Chapter 23

6 0 0
                                    

The Visitor!

Wala pa ring nagbabago dito sa lugar natin sa tuwing sasapit ang fiesta”   masaya ang dalaga habang nagpapahinga at naka upo sa isang malaking bato sa labas ng kanilang bahay. Kasama nito si Elvin at kakatapos lang ng mga itong manood ng isang palaro sa kanilang baranggay.

“sinabi mo pa, kahit taon taon itong ginagawa hindi pa rin nakakasawa. Natatandaan mo ba yung mga bata pa tayo, nadapa ka pa nga sa isang game na sinalihan mo di ba?” nagkatawanan ang dalawa habang binabalikan ang masasayang araw ng kanilang kabataan.

Isang mata naman ang kanina pang nakatingin sakanila, tila pinagmamasdan kung ano ang ginagawa nila. Ilang minuto pa at hindi na ito nakatiis at saka nagpakita tila nagngingitngit sa galit

“so nagleave ka para lang makipagtawanan at oo nga pala plano mo pang magresign? Ano yan habambuhay kang makikipagtawanan?” maangas na pagkakawika nito, nagulat si Trina at napatayo pa ng makita ang lalaking ngayon ay nasa harapan nila.

“A-Alex! Anong….” Hindi ito makapaniwala sa nakikita

“Trina kilala mo ba to?” singit naman ni Elvin na nagtaka rin sa reaksyon ng lalaki na tila nagliliyab sa galit

“Oo pare, actually kilalang kilala” agad namang sagot ng binata

“Pare hindi ko yata gusto ang tono ng pananalita mo” angil ni Elvin at tumayo na rin ito nakaharap kay Alex

“Teka nga lang” agad na pumagitna ang dalaga at humarap ito kay Alex naniningkit ang mga mata. “Ano bang ginagawa mo dito at paanong…”naputol ang sasabihin ng dalaga ng sumingit na naman si Elvin

“Pare buti pa umalis ka na lang dito”

“Elvin ako nang bahala ok” lalong kumunot ang noo ni Alex ng nakitang hinawakan pa ng dalaga ang braso ni Elvin habang pinipigilan. “Alex bakit ka ba kasi nandito?” nabaling naman ang atensyon ng lalaki sa dalaga at ang kaninang galit na mukha ay napalitan ng maamo at pawang nagmamakaawa

“Trina, I just came here to apologize” inismidan lamang ito ng dalaga

“Talaga? apologize for what?”

“Gusto ko lang mag explain sa nangyari that night…I..” natigilan si Alex sa dapat sanang sasabihin ng dumating si tiya Linda

“O, Trina bakit andito kayo sa labas nag uusap ni Elvin” agad na nagmano si Trina at Elvin sa matanda na halatang galing ng simbahan dahil nakasuot pa ito ng itim na belo. “at may bisita pa pala tayo” nakatingin ito kay Alex

“Mano po” agad na nagmano si Alex sa matanda

“Kaawan ka hijo, pasensya ka na pero ngayon lang kasi kita nakita. Taga sang baranggay ka ba” nakangiti ang matanda na para bang nahuli nito ang kaniyang kiliti

“Ahm,,ang totoo po niyan taga maynila po ako. Officemate po ako ni Trina” gulat na gulat naman ang matanda sa narinig mula sa binata

“Talaga? Naku pasensiya ka na, eto naman kasing si Trina walang nabanggit. Ano ka bang bata ka bakit hindi mo sinabing may darating ka palang bisita mula sa maynila yan tuloy hindi ako nakapghanda ng mabuti” kinurot pa nito ang dalga

“Tiya hindi….”agad namang naputol ang sasabihin ng dalaga ng sumingit si Alex sa usapan

“Naku ayos lang po yun, huwag po kayong mag alala ang totoo po kasi niyan hindi rin po alam ni Trina na darating ako ngayon dito sa inyo. Pasensya na ho kayo” pagpapaliwanag naman ng binata

“Alam man ni Trina o hindi bisita ka pa rin namin, mabuti pa tayo na sa loob para makapagpahinga ka. Galing ka pa kamo ng maynila hindi ba? Elvin at Trina hali na kayo may bisita tayo” inakay ng matanda ang bisita papasok ng bahay, sumunod naman ang dalawa, si Trina na halatang inis dahil hindi na ito nakasingit sa kaniyang tiya upang sabihin na hindi niya ito bisita.

NOWHERE TO HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon