Chapter 5

18 1 0
                                    

2nd day of Training

Maagang dumating ang lahat sa ikalawang araw ng kanilang training, quarter to six pa lamang ay halos magkakasabay na dumating ang lahat. Siyempre naman, kasi ayaw nilang mapahiya sa Australian trainer nila, ayaw nilang isipin ng banyagang iyon na tamad at hindi professional magtrabaho ang mga Pilipino. Isa pa ay kinakabahan sila dahil baka masungit ito at pahirapan sila.

            “Inaantok pa ako!” malakas na pagkakasabi ni Mel sa mga kasamahan, sumang-ayon naman ang lahat dahil halos salitan ang mga ito sa paghikab.

            Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Sandy at may kasama itong isang matangkad at maputing lalaki na naka corporate attire pa. Nagulat ang lahat at tipong nabuhayan ng dugo ang mga ito. Dali dali naman nilang inaayos ang mga sarili at ang pagkaka upo.

            “Hi, Goodmorning Everyone!” pagbati ni sandy

 “Goodmorning!” sabay sabay pa ito na para bang nasa kindergarten lang sila.

            Samantala, ipinakilala naman agad ni Sandy ang kasama nitong banyaga sa lahat at umalis. Hindi naman kasi talaga siya ang magtretraining sa mga ito kundi ang banyagang ito, siya lang ang naging moderator nila for their orientation.

            “Hello everyone! How are you? I’m jullian smith, you can call me jullian, your trainer for the next few days and don’t worry, I don’t bite so just relax coz it seems that you’re all nervous. I’m working for this company for, about 10 years now and I was sent here to train you guys on what you’re dealing in the following month. By the way I’m from Australia.” Pagpapakilala nito sa sarili.

            Para namang nabunutan ang lahat sa narinig nito sa kanilang trainer. Ang akala kasi nila ay strikto ito at baka pahirapan pa sila. Nginitian sila ng australyano at tinumbasan rin nila ito ng matamis na nginiti, mabait naman pala ito taliwas sa inaasahan nila. Naging komportable naman ang lahat sa mga narinig nito mula kay jullian.

            “I know that you’ve met yesterday and you’d introduced yourselves. But I still don’t know you guys, so can we start by introducing yourselves to me. Don’t worry I will try to memorize all your name.” nakatawang pagkakasabi ni jullian na nakatyo sa gitna ng kanilang training room.

            Ginawa na nila ito kahapon at magkakakilala na sila kaya hindi na sila nahirapan at nahiyang magpakilala ulit sa isa’t isa at sa bago nilang makakasama. Hindi gaya ng nauna nilang ginawa, isa isa silang tumayo at nagpakilala sa mga kasamahan. Natuwa naman ang lahat sa exercise na iyon, exercise kasi ang tawag nila kapag may ginagawa silang activity gaya ng ginawa nila kanina lang.

            “That’s great! Anyway, don’t worry coz what I am going to teach you is Australia, everything about it.” Pagpapaliwanag ni jullian sa mga ito. Mga australyano kasi ang magiging client nila kaya dapat lang na malaman nila ang mga ugali nito kabilang na ang kultura ng mga ito para hindi sila mahirapan na makisalamuha.

            Napansin ni Jullian na halos magkakatabi ang lahat ng mga lalaki at sa kabila naman ang mga babae. Kaya naman nagdesisyon itong baguhin ang seating arrangement ng mga ito para naman magkakilala silang lahat at hindi mailang sa isat isa. Naging alternate ang arrangement nila, lalaki babae lalaki babae, ganun ang naging set up. Hindi naman nagreklamo ang mga ito at sumunod nalang sa gusto ng Australyano. Nagsitayo sila at pumunta sa pwestong ibinigay sakanila. Hindi naman naging mahirap sa mga ito ang pagkakaroon ng bagong katabi at soon to be mga close friends nila at matatanda na rin sila para maging shy type pa.

            Papunta na si Trina sa binigay sa kanyang upuan nang makita niyang paupo si Alex Tan sa tabi ng uupuan niya. Sa una ay medyo nainis siya dahil para sakanya ay presko nga ito at iyon ang isa sa mga katangiang ayaw niya sa isang tao lalo na sa isang lalaki. Naka upo na si Alex sa tabi niya at tila hindi man lang napansin nito ang pag upo niya dahil busy ito sa pakikipag-usap sa mga dating katabi. Hindi naman kasi kalayuan ang napuntahang pwesto ng mga ito at isa pa magkakalapit lang naman ang mga upuan nila. Samantalang ang mga naging kaibigan naman nitong sina ErLinda at Valerie ay katabi lang ng isa pang lalaking katabi niya na si Carlos.

            Nang tapos na nilang ayusin ang seating arrangement nila ay inutusan sila ni jullian na buksan ang mga computer na nasa harapan nila. Meron kasing almost 30 computers at 30 chairs sa training room at gagamitin nila ito hanggang sa matapos ang kanilang training. Sa kaliwa ni Trina naka upo si Alex na busy habang binubuksan ang computer nito. Hindi naman nahirapang buksan ni Trina ang computer dahil sobrang basic na ito para sakanya isa pa sanay na sya dito dahi IT ang course na kinukuha nya nung nag aaral pa siya.

