Chapter 9

11 0 0
                                    

Celebration!

“Woah! Let’s celebrate for passing guys” tuwang tuwa si Mel habang inaayos ang mga gamit pauwi.

“Kung matuwa ka naman parang bar exam yung pinasahan mo” pagbibiro ni Joe na nasa likod lang nito. Nagtawanan ang lahat sa sinabing iyon ng lalaki at nagsimula na naman silang magkantyawan.

Bigla namang pumasok si Jullian upang pormal silang i-congratulate sa pagkakapasa nila at sa pagiging official call center agent ng kumpanyang pinagtatrabahuhan nito. Kasabay din ay nagpa-alam na ito sa kanilang wave dahil kailangan na nitong bumalik sa Australia para magreport doon, tapos na kasi ang trabaho nito sa Pilipinas kasabay ng pagtatapos ng kanilang training. Niyaya nila Mel si Jullian na sumama sa gagawin nilang celebration at parang despidida narin para dito, ngunit tumangi ang banyaga dahil may hinahabol pa itong flight para mamaya pabalik ng Australia, iniwanan na lamang sila nito ng  words of wisdom at nagpasalamat naman ang wave na hinawakan niya sa lahat ng naitulong nito sakanila.

Todo sa pagbirit itong si Mel habang kinakanta ang I don’t wanna miss a thing. Halos mahulog sa kinauupuan sa kakatawa ang mga kasamahan nito, lahat kasi ay sumama sa celebration, ang buong wave nila na ngayon ay tinatawag na nilang Passers dahil sa pagkakapasa nilang lahat sa evaluation. Pumunta sila sa isang restoBar na may videokehan, kumain lamang ang iba ng merienda at ang mga lalaki naman ay um-order ng tig iisang san mig light at pagkatapos ay nagvivideoke. Hindi kasi sila pwedeng maglasing dahil maaga pa bukas ang pasok ng mga passers para ipakilala kung sino ang magiging team leader nila o kung kani-kanino silang team mapupunta possible din kasing madisperse ang wave nila.

“Hey guys! Sa tingin ko tama na to, remember maaga pa tayo bukas. So it’s time to go home” pagpapaalala ni mommy Cath sa mga kasamahan

“Oo nga naman” si Carlos, hindi naman naging pasaway pa ang iba at sumunod na sinabi ng mga nakakatanda sakanila. Tama naman kasi ang mga ito kailangan nilang pumasok ng maaga bukas to embrace what’s ahead of them on the following days. Umuwi na ang iba samantalang si Trina naman ay nakatingin kay Alex, hinihintay nitong tumingin din ito sa gawi niya upang makapagpaalam siya ng maayos. Ngunit nabigo ang dalaga sa inaasam dahil tuluyan itong umalis ng hindi man lang siya tinitingnan. Ibang iba ito sa lalaking naka usap niya kanina lang habang hinihintay ang kanilang evaluation. Maybe he’s a bit tired kaya hindi na rin siya masyadong kumikibo kanina pa. It doesn’t change the fact that he’s actually the one who helped her through out the evaluation.

Sa wakas!” excited na pumasok si Trina sa kanilang bahay, dumiretso ito sa kusina dahil sakto ang pagdating niya para sa hapunan at nandoon na rin ang kanyang mga kapatid.

“May boyfriend ka na?!”  gulat na tanong ni Kalbie

“No comment,.next question pls.” sagot naman nito sa kapatid na para bang artista kung sumagot

Nakangiti lang si Trina habang nakatingin sa mga kapatid hanggang sa pinilit na itong magsalita nang kanyang ate Barbara.

“Okay, bukas kasi officially call center agent na ako, pumasa kasi ako kanina sa evaluation, well kami palang lahat ng ka-wave ko. Kaya naman start na nang totoong trabaho ko bukas, we will take calls na”

“Talaga ate Trina congrats! Pumasa kayong lahat, so nakapasa rin si Mr. Yabang mo?”

“At sino naman yang Mr. Yabang na yan?” nakataas ang kilay ng kanyang ate Barbara habang ang kanyang ate Dolly ay seryosong nagsasandok ng kanin mula sa rice cooker, iyon kasi ang expertise nito

“A-ah wala yun ate Barbara, isa lang sa mga ka-wave ko na akala ko mayabang yun pala mabait naman.” Paliwanag nito

“Hmm.mabait daw! Baka may gusto ka na dun ate Trina ha.,kilala kita yan din mismo yung tagline mo dun sa super crush mong si Larry na kung hindi pa nakabuntis ay hindi pa mawawala ang pagpapantasya mo dun.” Nakatawa at nang-iinis na panunudyo ni Kalbie, kung hindi lang ito malayo sa pwesto niya ay kukutusin niya ito. Iyon kasi ang pambabarang ginagamit ng kaniyang bunsong kapatid laban sakanya. Ang super ex crush niyang si Larry, ang heartthrob ng school nila noon sa high school. And eventually hanggang ligaw tingin lang siya rito dahil marami siyang schoolmates na nagpapapansin rito. Hanggang isang araw nalaman na lamang nilang nag dropped out na pala ito sa school dahil nakabuntis, which is a major turned off for her.

“Kain na! eto na yung kanin O!” inilapag ni Dolly ang bandehado ng kanin sa gitna ng mesa habang si Trina ay naupo na rin at nagsimulang kumain. 

NOWHERE TO HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon