Chapter 6

12 0 0
                                    

Petiks!

Inayos niya ang kanyang upuan at humarap sa lalaki para makapag simula na silang mag-usap.

“a-ah! Start na tayo baka kasi mamaya matawag pa tayo ni jullian!” Kalmadong pagkakasabi niya kay Alex.

“Ok lang kahit matawag tayo simple lang naman pinapagawa di ba? Teka gagawin pa ba natin to, kahit hindi na siguro” maangas na sagot nito

Wow, ikaw na talaga, akala mo naman kung sino to.

“Pero yan kasi ang pinapagawa ni Jullian di ba at nag uumpisa narin yung mga kasamahan natin” pilit niyang pinipigil ang inis na kanina pa gustong kumawala.

“Kahit wag na siguro, ako nalang magsasalita sa unahan kapag natawag tayo, one speaker lang naman ang kailangan for each pair di ba?” nagkibit balikat lang ito at relax na relax pa sa pagkaka-upo

Lalong nainis at nanggigil ang babae sa sinabi nito sakanya pero sa halip na kontrahin niya ito she gave him a sarcastic smile.

“Ganun ba?  Sabi mo yan ha, sige, ikaw na ang bahala kapag natawag tayo ha”.

Tingnan natin yang kayabangan mo

“Oo naman, kayang kaya yan” confident na pagkakasabi pa nito sakanya pagkatapos nun ay mabilis na humarap sa computer nito at tipong walang pakialam sa ginagawa ng mga kasamahan. Kung anu-ano lang kasi ang ginagawa nito sa computer na walang kinalaman sa ipinapagawa sakanila.

 Gigil na gigil siya sa lalaki ngunit binaling na lamang niya ang kaniyang atensyon sa pagreresearch. Pinipilit nitong kalmahin ang sarili sa mga narinig mula sa lalaki.

Relax ka lang Trina, relax, pangkakalma ng dalaga sa sarili. Ginugol na lamang niya ang oras sa ginagawa para kung sakaling tawagin sila ay hindi naman sila magmukhang tanga dahil wala siyang tiwala sa sinabi ng lalaki na ito ang bahala kapag natawag sila. Para sakanya hindi dapat pinagkakatiwalaan ang ganiyang klaseng lalaki na puro hangin ang laman ng utak, wala pang napapatunayan pero nagyayabang na. Eh ano kung may experienced na ito, hindi lang naman iyon ang basehan sa isang pagiging magaling na agent.

            Nabigla ang lahat sa pagtayo ni Jullian, hudyat na tapos ang oras nila sa pagreresearch. Kinuha nito ang atensyon ng mga trainee at agad naman silang humarap dito.

            Kinakabahang humarap siya at tinapos ang ginagawa, sa tingin niya kasi ay siya lang talaga ang seryoso sa ginawa nilang exercise sa partnership nila ni Alex. Habang si Alex naman ay pangiti ngiti lang sa upuan na parang hibang at pakaway kaway pa sa mga kaibigan nitong lalaki. Lalo lamang siyang nainis sa nakitang inaasal nito, natatawa nalang ito sa sobrang inis.  

Buhay nga naman, relax talaga siya ha samantalang ako dito maiihi na sa sobrang kaba na baka kami ang matawag, sige ipagpatuloy mo lang yan,.mahanginan sana yang mukha m,o para habang buhay kang nakatawa ,.ewan ko nalang kung hindi ka manawa.

            Naglalaro ang mga mata ni Jullian habang tinitingnan nito ang mga trainee at pumipili kung sino sa mga pares ang tatawagin sa unahan, pangiti ngiti pa ito sa kanila, sa maikling panahon kasi na nagsama sila ay napalapit na ito sakanila dahil napakabait nito at game pa, lalo na sa mga biruan. Kung hindi nga matangos ang ilong, maputi at blonde ang buhok nito ay aakalain nilang pinoy dahil sa galing nitong makisama sa mga nakakasalamuha.

“I think, I made my decision, and the pair that I am going to pick is” nakatawa itong tumingin sa magkaparehang malapit lang sa kinatatayuan niya. Habang si Trina naman ay parang sasabog na ang dibdib ng makitang nakatitig sakanilang dalawa si Jullian at mukhang alam na niya ang ibig nitong sabihin.

NOWHERE TO HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon