Chapter 18

13 0 0
                                    

Conservative?!

Anong oras na Trina? Kanina ka pa dyan sa CR ah, bilisan mo na para makita namin kung kasya yang swimsuit na binili namin. Sigurado babagay yan sayo girl” pagmamadali ni mommy Cath habang kumakatok sa pintuan ng cr

            “h-hindi ko yata kayang magsuot ng ganito” nahihiyang lumabas si Trina sa cr na nakatapis pa ng tuwalya.

            “ano ka ba alisin mo nga yang tuwalya para makita namin kung bagay, sige ka hihilahin naming yang tuwalya mo”

            “t-teka lang eto na” dahan dahan niyang inalis ang nakapulupot na tuwalyang pinangtatakip niya sa katawan dahil sa swimsuit na suot

            “omg! Trina, ewan ko nalang kung hindi ma inlove sayo si Alex.”

            “sinabi mo pa veleria, hindi ko akalaing seksi ka pala diba mommy Cath” aniya ni Erlinda

            “kasi naman laging nagtatago sa maong at tshirt with matching blasers ang outfit, ah kulang pa pala with jacket na parang nasa baguio lang ang trip”

            Panu ba naman hindi mabibighani ang mga kaibigan nito sa maputi, makinis at balingkinitan nitong katawan. Sa suot nitong swimsuit lumabas ang magandang hugis ng katawan, the body that shes hiding because of her conservative thoughts.

            “girls, hindi ba parang sobra naman ata tong suot ko, nahihiya kasi ako.,I mean this is the first time na nagsuot ako ng ganito”

            “hoy babae, swimming to natural lang na naka swimsuit ang magsiswimming, san ka naman nakakitang magsiswimming na naka pajama. Isa pa ba’t ka mahihiya maganda naman katawan mo kami nga mag two two piece pa mamaya, eh ano kung naka tack in pa ang bilbil ko pakialam ba nila. Kung iniisip mo naman ang mga boys wag kang mag alala, hindi naman mga bastos yun di ba except nga pala kay Mel” nagtawanan nalang sila

            “0 s-sige na nga isusuot ko to pero magshoshort ako ha,.sige na pls. mommy Cath” pagmamakaawa pa ng dalaga

            “hay naku ang manang mo talaga pinaghirapan pa naman namin yang hanapin, sige na nga kung san ka masaya. Tara na at kanina pa tayo hinihintay ng grupo” sa huli ay pumayag din si mommy Cath sa gusto ng dalaga.

             A girl with an alluring body wearing a two piece swimsuit and a flawless skin ang naglalakad patungo sa kinaroroonan ng mga lalaki sa tabi ng swimming pool. Maluwa pa ang mga mata ni Mel habang nakatitig dito, ngunit agad lumapit kay Alex.

            “hi Alex! So what do you think? Nagustuhan mo ba ang suot ko?” mapang akit ang mga katagang iyon

            “wow, Vanessa parang Ms. Bikini lang ang dating ah. Anyway nagustuhan ko, maganda at bagay sayo. Para sakin ba yan ha?” napatayo pa ito sa sobrang paghanga sa dalaga

            “exuse me, pasensya ka na Mel pero para kay Alex lang to okay” inirapan nito sa Mel at saka ipinukol ang tingin kay Alex “di ba Alex?”

            Hindi naman pinansin ng lalaki ang pagpapacute sakanya ng dalaga, hindi ito mapakali at tila may kanina pa hinahanap.

            “asan na yung iba? Sina mommy Cath, hindi mo ba napansin sa room nyo Vanessa? Magbibihis lang daw sila bakit ang tagal naman ata” nagtatakang tanong ni RC

            “hindi pa ata tapos magbihis, sa kabilang kwarto na nga ako nagpalit eh, ang tagal kasi nila. Panu mukhang pinagtatalunan yung isusuot ni Trina”

NOWHERE TO HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon