naman tipid. Maya-maya'y nagsalita sya. "Gusto mo talaga sya ano?"

"Po?"

Ngumiti si nanay sa 'kin. "Ganyan din ako noong bago pa lang kami ng tatay mo." Parang bahagyang namula ang pisngi ng nanay ko. Hala, kinikilig pa rin?

"Nay, ano ba'ng topic natin?"

"Kanina kasi," bulong nya. "Nakita ko kung paano ka tumingin sa kanya, 'nak."

"Ganun po talaga kapag gwapo. May ganung effect," dahilan ko sa kanya.

Umiling naman si nanay. "Gwapo rin si Toby, anak, pero kahit kailan hindi mo siya tinitigan ng ganon."

"Mas gwapo po si Kent."

"Kahit naman sino magiging pinakagwapo basta mahal mo. Sa lahat nga ng manliligaw ko, tatay mo ang pinakapangit. Pero sya ang naging pinakagwapo sa paningin ko."

"Hala, 'nay!" Ang gwapo kaya ni tatay. Sure, he's not commercially handsome pero gwapo sya sa simpleng paraan. Katamtaman lang ang tangkad nya, hindi naman kapayatan—medyo malaki na nga lang ang tiyan kakainom. Maraming laughlines ang tatay ko dahil masayahin sya. Palaging may kinang ang mga mata. Hindi naman katangusan ang ilong pero hindi rin pango. Para sa 'kin gwapo ang tatay ko pero kung sasabihin ni nanay na pinakapangit ito sa lahat ng naging manliligaw nya... wow. So ibig sabihin mga artistahin ang hitsura ng mga ibang nanligaw kay nanay noon?

Tumawa si nanay. "Totoo nga! Si Ninong Jobert mo? Nanligaw sa 'kin dati 'yun!"

"Grabe. Seryoso?" Si Ninong Jobert ang mayor namin ngayon. Wow. Think about it, he could have been my father! Pero hindi rin pala. Kailangan din nga pala ng genes ni tatay para mabuo ako.

"Seryoso. Apat na taon nya akong niligawan at muntikan ko na syang sagutin kaso ay nakilala ko ang tatay mo."

"So hindi nyo nagustuhan si Ninong Jo?"

When Day 32 Starts...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon