Chapter 3

23 1 0
                                    

Hassle!

Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik na si Sandy na may dalang mga envelopes. Agad namang lumapit si Joe Cano, 27 yrs old with 1 child and 2 yrs. Call center experienced. At tinulungan nito si sandy sa pagbubuhat, natural lang iyon dahil siya ang pinaka malapit na naka upo sa pintuan.

            “I guess you’re done introducing yourselves and now to start your formal training. I have here the kit which consists of your modules and other stuff that you will need during our training.” Ibinigay nito sa bawat isa ang mga envelopes. “This group of trainees will be called wave 42B with 28 trainees. And number one policy is EOP (English only policy) since this is a call center company and you are going to have an Australian clients.”  Pagpapaliwanag nito.

            Ipinaliwanag ni Sandy ang mga laman ng kit na ibinigay nito sa mga trainees. Mahaba haba rin ang discussion at nakaka antok para kasi silang nasa isang seminar na may boring at striktong guess speaker. Pagkalipas ng mahabang oras ay binigyan sila ng one hour lunch break.

            “Ang sakit ng likod ko at sobrang nakaka-antok” reklamo ni RC, 24 yr old nursing student at nagpapart time job.

            “Sobrang lamig pa! magdadala nga ako ng jacket bukas” sabad naman ni Mel, 40 yrs. Old at gaya ni Carlos ay dating Ofw.

            “Petiks nga eh! Ngayon lang yan relax kasi training pero kapag nasa field na tayo dun na stress” pagkakasabi ni Alex habang nakangiti.  “sa pantry nalang tayo kumain”  pahabol pa nitong sabi sa mga newly friends niya at tipong papunta na ito sa pantry para mag lunch.

            “Trina, tara may convenient store sa baba mas mura dun” pagyaya ni Valerie.

“Sige!” pag sang ayon naman niya. Kasama nilang lumabas si Erlinda at kumain ng lunch. Madali naman silang nagkapalagayan ng loob at nagkwentuhan tungkol sa mga co trainees nila at isa nga sa mga pinagkwentuhan nila ay si Alex Tan ngunit nagkibit balikat lamang siya. Presko ang tingin ni Trina kay Alex dahil at home na at home ito at parang pulitiko dahil halos lahat ata ng co trainees nito ay kinakausap liban sakanya, hindi kasi siya rito nagpapakita ng anumang interes upang kausapin.

            “Quarter to one na pala, balik na tayo sa office!” pagyaya niya sa mga kasama

“Mamaya na yosi muna tayo!” yaya naman ni Valerie, agad namang  sumang-ayon si Erlinda. Matagal nang nagsisigarilyo sina Valerie at ErLinda subalit siya naman ay hindi, wala kasi siyang bisyo kahit na uminom ng alak. School at bahay lang kasi ang routine nang buhay niya nung nag-aaral pa siya. Ngunit ganun pa man ay sinamahan nito ang dalawang bagong kaibigan ngunit hindi niya pinagbigyan ang dalawa nang yayain siya ng mga itong mag yosi.

            “By the way guys, tomorrow you are going to have a different schedule, much earlier 6:00 in the morning and I’m expecting no one’s going to be late. Goodbye and enjoy the rest of the day, see you tomorrow and be ready because your first Australian trainer is going to be here. ” pagpapa-alam ni Sandy.

NOWHERE TO HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon