Chapter 1

48 1 0
                                    

First day of Training

Excited si Trina dahil ngayon ang first day ng training niya sa kanyang trabaho. Super special ang araw na ito para sakanya dahil ito rin ang first work niya.

“Alas syete na pala, kailangan ko nang maghanda baka mahuli pa ako. Ito pa naman ang unang araw ko sa trabaho” Sabi niya sa sarili habang nilalabas sa aparador ang inihanda niyang damit kagabi. 

“Trina anong oras na? baka mahuli ka sa trabaho mo niyan traffic pa naman ngayon” Sigaw ng kaniyang ate na nasa labas ng kanilang inuupahang bahay at nagsasampay ng damit.

“Oo ate! Maliligo na” Sagot naman niya dito.

Si ate Dolly talaga mukhang mas excited pa sakin kunsabagay, makaligo na nga lang.

            9 am ang pasok niya ngunit kailangan niyang umalis ng mas maaga dahil bukod sa traffic ay medyo malayo pa ang lugar nila sa papasukan. Isa at kalahating oras ang aabutin papunta sa opisinang papasukan niya.

            “Naku 7:30 na pala” Bulalas niya habang dali-daling sinusuklay ang buhok.

“Kumain ka na ba?” Tanong sakanya ng kaniyang ate Dolly.

“Oo ate, kailangan ko nang umalis baka malate pa ko e.”  

Dali-dali siyang lumabas ng bahay nang

 “Araaay!” sigaw niya.

 “Oh bakit anong nangyari?” Tanong ng ate niya at mabilis siyang pinuntahan nito at naabutang nakaupo sa labas at hawak ang balakang habang hinihimas pa.

“Ang sakit ng puwet ko, kung minamalas ka nga naman, ngayon pa talaga ako nadulas. Bakit naman kasi dito ka nagsampay sa labas ate? Yan tuloy, basa tong dadaanan ko.” mangiyak-ngiyak na sabi niya dito buti nalang at walang nakakita sakanya maliban sa kaniyang ate Dolly. Nakasuot pa naman siya ng corporate attire dahil yun ang required sa opisina, buti nalang at hindi  masyadong nadumihan ang suot niyang damit.

“At saan naman ako magsasampay aber? sa loob ng bahay?! Sa sobrang pagmamadali mo yan kaya hindi mo na napansin yang dinadaanan mo. Umalis ka na nga at baka mahuli ka pa niyan, masesante ka agad.” Nakakunot ang noong sagot ng kaniyang ate Dolly, ngunit ang totoo ay kanina pa ito nagpipigil ng tawa dahil sa itsura niya ng madatnan siya te, ngunit hindi na lamang ito ipinahalata ng kaniyang ate dahil baka mas lalo lang siyang mainis.

Pinilit na lamang niyang tumayo kahit na ramdam pa nito ang sakit ng balakang dahil sa pagkakadulas.

            Buti naman at sakto lang pala ang dating ko, Naku ang dami pala namin. Sa loob loob na wika ni Trina.

            Pagkuway may bigla siyang naramdamang kakaiba at hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon. Madalas kasi iyong mangyari sakanya lalo na sa mga ganitong pagkakataon.

Oh my! Mukhang kailangan ko pa atang pumunta sa banyo ngayon tinatawag ako ng kalikasan Bakit ba naman kasi Banyo agad ang naiisip ko kapag sobra akong kinakabahan e.. Wag naman dito pls. mamaya nalang sa bahay promise ilalabas kita, promise ko yan sayo!  bulong niya sakanyang sarili habang naghahanap ng pwedeng maupuan. Ngunit hindi pa man siya nakakaupo ay may isang lalaking lumabas sa kwartong katapat lamang kung saan sila naghihintay.

            “Yung mga trainee sumunod kayo sakin”. Wika ng isang lalaking naka security guard na uniform. Agad naman silang tumayo at sinundan ito hanggang sa makarating sila sa isang fully aiRConditioned room. The room was equipped with numbers of computers, it was big, tamang tama sa bilang nila. Kaniya-kaniyang hanap ng upuan ang mga kasama niya, siya man ay naghanap rin kung saan pwedeng maupo, nang makita niya ang grupo ng mga babae sa isang tabi ay nakigrupo na rin siya. Nang makapuwesto na ang lahat ay sumunod ang kwentuhan mula sa mga kanina lang ay kasama niyang naghihintay sa lobby ng opisina. Habang siya naman ay tahimik lang sa isang tabi at nakikiramdam habang pinagmamasdan ang mga posible nitong makatrabaho.

            “Ganun talaga kapag guwapong tulad ko” sabay tawa nito. “Anyway, Yeah I worked there before kaya lang sobrang malayo sa bahay namin kaya I decided to work here, convenient kasi, imagine 15min. lang andito na ako sa office” Kuwento ng isang lalaking hindi kalayuan sa puwesto niya habang ang mga ito ay nagtatawanan. 

Ano daw?! Aba ang presko naman ng lalaking yun, may pa English-english pa, kunsabagay what do I expect call center nga naman tong pinasukan ko kaya natural lang na mga inglesero tong mga kasama ko. Sa isip-isip niya.

            Biglang may pumasok, dalawang babae.

 “Good morning guys! So this is the first day of your training as a call center agent and by the way I am one of your mentors, because for this training, you guys are going to have more than five trainers and most of them are Australians’. And To start with, my name is Sandy.” Pagpapakilala nito.  “This day is going to be very busy for you because we are going to discuss a lot of things and that will begin in knowing all of you.” Dagdag pa nito, confident at mukhang strikto magsalita si Sandy kaya naman lahat sila ay nakikinig ng mabuti sa bawat sabihin nito.

            Hanggang dito ba naman meron parin niyan, yan pa naman ang pinaka ayaw ko. Una magpapakilala ka tapos yung likes at dislikes mo hay naku. Frustrated na sabi niya sa sarili.

“But guys this one is different coz you will grab a partner and you will tell them things about yourself and your partner will be presenting you and vise versa. Since you are 28 in numbers,  there will be no problem in getting your partner right? so I will only give you 5 minutes to do that and time will starts now. 

NOWHERE TO HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon