Ang bango ni Kent. Bakit ang bango-bango nya? Kahit wala akong pang-amoy, feeling ko ang bango-bango nya.
"I told France na hindi muna ako makakapunta sa restaurant. He's pretty pissed," he told me. Tumango-tango lang ako at inamoy-amoy sya kahit hindi ko alam kung ano'ng amoy nya. Basta ang alam ko, mabango sya. Ang linis nya kasing tingnan... kahit hindi pa sya naliligo.
"Stop sniffing me. You're making me uncomfortable," reklamo nya sa 'kin.
"Ang bango mo."
"May sipon ka kaya."
"You look like you smell good." I smiled sheepishly at him. Alas dyes na yata ng umaga pero nakahiga pa rin kami. He's late for work already. Pero sabagay, hindi naman na daw sya papasok.
He smacked his palm on my forehead. "Ganito ka palang magkasakit? Para kang may sapi."
Totoo 'yon. Dati nga, vini-video pa ako nina kuya kapag may sakit ako. Para raw akong nagdideliryo na ewan. Akala mo sinapian ng masamang espiritu. Ang clingy ko rin kapag may sakit, which explains why until this hour, we're still in bed, both wrapped up in a thick blanket. "Why don't you try to get some sleep? Magluluto lang ako ng pwede mong kainin."
Hinigpitan ko ang kapit sa damit nya. Umiling ako. "I'm not hungry."
"Kahit na. Kailangan mong kumain para makainom ka ng gamot."
"I'll sleep with you!" I blurted out. "Just don't... don't leave me here. Nilalamig ako."
Napabuntong-hininga sya. It's not what I was expecting. Akala ko matutuwa sya. "Kung kailan hindi pwede, saka mo gusto. Nananadya ka ba?"
Sinimangutan ko sya. "Please... I'm sick. I don't want to get up."
"Then don't. Ako naman ang magluluto, hindi ikaw." He kissed my forehead. "I'll be quick."
"Huwag nga..." ungot ko.
Pilit nyang tinanggal ang kamay ko sa pagkakakapit sa kanya tapos pinayakap nya sa 'kin 'yong malaking unan. "Matulog ka muna."
I didn't sleep though. The moment he went out of the kitchen to cook, sumunod ako agad sa kanya. His back was turned against me. Abala sya sa paghihiwa ng carrots. Yumakap ako sa kanya mula sa likuran and giggled when he uttered a curse.
"Get back inside," utos nya.
"Ayaw." I pulled the blanker tighter around me. "I want to watch you cook."
"Then sit down. I can't cook with you clinging on my waist."
Pasalampak akong naupo. He squinted at me first before getting back to work. Maya-maya'y tumayo ulit ako para makiusyoso. Sinamaan nya ako ng tingin nang kumuha ako ng sandok.
"Sit." I grunted. "Jazz, if you pass out here, I'll tie you to the bed para matigil ka."
I scowled at him and did what he asked. Pero maya-maya, tumayo ulit ako. Hindi ako mapakali kasi. Ang tagal nyang magluto. Tuluyan na syang nainis kaya dinala nya ako pabalik ng kwarto.
"Sleep."
Nahiga ako at yumakap sa unan. I began muttering quite loudly para mainis sya lalo.
"God, you're annoying," he said while rolling his eyes. "Stop muttering and sleep. I'll wake you up when the food's ready."
I didn't realize that I fell asleep again. Ginising nya ulit ako. Dala-dala nya na ang pagkain. He laid the food on the table and sat me up.
"You have to eat para makainom ka ng gamot. Tapos matulog ka ulit," he told me.

BINABASA MO ANG
When Day 32 Starts...
Romansa[MY THIRTY DAY PLAN's sequel] Tapos na ang trial period... totohanan na ang kasunod. If I make even a single mistake, there will be consequences. Hindi na ako pwedeng umurong. This is the real thing. We're not experimenting anymore. This will determ...