Kung allergic sya sa commitment, ako naman, allergic sa mga taong takot sa commitment. Ang hirap. Ang hirap hirap hirap hirap! Bukas na 'yong isinet nyang deadline. These past few days, hindi man lang sya nagparamdam. Ni hoy wala!
I'm starting to think na wala talaga syang pakialam kung magkabalikan man kami o hindi. Parang option lang ako sa kanya. Kapag nandyan, e di okay. Kung wala, e di okay pa rin. Hindi ganoon kaimportante. Pero iniisip ko rin na baka naman kasi gusto lang nya akon turuan ng leksyon. Maybe he wants me to feel like I won't be happy without him around and would hopefully come to my senses soon.
The latter, though irritating, seemed to be a sensible reason.
Kung itutuloy ko na sa pakikipaghiwalay, sayang naman 'yong mga pinaghirapan ko. Sayang na 'yong narating namin. Back to zero na naman. At saka paano ko malalaman kung magbabago nga sya when I wouldn't be around to witness that? I guess I should really make patience my ultimate virtue. Hintay lang. Tiwala lang.
Easier said than done.
Alas onse na pero balisa pa rin ako. Hindi ako makatulog. In less than an hour, kailangan ko nang ma-finalize ang desisyon ko. Stay or let go? I needed one month. He shortened it to more than a week. Kung 'yon ngang college course ko, sampung buwan kong pinag-isipan pero 'yong gusto pa rin ni toby 'yong nasunod, ano pa kaya 'to?I need more time!
The shrill tone of my phone cut my thinking. Kent was calling... Agad kumabog ang dibdib ko. Kailangan na ba nya ng sagot ngayon?
"Hello?" Inilayo ko ang phone mula sa kaliwa kong tenga. Ang lakas ng sound ng bass galing sa kabilang linya. Ang ingay, wala akong maintindihan. "Kent?"
The call suddenly ended. And then I received a text message a few minutes later. Multimedia iyon, isang picture. He was wearing a smirk habang nakaakbay sa dalawang babae na parang panyo lang ang nakatapis sa katawan.
'Come here and get me before they take me home. ;)'
It took me five short and forced breaths to come up with a realization that I was already fuming mad. My knuckles were turning white because I was gripping the phone so tightly. Napamura ako ng ilang beses sa utak ko bago ako tuluyang bumangon at nagbihis.
Wala na akong pakialam kung magising sina tatay. Sobrang kumukulo ang dugo ko sa message nya. Nyeta! Nakuha pang mambabae! At nagbabanta pa sya ngayon? Oh I'd love to see his smug smile get wiped off when I strangle him.
Inaya ko si Toby para samahan ako kung nasaan man sya. It was a good thing na alam ni Gale kung nasaan ang magaling nyang kuya. Pagdating ko roon, nadatnan ko syang nakaupo sa bar, one girl was clinging on his neck while the other was massaging his thigh.
Toby told me to wait habang kinukuha nya si Kent. I guess he sensed na may tendency na gumawa ako ng gumawa ng eksena. And I would. Ingungudngod ko sila pare-pareho sa sahig.
Nang makuha nya na si Kent ay umuna ako sa parking lot. We got into his car and he gave Toby the key para ito ang mag-drive.
"Sure kang okay ka lang dito?" tanong sa 'kin ni Toby nang maihiga namin si Kent sa kama.
Tumango ako. I need to talk to him anyway and it's not like I can leave him like this. "Sorry sa abala ha."
Toby gave me a smile. "Ayos lang. Tawag ka na lang kapag may problema."
Inihatid ko si Toby hanggang sa labas ng bahay. He insisted na okay na syang mag-isa so I let him be. Binalikan ko si Kent sa kwarto. He was already sitting up when I got there. Tumayo sya at pasuray-suray na lumapit sa 'kin.
![](https://img.wattpad.com/cover/11198258-288-k581830.jpg)
BINABASA MO ANG
When Day 32 Starts...
Romance[MY THIRTY DAY PLAN's sequel] Tapos na ang trial period... totohanan na ang kasunod. If I make even a single mistake, there will be consequences. Hindi na ako pwedeng umurong. This is the real thing. We're not experimenting anymore. This will determ...