Birthday ko na. At wala akong plano kundi magmukmok sa bahay. A few days ago, Kent 'proposed' to me. Tapos makalipas ang ilang minuto, binawi nya rin agad. Joke lang pala. Sa tuwing naaalala ko yung joke nyang yun, kumukulo ang dugo ko sa kanya.
Halos lahat ng mga tao sa paligid namin, palagi kaming tinatanong kung kailan na kami ikakasal. Hindi na siguro maiiwasan sa part ng babae ang umasa. Kung naghint man lang sya na gusto nya, e di sana alam ko na ang patutunguhan ng relasyon naming dalawa. May aasahan na sana ako.
Kaso yun siguro ang ayaw nyang mangyari... ang umasa ako.
Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Tuloy-tuloy na pumasok si Toby. Nag-leave sya ngayon dahil birthday ko. Nag-leave din ako dahil birthday ko. Kami nina Gale, sa Sabado pa magsi-celebrate. Mas bumait ito sa 'kin nung maging kami ni Kent. Syempre, naka-get over na ito kay Toby na sobrang kinahumalingan nito dati. Toby happened to be in love with me during that time.
Ako naman, patay na patay kay Rico dati, kagaya ni Femi. Speaking of Femi, I wonder how she's coping. Last time na nagkita kami, may boyfriend na ito. Pero halata pa rin na hindi pa ito nakakamove-on. Halos maiyak na ito nang sabihin nina Rico na ikakasal na sila.
Alam kaya ni JT ang sitwasyon naming lima? Si JT yung ipinakilala ni Femi na boyfriend nito. Okay naman si JT, mukhang mabait at matino. Mukha ngang mas ideal guy pa kay Rico. Si Rico kasi, may saltik din e. I just hope that whatever's going on between the two of them is real and will last for a long time. Kung pwede, sana forever na. We all deserve to be happy, after all.
"Bakit nakahilata ka dyan?" tanong nya.
"Bakit hindi? Sa gusto kong humilata e. Birthday ko naman."
"Nakapagsimba ka na ba?"
Umiling ako.
He yanked me up by the arm. "Magsimba ka para maambunan ka naman ng grasya."
"Sa Linggo na ako magsisimba," ungot ko sa kanya.
"Dapat ngayon, kasi birthday mo. Bumangon ka na dyan. Tanghali na hindi ka pa naliligo."
I grunted. Toby can be very pushy at times. Para hindi nya ako masermonan, sumunod na lang ako. Pagkapaligo at pagkabihis ko, nagpunta kami ng simbahan. Ibinili nya pa ako ng ilang kandilang iba't iba ang kulay. May para sa happiness, health, spiritual. Inaya pa nga akong umakyat dun sa mini groto sa likuran ng simbahan! Pero buti na lang napilit ko syang huwag na lang.
Dumaan kami sa tindahan ng cake para bumili ng cake. I was currently contemplating on buying chocolate or mocha when Kent called.
"Hello," I greeted dryly.
"Asan ka?" Wala man lang 'happy birthday'.
"Bumibili ng cake."
"I have cake."
"O? Birthday mo rin?" sarkastiko kong tanong.
"Papunta akong sa inyo," he told me, completely ignoring my sarcastic remark.
"Okay."
"Galit ka pa rin ba?"
"Ha? Hindi na," tanggi ko. "Bilisan mo ha. Pauwi na kami ni Toby."
"Magkasama kayo ni Toby?"
"Oo, sumimba kami."
"Akala ko sabay tayong magsisimba?"
"Wala sa plano ko e. Sige na. Bye."
He told me that it's my birthday so I should be the one doing the planning. What if I take him off the plan, will he like that?
BINABASA MO ANG
When Day 32 Starts...
Romance[MY THIRTY DAY PLAN's sequel] Tapos na ang trial period... totohanan na ang kasunod. If I make even a single mistake, there will be consequences. Hindi na ako pwedeng umurong. This is the real thing. We're not experimenting anymore. This will determ...