            “Sira ata tong computer ko” nag aalang sabi ni carlos habang nakatingin sakanya.

“Ah baka naman maluwag lang yung kable kuya carlos” sagot naman ni Trina

“Ah ganun ba? sige pipihitin ko lang” pinihit nito ang kable sa likod at laking tuwa ng gumana ito “aba 0o nga, salamat ha”

“Walang anuman” nakangiting sagot niya

            Wala naman naging aberya ni isa man sa mga computer at inaalalayan din ni jullian ang iba pa na buksan ang mga computer. Bago kasi ang model ng mga computer na gagamitin nila na mula pa Australia kung kaya’t iba ang mga specs nito kumpara sa mga computer na madalas na nakikita sa Pilipinas. At kung hindi ka techie at mahilig magexplore sa isang gadget ay hindi mo ito mabubuksan agad.

” Is everyone have their computer working?” tanong ni jullian na nakpuwesto narin sa harapan ng kaniyang computer sa gitna ng training room. “All you have to do is to research anything about Australia, anything and we will discuss that later ok” ito ang sumunod na instructions na ibinagay niya sa mga ito. Kaniya kaniyang pindot ng keyboard ang mga ito at nagresearch ng kung anu-ano about Australia.

            “Ayos ha! Ano ba tong pinapagawa ni Jullian, lang kwenta? Kunsabagay ok na rin to petiks, di ba kuya Carlos?” pagbaling ng atensyon ni Alex kay Carlos na katabi lang ni Trina, tumango na lamang kay Alex si Carlos at bumalik sa pagreresearch niya.

            Samantalang napatingin naman siya kay Alex sa sinabi niyang yun. Nang naramdaman ni Alex na nakatingin siya rito ay liniingon siya nito. Nabigla man siya, ngunit hindi nito ipinahalata ang pagkakagulat. Binigyan siya ni Alex ng matipid na ngiti at humarap ito agad sa computer na ginagamit. Lalo siyang nainis sa ginawa ng lalaki.

            At para san naman ang ngiting yun? Grabe presko na nga ang yabang pa, akala mo naman kung sino at kung makangiti parang aso, Nakakainis!  bulong niya sa sarili habang busy sa pagpindot sa keyboard. Pati nga ang pagreresearch niya ay naapektuhan dahil sa sobrang inis sa lalaki. Hindi naman siya man hater, ang ayaw niya lamang ay ang mga preskong gaya ni Alex na parang walang pakialam sa paligid niya, kung nakakasakit na ba ito o hindi.

Maraming interesanteng nalaman si Trina tungkol sa Australia gaya ng mga sikat na landmark dito pati na rin ang mga wild animals na sa Australia lang makikita. Para sakanya ay malaki ang maitutulong ng exercise na iyon dahil maari niya itong gamitin to build connection with her soon to be clients sa Australia. Salungat ito sa sinasabi ni Alex na walang kwenta at petiks lang.

Binigyan lamang sila ni jullian ng isang oras upang magresearch dahil sinabi nitong may susunod pa silang mga exercises after ng research. Wala naman itong problema sakanya dahil marami-rami na rin siyang nalaman tungkol sa Australia.

“Are you done? You should be coz we’ll have a lot of exercises to do.” tumayo si Jullian at kinuha ang atensyon ng mga nagreresearch. “I want you and your seatmates to share what you’ve discover about Australia and I will call two pairs infront to share what they got.” Utos ni Jullian sa mga ito.

Unang pumasok sa isip ni Trina na si Carlos nalang nag kukunin niyang ka partner dahil ayaw niyang makapareha si Alex. Pero nang tipong kakausapin niya ito ay nakakuha na pala ito ng kapareha at iyon ay ang kaibigan niyang si Valerie. Para namang gumuho ang mundo niya nang pumasok sa isip nito ang lalaking kinaiinisan.

Ibig sabihin ba nito?, hay! kung minamalas ka nga naman.

Ngunit wala na itong choice kundi ang tanggapin ang kapalaran nilang dalawa ni Alex na maging magkapartner sa exercise na iyon. Kung pwede lang sanang hindi seatmate ay maghahanap siya ng ibang makakapareha.

Para namang nag-aantayan ang dalawa kung sino at paano nila sisimulan ang pag-uusap. Hanggang si Alex na ang unang nagsalita.

“So, tayo pala ang mgkapartner?” nakaharap ito kay Trina at halatang dismayado sa nangyari. Samantalang agad namang nainis ang babae sa ipinakita ng lalaki ngunit inisip na lamang niya na paghahanda ito sa magiging future work nila kaya kailangan niyang mag concentrate at kontrolin ang sarili na huwag ipakitang ayaw niya sa lalaking kapareha.

NOWHERE TO HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon