Chapter 11

8 0 0
                                    

Day off!

Halos mamaos ang kanyang ate Barbara sa paggising sakanya na parang mantika kung matulog. Sabado ngayon at day –off nila, samantalang si Kalbie naman ay walang pasok sa eskwela, kaya naman kumpleto sila ngayon sa inuupahang bahay at ang ibig sabihin ay general cleaning din.

“bumangon ka na nga dyan, alas diyes  na ng umaga, maglilinis pa tayo ng bahay” galit na ang kanyang ate Barbara dahil halos isang oras na siya nitong ginigising ngunit wla pa ring epekto. ”ah ayaw mo talaga ha,.Kalbie ang secret weapon” dagdag pa nito. Agad namang pumunta si Kalbie sa kusina at bumalik na may dalang baso na puno ng tubig. Mangalahati ang natira rito ng ibuhos ito sa kanyang mukha ni Barbara.

“HAH! “gulat na gulat siyang napabangon sa pagkakahiga

“si Kalbie ang nagbigay sakin ng tubig” depensa ng kaniyang ate Barbara

“si ate Barbara ang nagbuhos sayo ah,. Hindi ako” dipensa naman ni Kalbie sakanya

“ate naman! Inaantok pa ako eh., nakakaasar naman kayo”

“kasi naman 10 na po ng umaga! kaya hindi po! matapos tapos tong paglilinis ko po! kasi  po! nakahilata ka pa riyan, ang ate Dolly mo matatapos na sa paglalaba, si Kalbie naman tapos ng hugasan ang mga pinggan at ikaw sigurado wala ka na namang gagawin po! kumain ka na po dahil ayaw po kitang malipasan ng gutom,.” Iyon ang madalas na scenario sa kanilang bahay kapag araw ng sabado at lingo, ito kasi ang oras kung saan nagiging kumpleto silang magkakapatid. Madalas ay tanghali na siyang magising dahil mahirap siyang gisingin, magising man siya ay halos tapos na rin ang mga gawaing bahay. Iniisip nga ng mga kapatid niyang baka strategy nya lamang ito para hindi na siya makatulong sa mga gawaing bahay. Tamad kasi siya pagdating sa paglilinis, nauubos ang kanyang oras sa panonood ng tv. Kaya tuloy siya ang napagkakatuwaan ng mga kapatid lalo na kapag gigisingin na ito, laging may nakahandang baso ng tubig na ipambubuhos sakanya para lamang ito magising. At kapag gising na ito ay iinisin pa dahil sa pagkakabuhos ng tubig sakanya.

“ah alam ko na!, para naman may pakinabang ka sa araw na ito pumunta ka ng sm at bumili ng mani sa peanut world”. Ito ang nagiging parusa niya kapag hindi siya nakakatulong sa mga gawaing bahay. Paborito kasi ng kanyang ate Barbara ang mani at mas gusto nitong sa mall bumibili para daw sosyal tignan.

ay sinasabi ko na nga ba,.kailan kaya to si ate Barbara magsasawa sa mani? Sa halip na magdiet! Hay naku kulang nalang maging model sya ng mani o kaya naman magtinda nalang kaya siya. naglalaro sa isip ni Trina habang nagbibihis

“Trinaaaa!” sigaw ng kaniyang ate Barbara

“andyan  na miss mani”

“ano?” kunot- noong tanong nito

“ah sabi ko andyan na ba mismo lahat ng ipabibili mong mani?” pagpapalusot niya sa kanyang ate Barbara. Nagtawanan naman sa kusina sina Kalbie at ang kanyang ate Dolly dahil pagpapalusot niya.

Bago pumunta ang magkapatid na Kalbie at Trina sa bilihan ng mani ay nag window shopping muna sila. Ito kasi ang pampawala ng stress ng dalawa samantalang ang nakatatanda naman nilang mga kapatid ay ang pagluluto. 

“ate, ang ganda ng shoes oh steleto.bili mo ko,”  nangungulit si Kalbie habang nakatingin sa shoe shop

“at bakit naman kita ibibili aber?” nakataas ang kilay niya

“Graduation gift mo saken!”

“luka luka,.magtithird year ka palang diba,.”

“sige na ate advance graduation gift mo na lang sakin pls.” lalo pang nangulit ni Kalbie

“hmmp. Depende” kunwaring nagiisip siya kung pagbibigyan niya ito.

“depende saan?” kunot-noong tanong naman ng kapatid sakanya.

“basta!’

“Grabe ang kuripot mo talaga!” naiinis na sabi nito sakanya.

“maganda naman,.” Pagbibida niya sa angking kagandahan sabay tawa rito.

“may maganda bang hindi pa nagkaka boyfriend?” sa usaping pagboboyfriend nauuwi ang usapan ng magkapatid sa tuwing nagtutuksuhan sila sa edad kasi na 23 ay hindi pa rin ito nagkakaroon ng boyfriend samantalang si Kalbie ay marami ng naging boyfriend ganun din ang kanilang mga ate.

“ate!!!!” lumapit pa si Kalbie at itinapat sa tenga ng kapatid ang kanyang nguso para lang marinig ng kapatid ang pagtawag niya na ngayon ay bigla nalang natulala at nakatingin sa isang bookstore malapit sa kinatatayuan nila.

“o-oh, bakit ka ba naninigaw?” halatang nagulat siya

“naninigaw? Eh ikaw kaya tong kanina ko pa kinaka-usap at parang hindi mo naman ako naririnig. Nakatulala ka pa na feeling gumagawa lang ng music video ang peg. Sino o ano ba kasing tinitignan mo sa bookstore na yun, may bibilhin ka ba?” nakatingin ito sa bookstore malapit sakanila

“a-ah wala! Halika na, bumili na tayo ng mani” nagmamadali nitong pagyaya sa kapatid

“teka lang ba’t ka ba nagmamadali,.kilala kita anong meron?” mausisang tanong ng kapatid habang patingin tingin sa bookstore at pawang hinahanap kung ano ang tinitignan ni Trina.

“anong meron? Merong mani sa second floor ng mall na ito, kaya tara na baka mapagalitan pa tayo ni ate Barbara dahil matagal natin syang pinaghintay sa mani nya”

“okay,. W-wait lang ate” biglang natigilan sa paghakbang si Kalbie

“bakit na naman,.hindi ko bibilhin yang steleto na gusto mo n0h ok.”

“ate wag kang mag alala hindi naman ako umaasa dahil sa mga ganyang bagay siguradong aandar yang kakuriputan mo. Anyway, siya ang tinitignan ko”. Nakanguso pa itong tumingin sa bookstore

“sino?” tumingin ang dalaga sa bookstore na ngayon ay may isang binatang papalabas, matipuno ang katawan nito at nakaka agaw pansin dahil sa taglay nitong karisma lalo na sa mga babae. Kulang na nga lang ay maging matine idol ito na ngayon ay nakatingin sa kinaroroonan nila.

“oh my God!, ate nakatingin siya sakin, anong gagawin ko?” pagpapanic ni Kalbie samantalang si Trina naman ay hindi alam ang gagawin kung biglang tatalikod at magkukunwaring wala itong nakikita o aarteng parang wala lang. Pero huli na ang lahat dahil ang lalaking tinutukoy ng kanyang kapatid ay patungo na ngayon sa kinaroroonan nila.

“Trina,.hi!” nakangiti ang  lalaki sakanya, umarte lamang siya ng natural habang si Kalbie naman halatang kinikilig pa rin ngunit mas  nagulat dahil sa pag aakalang siya ang pinuntahan nito at hindi ang ate Trina niya.

“A-Alex,.ikaw pala hi!”

“ah,.hinihintay ko kasi yung mga kaibigan ko, magkikita kami ngayon dito. Kaya lang mukhang late na naman ata ang mga loko kaya nagpalipas ako ng oras dyan sa bookstore tapos bigla kitang nakita,.eh ikaw? Magshashopping ka?”

“naku hindi may ipinabibili lang sakin yung ate ko tsaka wala akong pangshshopping n0h, malayo pa yung sweldo natin.” Nagkangitian lamang ang dalawa habang nakatingin sa isa’t isa

“ehem!”  mabilis na pagsabat ni Kalbie sa dalawa na para bang may nalunok itong kung ano. Samantalang napatingin naman agad ang lalaki dito.

“by the way Alex ito nga pala si Kalbie, kapatid kong bunso” mabilis na pagpapakilala nito sa binata

“hi! Alex”mabilis na iniabot nito ang kamay sa binata

“hi!” nakangiti nitong kinamayan si Kalbie na halatang kilig na kilig

“teka lang!,.a-Alex Tan? Ikaw ba si AlexT an?” gulat na gulat na tanong ng kanyang kapatid sa binata. Agad namang kinabig ni Trina sa braso ang kapatid upang patigilin ito. Buti na lang at biglang tumunog ang cellphone ng binata kaya naman hindi na nito masyadong napansin ang naitanong ni Kalbie na ngayon ay nakatitig kay Alex habang may kausap sa kanyang cellphone.

“Naku,.andyan na yung mga kaibigan ko, sige mauna na ko sa inyo Trina and nice meeting you nga pala Kalbie, Trina, alis nako.”  Nagmamadali namang umalis ang binata pagkatapos ng tawag na iyon.

NOWHERE TO HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon