Hila-hila nya ako palabas ng bahay. Nakakapagtakang hindi kami sinita nina kuya paglabas namin. Araw ko nga ngayon. But what surprised me is when Kent told me to get inside the car. Sinisilip ko sa backseat yung regalo nya, wala namang nakalagay.
"Asan na yung gift mo?"
"It's not here, obviously." Despite his sarcasm, his happiness radiates through his smile.
Pumasok ako ng kotse. Tapos pinag-seatbelt nya ako. The next thing I knew, we're off to somewhere.
"Where are we going?"
"Somewhere we could be alone."
"Why?"
"Hindi kita masolo e. Ang dami mong kamag-anak."
Natawa ako sa sagot nya. "Adik. I thought you like being around my family?"
"I do," sagot nya. "But your father always makes sure na magkalayo tayo at all times."
"Baka hanapin nila tayo."
"Nagpaalam ako sa nanay mo. Okay na yun."
Hindi na lang ako nagtanong pa. Close na sila ni nanay e. Papayag ito agad kapag si Kent ang humiling. Aakalain mong mas papaboran ako dahil nag-iisa akong anak na babae. Bias talaga si nanay.
Dinala ako ni Kent sa isang lugar which resembles the venue where his aunt and uncle celebrated their 25th anniversary. Ang kaibahan lang, dahil gabi, may mga ilaw na nakadecorate sa mga puno. Some are even shaped like flowers.
Restaurant sya. Isang residential property turned restaurant, to be exact. Nakatayo ang isang malaking ancestral house sa gitna. May parking space na tigkabila, sa bandang unahan ng property. Sa loob ng bahay, buffet style ang pagkain. Sa labas, fine dining. Hindi raw kasi magkasundo ang mag-asawang may-ari (friends ni Kent) kung alin ang gagawin nila so ginawa na lang nilang pareho.
Nasa table kaming katabi ng fountain na maraming flamingo statues at wild orchids.
"We have a lot of food back home. Gumastos ka pa."
"Don't be such a killjoy, Jazz." Hinayaan ko syang lagyan ng alak ang wineglass ko. "I feel like I still owe you."
"You don't owe me anything, Kent."
He held my hand. It looks like he's not satisfied with my answer. Ganito na pala syang ma-guilty ngayon? I should do this guilt-tripping more often. Pero baka dahil birthday ko lang ngayon kaya sya nagkakaganito.
Kumakain na kami ni Kent nang may biglang lumapit sa 'min. This woman has huge curly hair and cleavage to boot. Medyo nakaka-insecure. Tapos ang ikli-ikli pa ng suot. Nagsisisi tuloy ako kung bakit ang disente ng damit ko ngayon. Kasi naman, kapag nagsuot ako ng ganung klaseng damit sa harap ng mga kamag-anak ko, kung anu-ano na ang sasabihin nila tungkol sa 'kin.
Kakalat ang tsismis nakerengkeng ka ngayon tapos bukas, buntis ka na. Ang bilis lang nilang magkalat ng maling balita. Lalo na kapag hindi sila familiar sa karelasyon mo. With Toby, it was fine because he lives just next door. Aside from the occasional prying, my relatives weren't really that nosy. When Kent came into the picture, their mouths break loose.
Medyo na-off ako nang tumigil sa tapat ng table namin yung babae na kanina pa casual na nagpapabalik-balik sa may parte namin but it didn't really shock me. It's like anywhere we go, may babaeng nakakakilala kay Kent.
"Kent?"
"Sasha!"
"Oh my God! I never thought I'd see you again. How long has it been? Half a year? Gosh, that's like 6 months!" Duh. I rolled my eyes. Kent caught me. Nag-smirk ang loko.
BINABASA MO ANG
When Day 32 Starts...
Romance[MY THIRTY DAY PLAN's sequel] Tapos na ang trial period... totohanan na ang kasunod. If I make even a single mistake, there will be consequences. Hindi na ako pwedeng umurong. This is the real thing. We're not experimenting anymore. This will determ...