Chapter 22

5 0 0
                                    

Where is She?

Grabe para naman akong artista kanina, ang daming nangumusta sakin tinatanong pa sila ate at kung anu ano pa. kunsabgay ilang taon na rin mula nang umuwi kami dito, buti naman at marami pa ring nakakakilala samin, kahit na yung ibang kakilala namin ay nasa ibang lugar na rin naninirahan tulad namin . Napagod ako kanina,  pero buti na rin yun dahil kahit papano nakalimot ako, it’s good to be back, anyway. Pati si Elvin hindi nauubusan ng kuwento, yan tuloy selos na selos ang mga babaeng nahuhumaling sakanya, nothing’s change. pano ba naman ang heartthrob ng baranggay namin masayang nakikipag usap sakin. Natatawang naisip nalang ng dalaga at tuluyan na itong pumunta sakanyang kwarto upang magpahinga.

            Hah!  napabalikwas ito sa kaniyang kama

            Bakit ba hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Natahimik ito bigla

“alright, lets put it this way, ako nga ang kumuha ng mga pictures na yan since day one kasi you got my attention at sa palagay ko gusto kita pero hindi sapat ang nararamdan ko, para ipagsigawan ko pa sa mga tao gaya ng ginawa at ginagawa mo ngayon. I-im sorry Trina.”

Mahirap ba talaga akong magustuhan, ah oo nga pala gusto niya ako pero hindi sapat para ipagsigawan yun sa mundo. Ang tanga ko talaga bakit ba ako nagkagusto sa katulad niya duwag na nga, cold hearted pa at ang mga sinabi niyang yun…. hindi namalayan ng dalagang dahan dahang tumutulo ang luha sa kaniyang mga mata. Ang sama niya dapat hindi ako naapektuhan sa katulad niya pero bakit ang sakit sakit, lumayo na nga ako pero bakit siya pa rin ang laman ng puso at isip ko. Kahit anong gawin ko hindi siya maalis, ano bang kailangan kong gawin?kailangan ko bang pumunta sa mas malayong lugar at dun na lang magtago, at magbaka sakaling makalimutan ko na ang lalaking yun.

 “Hey!” umapir pa si RC kay Alex na mag-isang naka upo sa gilid ng pool “asan nga pala yung iba”

“naghahanap ng talong” pabirong sagot nito

“hahaha.baliw ka talaga talong pala ha. Anyway Alex, nakita ko nga pala ang mahal mo”

“uy, narinig ko yun ha, sino yang mahal mo Alex?” si Joe na di kalayuan sa kanila ay narinig ang pinag uusapan ng magkaibigan. Agad itong lumapit sa dalawa upang makiusyoso sa narinig, nagulat naman ang dalawa sa biglang pagsulpot ng kasama. “Guys dito kayo, may mahal daw si Alex” tinawag pa nito ang iba pang kalalakihan, interisado ang mga itong malaman kung sino nga ba ang mahal ng binata dahil ito ang unang pagkakataon na may nabalitaan sila sa lovelife ni Alex, na sa simula pa lang ay sobrang onguard sa kaniyang personal life lalo na pagdating sa kaniyang buhay pag-ibig nito.  Dali dali ang mga itong lumapit sakanila na parang mga tsismoso.

“talaga? Who’s the lucky girl Alex” unang nakiusyoso si Mel

“ang lakas din naman talaga ng radar mo Mel” aniya ni RC

“siyempre naman, sa mga ganiyang bagay, I’m the expert” pagmamayabang pa ng matanda

“kaya pala hindi ka man lang pinapansin ni Vanessa na kanina mo pa hinahabol” tawanan ang lahat sa pambabara kay Mel.

            “teka nililihis niyo naman ang usapan e., Alex sino ba yang mahal mo, batay sa narinig ko nakita ni RC kanina ang mahal mo at ang ibig sabihin lang nun isa siya sa mga kasama nating babae dito, knowing na grupo lang naman natin ang nakacheck-in, in this private resort di ba”

            “sigurado ka Joe? So does it mean na may gusto ka rin kay vanessa?” si Mel na akala mo ay maaagawan ng candy, hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng iba na patay na patay ang dalaga kay Alex. Samantalang si Mel naman ay habol ng habol kay Vanessa kahit hindi siya pinapansin nito.

            “of course not!” mabilis na tugon ng binata, he was caught in the act. Tama ang sinabi ni Joe isa sa mga kasamahan nilang babae na naririto ang tinutukoy ni RC, pero paano niya naman ito ipagtatapat sa mga kasamahan na sa simula’t simula pa lang ay likas nang mga tsismoso at daig pa ang mga babae kung dumaldal.

            “sino pa ba naman ang pwede at posibleng mahalin ni Alex sa mga girls natin” ginawa namang palaisipan ni Carlos ang usapan.

            “tama, nag iisa lang naman ang single sakanila at yun ay walang iba kundi si…” dagdag pa ng isa

            “SI TRINAAA!!!” sabay sabay pang sinabi ng mga ito ang pangalan ng dalaga samantalang si Alex naman ay hindi pa rin pinapatulan ang mga pinagsasabi ng mga kasamahan.

            “ikaw Alex ha, ba’t  hindi mo man lang sinabi na si Trina pala ang gusto mo, kaya pala kahit anong pagpapacute ang gawin ni Vanessa my love sayo wala pa ring epek” wika pa ni Mel

            “oo nga naman Alex, infairness ang ganda ni Trina kanina sa suot niya at ang seksi pa niya ha” nagsalubong ang dalawang kilay ng binata sa narinig na iyon mula sa isa nilang kasamahan

            “pare, pwede ba dahan dahan ka sa pananalita mo” pagbabanta ni Alex na halatang galit at pikon sa tono ng pananalita nito. Agad namang pinawi ng iba ang tensyong namumuo sa pagitan ng binata at ng isa.

            Samantalang si RC naman ay may biglang naalala.

            “shit! Alex nakalimutan ko nga palang sabihin sayo, hawak ni Trina ang cellphone mo ngayon pinahiram ko kanina. Kasi kailangan niya raw gumamit at……”

            Hindi pa man natatapos magpaliwanag si RC ay dali-daling umalis ito sa pool at patakbong tinungo at hinanap kung nasaan ang dalaga.

Shit! Baka Makita niya yung mga.. ano ba  yan?! si RC naman kasi ang dami daming pwedeng ipahiram na cellphone yung cellphone ko pa talaga. Pano kung makita niya yung mga andun baka anong isipin niya at pano ko ipapaliwanag sakanya?.

Pagdating ni Alex sa office ay may hindi siya inaasahang balita.

“Totoo ba, nagleave daw si Trina?” hinihingal pa itong pumunta sa pantry kung saan andun ang ibang mga kasamahan upang alamin ang pagleleave ng dalaga

“Uy, Alex, pre ikaw pala? Nabalitaan mo rin pala, ngayon ko nga lang nalaman eh kina mommy Cath. Ang akala ko kasi absent lang, yun pala nagfile ng leave at ang sabi pa baka tuluyan na rin daw magresign” pagpapaliwanag ni RC

“r-resign? bakit daw?” nag aalalang tanong nito sa mga kasamahan

“ikaw pa talaga ang nagtanong niyan, hindi ba dapat kami ang magtanong sayo niyan. Pagkatapos  namin kayong nakitang magka-usap sa outing natin pumunta siya agad sa girls room at hindi na lumabas, nagmukmok na lang. Ano ba kasing pinag-usapan niyo o baka naman may sinabi ka ha?” nakakunot noong pagkakatanong ni Mel

“oo nga Alex, tungkol ba to sa sinabi ni Trinang may gusto siya sayo?” pumasok na rin si Carlos sa usapan. Natahimik ang binata sa sinabing iyon ng kaibigan

“pre, kung ako sayo aayusin ko na to bago mo pa pagsisihan” umakbay pa sakanya si Joe

“oo nga naman, bakit ka ba kasi nagsinungaling nang sinabi mong wala kang gusto sakanya ha? Alam mo bang gulat na gulat talaga kami nun, gusto na nga kitang kutusin nun e, kung hindi lang ako nakapagpigil” dagdag pa ni Mel

“ano ba kayo guys, hayaan na natin si Alex sa kung ano man ang dahilan ng pagsisinungaling niya, ang importante ngayon Alex ayusin mo kung ano man yang dapat mong ayusin. Alam mo bang nahirapan kaming paaminin si Trina sa nararamdaman niya para sayo tapos babastedin mo lang nang ganun. Eh kung pektusan kaya kita, kaasar kang lalaki ka ha, ang hirap kaya magtapat tapos ganun lang?. bumuo pa man din kami ng team Trina” inis na pagkakasabi ni mommy Cath

Tumawa naman si RC ng malakas ng marinig ang sinabi ni mommy Cath “team Trina? parang narinig ko na yan, yan ba yung pinagbubulungan niyo dati ha. Anyway, bumuo rin tayo ng grupo tapos tawagin nating team Alex, ano ok ba? ha,” tinuon nito ang tingin sa binata “Pano ba yan Alex, andito kaming lahat nakasuporta sayo. Siguro naman alam mo na ang dapat mong gawin? pre, walang nagmamahal na hindi nasasaktan, just be yourself and show her your true feelings ok. Sumang ayon naman ang lahat sa sinabing iyon ni RC.

“s-salamat!” nagawa na lamang magpasalamat ng binata sa mga kaibigan, ngayon ay handa na siyang harapin at aminin kung ano nga ba talaga ang nararamdaman niya para sa dalagang minsan niya nang nasaktan dahil sa anino ng nakaraan.

NOWHERE TO HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon