Akala ko hindi ganun katindi ang epekto sa 'kin ng tatlong salitang 'yon. Matagal ko nang inihanda ang sarili ko para kung sakaling sabihin man nya 'yon, hindi ako mabibigla o mag-o-overreact. Iba pa rin pala talaga kapag first time mong marinig. First hand. 'Yong sa kanya mismo nanggaling. Iba ang tama.
Halos kalahating oras akong nagpapagulong-gulong sa kama, kinikilig. Para akong tangang mapupunit na ang pisngi sa sobrang pagngiti. Love struck? Kadiri mang pakinggan pero... it's really something else to feel this way. 'Yong madalas kang kinakabahan na parang nasobrahan lang sa kape, 'yong madalas na may gumagapang na kilabot sa katawan mo na para bang palagi kang nanunuod ng horror movie, 'yong palagi kang nakangiti na para bang maya't maya ay may kukuha ng picture mo...
Fallling in love, in itself, is something else. But being loved in returned is much more rewarding. What I felt for Rico was exciting, thrilling... but he didn't know it. Nasanay na lang ako sa pagtingin mula sa malayo. It left me feeling vacant. Na parang may kulang pa rin.
What I'm feeling for Kent simply makes me happy. 'Yong parang pakiramdam mo nakiki-celebrate ang buong mundo sa 'yo dahil masaya ka.
I must admit that I'm missing those words already. It's been almost a week at ni minsan ay hindi pa nya ulit nasasabi 'yon. But there's a cuter alternative, heart heart. Ang korni korni pero hindi nakukumpleto ang araw ko kapag wala nyan. Mapa-text o tawag, kapag may heart heart, my day is complete.
One time nag-heart heart back ako sa kanya, aba sukat ba namang pagalitan ako? Kanya raw 'yon. Mag-isip daw ako ng sa 'kin. I couldn't be mad at him. He's just so cute!
"Mukha ka na namang tanga," puna ni Toby sa 'kin nang makita akong nakangiti. Kent sent me a message containing two hearts. Ganoon ang heart heart nya sa text. O, di ba, cute?
"H'wag ka ngang magulo dyan." Toby snatched the phone from my hand. I looked at him, horrified, as he started typing. "Toby!"
I lunged at him and managed to snatch the phone back. Mabuti na lang hindi pa nya naisi-send 'yong tinype nya. Ang korni! Kasuka-suka.
I glared at him and he just laughed at me. Lalo na nang mapatalon ako sa gulat nang biglang tumawag si Kent. I kicked Toby out of my room before answering Kent's call. Magagalit na naman kasi ito kapag nalaman na nasa kwarto ko na naman si Toby.
"Yes?" bungad ko.
"Heart heart."
Napabulanghit ako ng tawa. "Korni mo!"
"Wala ka pa ring naisip na come back?" He tsk-ed.
"Heart heart na rin lang kasi," I said, almost barfing. It was too cheesy for me at nandoon pa rin 'yong pagkailang pero naitatawid ko na lang sya as a cute joke. Hindi tulad ng 'I Love You' na parang sobrang intense. Kahit gusto ko ulit 'yong marinig, nahihiya naman akong mag-initiate noon. An 'I Love You' back is costly enough. What more kung ako ang unang magsasabi?
"I told you, that's mine. Wala ka man lang originality."
"Do I really have to come up with something to equal your heart heart?"
"How about kiss kiss? But instead of typing or saying it, gawin mo na lang para matuwa ako."
"Tse."
He laughed. "What are you doing?"
"Nakahiga lang," sagot ko.
"What are you wearing?"
"Stop!"
"What?" He chuckled. "I'm just asking." Hmp. Wala akong tiwala sa 'just asking' nya. Kilala ko sya. Alam kong may iniisip na naman syang kahalayan."Perv."
BINABASA MO ANG
When Day 32 Starts...
Roman d'amour[MY THIRTY DAY PLAN's sequel] Tapos na ang trial period... totohanan na ang kasunod. If I make even a single mistake, there will be consequences. Hindi na ako pwedeng umurong. This is the real thing. We're not experimenting anymore. This will determ...
