Chapter 16

7 0 0
                                    

Mabilis ang lakad ni Alex habang papalabas ng mall, alam kasi nitong nasa likod niya lamang si Vanessa dahil kanina pa ito nakasunod sakanya.

“Alex naman, wait lang please, hintayin mo naman ako” humahangos ang dalaga habang tinatawag ang binata

My God, kailan niya ba ako titigilan? Lagi na lang ganito. Ayokong maging bastos pero nakakainis na talaga ang kakulitan ng babaeng ito.

Bigla siyang natigilan sa paglalakad nang maabutan siya nito at hinawakan sa balikat.

“ang bilis mo naman maglakad, kanina pa kita tinatawag ah, hindi mo man lang ako pinapansin” humahangos pa rin ang dalaga habang inalis naman ni alex ang pagkakahawak nito sa kaniyang balikat

“pasensiya ka na Vanessa nagmamadali kasi ako”

“bakit may pupuntahan ka ba?” pangungulit ng dalaga

“actually, meron kaya sige maiwan na kita, bye!” dali dali siyang naglakad paalis, hindi na nakasunod pa ang dalaga dahil sa nagtago siya sa isang kanto pagkalabas ng mall.

Kung minamalas ka nga naman, kung sino pa’ng iniiwasan mo siya pa yung lagi nakabuntot sa’yo. Pero teka nga lang, okay lang kaya si Trina dun bigla ko siyang iniwan dahil sa pag iwas ko kay Vanessa. Wait, stop you’re just colleage okay, so stop worrying about her, it’s nothing. Pagkontra naman ng isa sa isip niya.

“hoy!” nandilat ang mata ng binata  matapos magulat kay RC na nasa likod niya at kanina pa pala siya tinitingnan habang nagkukublli at parang may tinataguan na kung ano sa kanto ng mall. Natawa na lang si RC sa naging reaksyon ng kaibigan. “0, anong nangyari sa’yo? Bakit para kang nakakita ng multo dyan ha. Nakaka-offend ka pare ha, pinagkamalan mo pa talaga akong multo.”

“loko loko ka talaga, akala ko kasi si Vanessa”Natatawang paliwanag niya naman dito.

“sumusunod na naman sayo! pre, ayos ah, mukhang type ka talaga ni Vanessa” umakbay pa si RC kay Alex,  malapait na magkaibigan ang dalawa, isang kanto lang kasi ang pagitan ng mga bahay nila kaya naman lagi silang magkasabay kung umuwi.

“loko ka talaga” nakangisi lamang ang binata

“C’mon man, obvious naman patay na patay siya sayo, kulang na nga lang ligawan ka. Ikaw naman kasi hindi mo pinapansin. Anyway nakasalubong ko nga pala kanina sina mommy Cath, nagmeeting daw kayo para sa outing natin.”

“ah oo biglaan nga lang, nagkita kita kasi kami kanina sa lobby kaya nagkayayaan”

“ows, e kumusta naman si Trina?” napakunot ang noo ng binata “I mean kumusta ang pag uusap niyo tungkol sa outing natin, ang sabi kasi sakin ni mommy Cath naiwan daw kayong nagdedate..este..nagmemeeting kanina” panunudyo ng kaibigan habang si Alex naman ay nagulat sa sinabi ni RC.

“hoy ikaw RC ha, kilala kita pare, kung anu ano na naman yang iniisip mo”

“bakit ata parang defensive ka, wala pa naman akong sinasabi, ikaw nga yang may iniisip na kung ano kasi kung wala hindi mo sasabihin yan. Pero you know what pare, okay si Trina ha, gusto ko siya…” nagbago ang ekspresyon sa mukha ng binata ang narinig mula sa kaibigan. “ O, ba’t bigla ka atang nainis? Don’t worry kasi wala akong gusto kay Trina, kasi gusto ko siya for you”

“what? Napakamalisyoso mo talaga”

“anong what!,.pare sabi sakin ni mommy Cath single daw si Trina and you, matagal ka na namang single di ba so anong problema dun?” naging seryoso bigla ang mukha ni Alex

“wala akong panahon dyan and you know that”

“pero four years has passed, pre. Alright, alright.. hindi kita pipilitin kung ayaw mo” dismayado naman ang kaibigan sa ipinakitang iyon ni Alex. Matagal na silang magkaibigan kaya naman alam niya kung anu ang mga pinagdaanan ni Alex.

NOWHERE TO HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon