Chapter 11 - Best Friend

145K 2.7K 352
                                        

"Naaalala mo pa 'yong sinabi mo noong may sakit ka?" tanong nya isang araw. He smiled goofily while waiting for my answer. Ikinunot ko ang noo ko ng sadya habang nakatingin sa kanya.

"Huh? Ano ba'ng sinabi ko? Wala akong maalala," pagtanggi ko.

Kumikinang ang mata nya sa tuwa. I tried my best to hide the smile that's slowly creeping on my lips. He was like this since that night. Na para bang dumoble 'yong saya nya. Araw-araw syang nakangiti at kahit magkatawagan lang kami, ramdam ko 'yong tuwa nya. Rinig ko sa boses nya.

Ang sarap ng feeling na napapasaya mo 'yong taong gusto mo. Parang nakakawala ng pagod. Nakakataas ng energy. Nakakahawa. Pagngiti nila, maya-maya'y nakangiti ka na rin kahit walang dahilan.

"Whatever. I'm sure I heard something," he insisted.

"Baka nagdi-deliryo ka lang ng mga panahong 'yon."

"Never pa akong nag-deliryo. Saka matalas ang pandinig ko 'no."

"Tuwang-tuwa ka naman!" Kinurot ko sya sa pisngi.

He just snickered. Pinaandar nya na ang sasakyan nang mag-green light na. Maya-maya'y nakarating na kami sa bahay. He stayed for a while to have coffee. My mother insisted. Tuwang-tuwa kasi ito ka Kent. I could not say the same about my father. Sabi ko nga, hindi ito showy... kapag ayaw lang nito sa tao.

Mga bandang alas nwebe, nagpaalam na si Kent para umuwi dahil maaga pa raw sya bukas.

Umakyat na rin ako sa kwarto pagkatapos kong makipagkwentuhan ng kaunting oras kina nanay. Pansin ko kay tatay na medyo nababawasan na ang pag-inom-inom nito. Baka napagsabihan na ni nanay. Mabuti naman at nakinig ito.

I slumped back to bed after changing to a more comfortable set of clothes. Nakatingin lang ako sa kisame habang patay ang ilaw, nagpapaantok. Pero may naunang dumalaw kesa sa antok ko. Si Toby.

"Pwedeng pumasok?" nag-aalangan nyang tanong.

Tumango ako at naupo sa gilid ng kama ko. Dati-rati, deretso lang sya paglabas-masok ng kwarto ko. Palagi syang nandito tuwing umaga ever since elemetary days, ginigising ako kapag hindi ako nagising sa alarm ko.Dito rin sya gumagawa ng assignments, ng projects at dito rin kami nagre-review. Madalas kaming manuod ng movies dito. Mahilig kasi kaming magmarathon na dalawa. Tanda ko pa noon, si nanay palaging may lutong pancit canton, yung instant, saka isang plastik ng tasty bread bilang merienda namin.

Nang magtapat sa 'kin si Toby dati, saka nag-iba lahat. Pumupunta pa rin sya sa kwarto ko, madalas pa nga, pero ramdam ko na 'yong pagkailang. He somehow felt like a stranger trying to invade my space. Naging one-sided ang pag-uusap namin. Sya ang taga-kwento habang ako ay naging tagapakinig na lang.

Kung dati ay ayaw na ayaw ko syang aalis, noong naging kami, ayaw na ayaw ko naman syang pupunta rito. Toby respects me so much, even now. He didn't make any move on me kahit pa sobrang kumportable nya sa 'kin. He was gracious enough to leave the decision to me and I didn't make it.

We kissed, yes, a couple of times siguro. Sa harap ng mga magulang at kamag-anak na gustong-gustong makita na nagmamahalan kami. I did it for the show. He did it for real.

Dumating 'yong mga panahon na ginawa kong hide out ang kwarto ko. Palaging nakasara ang pinto, nakalock. Madalas akong magkunwaring tulog o masakit ang kung anu-ano para lang hindi sya makita. Si Rico na kasi ang gusto ko noon. Hindi lang ako nagsalita. I kept the feeling to myself dahil alam ko namang sa simula pa lang ay may iba na itong gusto, si Gale. Gale, on the other hand, was in the verge of slitting my throat just to get to Toby. And I could've just let her. If she asked for my help, I would have given it to her.

When Day 32 Starts...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon