Isang linggo na lang bago ang kasal. Hindi na kami mapakali pare-pareho. Parang ang sarap ngang i-postpone ng kasal kasi feeling ko sobrang kulang yung time for preparations. Ni hindi ko pa magawang mag-diet para makasigurado akong kakasya ako sa wedding gown ko.
Sinukat ko ito the other day and I almost cried when it didn't fit. I was bigger by a few centimeters. Kung ipipilit ko, either mauubusan ako ng hangin sa hindi paghinga o masisira ko yung gown altogether. Good thing Gale was there to talk some sense into me. She asked for the tailor to make little adjustments on the waistline.
Nagkatrangkaso yung ring bearer na kinuha namin. Hindi pa namin alam kung gagaling ang bata just in time for the wedding. There's the plan to change the motif on the last minute. Nawiwindang na rin yata pati ang nanay ko. She suddenly felt ill with our color scheme.
Parang lahat ng involved sa pagpaplano, feeling sila ang ikakasal. May nagkaaway-away pa dahil hindi magkasundo sa isang maliit na bagay.
Feeling ko talaga may hindi mangyayaring maganda e. Sana lang huwag sa mismong araw ng kasal ko. Baka hindi ko kayanin.
Si Kent naman, nagpapaka-busy sa trabaho para makaiwas sa pagpaplano. He hates planning at kahit sa sarili niyang kasal ay gusto nyang minimal participation lang ang gagawin nya. Kaya sya na lang ang pinag-asikaso ko ng catering, since malapit naman ang pagkain sa puso nya.
France will be the caterer. Lalayo pa ba kami? At least, discounted ang pagkain without sacrificing the quality of the food.
Ang hirap pala kapag once in a lifetime ka lang ikakasal. Nakaka-pressure. Kung at least parang birthday na taon-taong ginagawa, at least pwede kang masanay. Dito, it's either you'll screw up or it will be perfect. There's a very thin line separating those two. And I'm pretty sure mine's leaning on the former.
Monday
"Dito ka na matulog para diretso na tayo sa pagchi-check ng cake bukas."
"Bakit kailangan pang i-check 'yong cake? Akala ko ba okay na?" kunot-noo kong tanong sa kanya.
"E di yung souvenirs ang i-check natin."
Tiningnan ko sya ng mataman. "Gusto mo lang yata akong patulugin sa bahay mo e."
He let out a chuckle. "Halatang-halata ba?"
I smiled at him. Ilang araw din kaming hindi nagkita. Medyo napadalas ang pag-o-overtime ko para magpa-good shot kay boss. Dalawang linggo rin akong magbabakasyon. E dahil sa nabulilyaso 'yong permanent job ko sana sa New York, medyo hindi kami in good terms ng boss ko.
"Miss mo na 'ko 'no?" Tinusok-tusok ko sya sa tagiliran. He quickly caught my hand. Inakbayan nya ako at inihilig ang ulo ko sa dibdib nya.
"Can you hear it?" he whispered.
I listened intently. His heartbeat was faster than the usual.
"Nagkape ka?"
Medyo nagpa-palpitate sya kapag nagkakape. Kaya ayaw nya ng kape. Bumibilis ang tibok ng puso nya.
"No," he answered. "I'm just this excited for Sunday."
"Buti ka pa excited. Ako, sa sobrang nerbiyos ko, hindi ko na maramdaman ang excitement."
"Bakit ka naman ninenerbiyos?"
"E kasi... parang nagkaka-gulo-gulo kung kailan last minute na. Paano na lang kapag sobrang naging magulo na hindi na sya maayos before the wedding?"
"Huwag mo kasing isiping hindi na maaayos. Actually, dapat nga mas matakot ka if everything is going so well. Kapag walang problema, doon may problema talaga."
BINABASA MO ANG
When Day 32 Starts...
Romansa[MY THIRTY DAY PLAN's sequel] Tapos na ang trial period... totohanan na ang kasunod. If I make even a single mistake, there will be consequences. Hindi na ako pwedeng umurong. This is the real thing. We're not experimenting anymore. This will determ...