Chapter 13

8 0 0
                                    

Nagmamadaling sinet –up ni Trina ang gagamiting computer sa kanyang station, late na ito. Naipit ito sa traffic dahil sa nagkarambolang sasakyan kagabi na hanggang ngayon ay hindi pa rin naalis. Nag aalala itong baka mapagalitan ng kanyang supervisor dahil siguradong maapektuhan ang attendance ng team dahil sa late siya ngayon. Habang hinihintay ang computer na bumukaas ay hindi naman nito namalayan ang kanyang katabi na busy sa kausap na customer nito.

“Teka asan na ba yung pen ko? Dito ko lang yun iniwan kahapon ah” abala itong naghahanap sa kanyang station. Isa kasi ito sa mga requirement sa kanilang trabaho aside sa notepad na ginagamit nila sa computer ay kailangan din mayroon silang nakahandang pen at sticky note para i-note ang mga number na kailangan call backan ng kanilang supervisor kapag nauubusan sila ng oras dahil sa sobrang dami ng mga tumatawag.

“Sayo ba to’?” isang ballpen ang hawak nito at inilahad sakanya habang nakayuko sya at pilit na hinahanap ang kanyang pen na nawawala. Agad naman nitong iniangat ang ulo at unang nakita ang ballpen na hawak ng katabi.

“Yan nga yung ballpen na hinahanap ko, salamat ha” kinuha nito ang ballpen na hawak ng katabi. Iniangat niya ng tuluyan ang kanyang ulo ngunit laking gulat niya ng makita kung sino ang katabi na ngayon ay may hawak ng kanyang ballpen na kanina lang ay magkaugaga siyang hinapin. Si Alex Tan, tumibok ng mabilis ang puso ng dalaga na para bang tren na napakabilis ng andar.

“nakita ko kasi to kanina sa sahig, sayang naman kaya pinulot ko, muntik na ngang kunin ng janitor kanina para itapon sinabi ko nalang na akin yan kaya binigay sakin. Huwag kang mag alala wala naman akong balak angkinin yan” nakangiti itong iniaabot sakanya ang napulot na pen samantalang si Trina naman ay nakarecover na sa kanyang labis na pagkakagulat.

“s-salamat, teka bakit nga pala…”

“kung bakit andito ako sa station ng team nyo?”. Agad na pagputol ng lalaki sa gustong sabihin ng dalaga

“yun nga”

“nagkaroon kasi ng problema yung computer ko, ewan ko ba ayaw magstart e. sabi ng technician kanina baka raw may lumuwag lang na parts sa loob. Kaya naman nagpaampon muna ako sa station ng team nyo, ngayong araw lang naman. Buti nalang off nung isang team mate n’yo, eto lang kasi yung vacant station ngayon.”  Nawala ang kaba ng dalaga ng marinig nito ang paliwanag ng binata na ngayong araw lang na ito nya makakatabi ang lalaki dahil makita nga lang nya ito na kahit sa malayo parang sasabog ang puso niya sa sobrang kaba ano pa kaya ngayon, na katabi nya ito at worst kung araw araw niya itong makakatabi.

“mukhang seryosong usapan yan ha?” biglang sabat ni Valerie na kanina pa pala nakatingin sakanila “Anyway,pantry daw tayo mamaya sabi ni Carlos libre daw..oops! customer”  agad nitong sinagot ang tawag kinausap ang customer na kanina pa pala tumatawag.

Nabalot ng tawanan at asaran ang pantry dahil sa mga passers, bihira na kasi itong magsama-sama kaya gayon na lamang kung makapag-usap ang mga ito, ang mga kwento pati na rin ang mga banat na hindi nila maikwento dahil sa minsan na lang silang magsama sama.

“u-morder na kayo bago pa magbago isip nitong birthday boy natin” si Mel na naman ang nangunguna sa grupo lalo na sa mga kalokohan.

“sige order na kayo, except kay Mel na hindi ko naman inimbita” pagbibiro ni Carlos, nagtawanan ang lahat.

Masayang kumakain ang lahat na nagtatawanan pa, maging ang mga ka opisinang nasa pantry ay nakikitawa din dahil sa mga kalokohang pinagsasasabi lalo na ni Mel. Game na game ang lahat lalo na pagdating sa barahan at biruan.

“Mga sira ulo talaga kayo,.teka lang hindi ba after 1 month,  mareregular narin  tayo dito sa company, under six months probation din tayo. Ano kaya kung magcelebrate tayo o kaya naman reunion?” naging seryoso ang lahat sa sinabing iyon ni RC sa mga kasama.

“Oo nga pala, sige gusto ko yan”  si ErLinda na katatapos palang kumain

“Sama ko dyan” pag sang ayon naman ni Trina

“Swimming na lang kaya, may alam akong private pool sa may laguna atleast malapit at mura pa di ba.” Seryosong namang tugon ni Valerie sa usapan

“Maganda nga yan, pero sasama lang ako kung sasama si Alex” malanding pagkakasabi ni Vanessa na sa huli ay tumingin pa kay Alex. Bigla namang naningkit ang mata ni Valerie sa nasaksihang kalandian ni Vanessa. Samantalang si Trina naman ay hindi magawang tumingin sa kung ano ang magiging reaksyon ni Alex sa mga pahayag na iyon ni Vanessa. May kung anong takot ang namuo sakanyang puso na para bang gusto na nitong magtago kapag si Vanessa na ang hayagang naglalambing sa binata.

“Gusto mo lang ata maka score kay Alex, Vanessa, pero huwag kang mag alala kasi andito naman ako exclusively for you.” Pagbibiro ni Mel sa dalaga

“Matutulog na lang ako sa bahay” agad namang pambabara ng dalaga kay Mel, inirapan pa nito ang matanda. Nagtawanan ang lahat sa mga sumunod na usapan at sumang ayon sa napagkasunduang reunion na gagawin sa isang resort sa laguna.-

NOWHERE TO HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon