Nagising ako sa walang habas na pagtunog ng phone ko. I remembered setting the alarm last night at 7am. Kaya nag-e-expect ako na paggising ko, umaga na. Laking gulat ko nang madilim pa rin sa paligid. I squinted my eyes as the screen's light is a bit too bright.
Nakita ko ang mukha ni Kent sa screen. Great, what does he want at this ungodly hour?
"Hello?" came my sleepy greeting.
"Wow. Bedroom voice." He chuckled.
"What do you want?"
"I can't sleep," he replied.
"So?" Bumangon ako at sumandal sa ulunan ng kama ko. I glanced at the clock on the wall. Buti na lang glow in the dark 'yun. "It's two in the morning."
"I know."
"Kent, maghahanap ako ng trabaho mamaya. Hindi ako pwedeng mag-apply ng lutang. Parang awa mo na, iba na lang ang bulabugin mo please!"
"Will you permit me to talk to other girls?"
"Kausapin mo si Gale."
"Mumurahin ako nun."
"Kung mumurahin ba kita, papatulugin mo 'ko?"
"No."
I grunted. "Kent..."
"Matulog ka naman dito minsan. Mas masarap matulog ng may katabi."
"Ayoko nga." Yumakap ako sa unan ko. "Hahalayin mo lang ako."
"Mas mabilis makatulog kapag pagod." Tumawa sya.
Nailing na lang ako. "Manyak."
"Jazz, I have a question."
"Fire away."
"Have you tried phone sex?"
"Kent."
"What? I'm just asking," depensa nya. "Well?"
I rolled my eyes. "I haven't," sagot ko.
"Great! A phone sex virgin. Wanna try it with me?"
Napasapo ako. Seriously? At 2am? "No!" I blatantly answered.
"Why not?"
"Kent, seriously. Pagbababaan kita ng phone."
"It's just phone sex, Jazz. You're so uptight. Geez."
"I'm hanging up now." Inilayo ko ang phone sa tenga ko at akmang puputulin na ang tawag ng marinig ko ang malakas nyang 'WAIT!' mula sa kabilang linya. I pressed the phone to my ear again. "What?"
"I miss you."
I should be grumpy today. He woke me up at 2am to talk nonsense and yet, I couldn't stop smiling. Bakit kilig na kilig ako ngayong umaga? This can't be. Baka malasin ako mamaya.
"Good morning tatay!" Yumakap ako kay tatay at humalik sa pisngi nya. Inilayo nya ang mukha nya sa 'kin. Kunot na kunot ang noo. Takang-taka.
"Maganda yata ang gising mo?" puna niya.
Lalong lumapad ang ngiti ko. "Ganun talaga 'tay," sabi ko sa kanya.
Nagpunta ako sa kusina para kumain. Kahit tuyo ang ulam, parang ang sarap-sarap pa ring kumain. Kahit bahaw 'yung kanin, ayos lang. I know I look ridiculous dahil bigla na lang akong kikiligin o mangingiti. Sinaway pa ako ni kuya. Mukha raw akong may sanib. Hindi ko na lang pinansin ang remark nya.
BINABASA MO ANG
When Day 32 Starts...
Romantik[MY THIRTY DAY PLAN's sequel] Tapos na ang trial period... totohanan na ang kasunod. If I make even a single mistake, there will be consequences. Hindi na ako pwedeng umurong. This is the real thing. We're not experimenting anymore. This will determ...
