Dahil badtrip ako sa opis.
--
When Game of Thrones got to that episode where Robb Stark was murdered, I stopped watching it. And every time na naaalala ko yung isang scene dun, napapangiwi ako. Kent would always tease me about it, like a great husband would. Insert sarcasm there.
Tanda ko pa yung nangyari that night. Inihaharang ko yung kamay nya sa mukha ko kasi hindi ko matagalan yung scene. Paano ba naman! Lord Frey planned on killing Robb Stark and his mother. E kasama yung asawa nito na buntis. After the dinner to celebrate the wedding of his uncle and one of the Frey girls, they barred the doors and started killing.
And the poor pregnant woman was stabbed to death. Stabbed on her stomach! That's sick!
Napahawak ako agad sa tiyan ko saka ako pumikit.
"O, ano ka ngayon?" natatawa nyang tanong.
"Tanggalan mo ng sound!"
"Paano ko tatanggalan ng sound e inuupuan mo yung remote?"
Agad kong kinapa ang remote na inupuan ko kanina saka ko ibinigay sa kanya. Maya-maya'y nawalan nang sound yung TV. Pero alam kong bukas pa rin dahil kita pa rin ng mata ko yung liwanag. Kahit nakapikit ako. Basta. Ramdam kasi ng mata kapag may liwanag, kahit nakapikit pa.
"O 'yan, tapos na."
I opened one eye. Tapos na nga yung scene. Pero nakaluhod naman si Robb Stark sa tabi ng asawa nya. I saw her bloody stomach. Nanlata ako.
"Kainis ka!" Hinampas ko si Kent ng malakas. "Kapag ako na-trauma, kasalanan mo!"
"Kasalanan ko?!" Bigla siyang nagtaas ng boses. "Ikaw kaya 'yang haling na haling sa palabas na yan!"
Sumimangot ako sa kanya. Alam ko naman 'yon. Ako naman ang may gustong manuod ng Game of Thrones. Pero yung scene talaga na 'yon. Ang sadistic!
Since then, hindi ko na itinuloy ang panunuod ng GoT. And every time na magluluto sya, I make sure na malayo ako sa kanya. I know that he wouldn't hurt me. Nagpi-play lang sa utak ko yung scene kaya medyo ilag ako sa kutsilyo. Nangingilo ako.
But Kent made it worse. Hindi dahil sa asawa nya ako e ligtas na ako sa mga kalokohan nya. Kung tutuusin nga, ako pa ang main target. Sukat ba namang dalhin nya ako sa isang sushi restaurant! It's one of those restaurants na may area kung saan may sushi master na nagja-juggle ng kutsilyo tapos nagf-fruit ninja. Okay, that's a bit exaggerated.
Truth is they don't throw their knives in the air. They keep them low. Marahan din sila kung mag-fillet ng isda o gulay. But the knives were super sharp. Tinitingnan ko pa lang, parang nahihiwa na 'ko.
I flinch every time the blade touches the fish.
"Jazz, isda ang hinihiwa nila, hindi ikaw. Umayos ka nga."
"Lumipat na lang kasi tayo sa normal na table!" aya ko sa kanya.
"Why? It's nice here. Kita mo kung paano nila ginagawa yung pagkain mo."
"Hindi naman ako kakain ng sushi e."
I already ordered ramen. Sya lang naman itong nagpupumilit mag-sushi. He's clearly torturing me.
"Arigatou Gozaimasu!" Nag-bow sya nang iabot sa kanya yung isang maliit na pinggan na may lamang tatlong sushi. Ang ganda nung pagkakagawa. Parang pang-display. Medyo nanghinayang ako nang kainin nya yung mga 'yon.
Pero kung hindi naman nya kakainin, mas manghihinayang ako. Yung tatlong piraso na 'yon, 500 pesos na. Grabe talaga syang magwaldas ng pera. Dahilan nya kasi, masarap naman daw. Saka mayaman naman daw sya.
BINABASA MO ANG
When Day 32 Starts...
Storie d'amore[MY THIRTY DAY PLAN's sequel] Tapos na ang trial period... totohanan na ang kasunod. If I make even a single mistake, there will be consequences. Hindi na ako pwedeng umurong. This is the real thing. We're not experimenting anymore. This will determ...