Though I still don't buy that crap about LDR not working out, I must admit... nakakaparanoid pala talaga. Kahit may tiwala ka doon sa tao, hindi mo pa rin maiwasang baka makagawa sila ng pagkakamali kasi hindi ka nakabantay.
I know it's unfair of me to think that of Kent pero kung tutuusin kasi, between the two of us, sya ang may tendency na magloko.
"How was your day?" he asked. Naghihikab pa sya. Alas-singko pa lang kasi ng umaga sa Pilipinas.
"Okay lang. Mamaya na lang kaya tayo mag-Skype?"
Isang mata pa lang ang dilat sa kanya.
"It's fine. Kailangan ko rin namang gumising ng maaga."
Nakakaisang linggo na ako sa New York. So far naman, mababait sa 'kin ang mga katrabaho ko. Nakapag-adjust na rin ang body clock ko sa time zone ng New York. Kapag hindi ako makatulog agad, umiinom ako ng gatas o nagpapakapagod ako sa maghapon para antukin ako.
Ang hindi ko pa lang masyadong nakukuha e yung pagkain na walang kanin. Nauumay na ako sa pizza at pasta at burgers. Tapos wala kang makausap ng Tagalog. Nakaka-OP.
It became our routine every day. I'd tell him about my day when it's morning in the Philippines and he'd do the same when it's morning here. So palaging may isa sa 'ming bagong gising kapag magvi-video chat kami.
I've been working my ass off in the office dahil ang sabi sa 'kin ni Sir Josh—who insisted I drop the Sir—na kapag mas maagang matatapos ang project, mas maaga akong makakauwi. Three months ang allotted time pero depende pa rin kung matatapos ng maaga.
Ang downside nga lang, kung ma-delay, delayed din ang pag-uwi ko ng Pilipinas. Kaiyak.
Feeling ko nangangayayat na ako dahil puro tinapay ang kinakain ko. Tinapay sa umaga tapos tinapay pa rin sa gabi. Mabuti na nga lang at mababait yung mga ka-team ko. Palagi silang may pa-pizza kapag natripan nila.
I looked at the stack of sliced bread on the table. Gusto ko na talagang makakain ng kanin kaya lumabas ako at naghanap ng kakainan. Nagtanong-tanong ako sa mga tao sa daan kung saang banda may Asian restaurant. Dalawa sa napagtanungan ko ang nagturo sa Peking Duck House. Ang mga available lang kasing alam nilang Asian e Indian or Chinese.
I'm not really a fan of Indian food kasi hindi pa naman ako nakakatikim ng kahit anong pagkaing alam kong Indian maliban sa curry. So nagpunta na lang ako sa Peking Duck House. At least kapag Chinese restaurant, sigurado na ako sa dalawang bagay: noodles at kanin.
Nang makapasok na ako ng restaurant at makakuha ng meni, parang gusto ko ng umalis, sabihing namali lang ako ng pasok. Kasi naman, butas-bulsa na naman ang mga presyo! Kung sa una kong kinainan sa unang araw ko, $12-$15 ang presyo, dito doble! Standard price ng mga pagkain nila e $32. Binasa ko muna ng maigi ang menu bago ako umorder.
Dahil gusto ko ng affordable at gusto ko ng kanin, bumili na lang ako ng fried rice na tig-$14 lang.
Kapag nasa bahay lang ako at hindi ko makausap ang mga kamag-anak ko sa Pinas, hindi ko maiwasang hindi malungkot. Ang ganda-ganda ng New York tapos mag-isa lang ako. Kapag walang ka-Skype, pader ang kausap ko.
Napansin yata ni Sir Josh na parang nagsisimula na akong ma-depress. Hindi naman kasi ako sanay ng mag-isa at malayo sa pamilya. So one weekend, he called me and told me that Todd, his son, would like to tour me around Manhattan.
I left Kent a message since he wasn't online that time.
"Just so we're clear, this isn't a date," paalala ko kay Todd.
He laughed, taking what I said as a joke. Anak sya ni Sir Josh sa pangalawa nitong asawa. He's already 32, tall like most Americans but since halo-halo ang lahi ng mama nya, medyo hindi rin typical ang hitsura nya. He has dark-brown hair, gray eyes and defined jaw. Since he grew up in New York, updated din sya sa current fashion. Sabagay, fashion haven nga naman ang New York. Ako lang yata ang medyo outdated ang style.
![](https://img.wattpad.com/cover/11198258-288-k581830.jpg)
BINABASA MO ANG
When Day 32 Starts...
Storie d'amore[MY THIRTY DAY PLAN's sequel] Tapos na ang trial period... totohanan na ang kasunod. If I make even a single mistake, there will be consequences. Hindi na ako pwedeng umurong. This is the real thing. We're not experimenting anymore. This will determ...