Chapter 7

10 0 0
                                    

Hay ano ba naman yan?..hindi ako makatulog maaga pa pasok ko bukas”. Bumalikwas siya ng bangon, kanina pa ito nakahiga pero hindi pa rin dinadalaw ng antok kahit uminom na ito ng gatas. Hindi pa rin kasi maalis sa isip niya ang ginawa ni Alex kanina sa training. Bigla siyang na-guilty sa mga pinag-iisip niya rito ng masama. Mabait ito yan ang mga naririnig niya kapag nag uusap ang mga kasamahan nila, mukha lang presko pero ang totoo ay mabait daw talaga.

            “O Trina anong nangyari sayo?” habang nagsasandok ng kanin

            “Wala naman ate Dolly, puyat lang madaling araw na kasi ako nakatulog” Aniya ng dalaga habang kinukusi ang kaniyang mga mata

“O ate kumusta nga pala yung lalaking presko na nakwento mo sakin?” Tiningnan lamang ni Trina ng masama si Kalbie hudyat na kailangan nitong tumahimik dahil naroon ang kanilang mga ate.

“Ok lang” kibit balikat ito

“Talaga? Akala ko ba sobra yang pagkainis mo dun kasi presko at mayabang pa, teka nga lang ate huwag momg sabihing crush mo yun” nakangisi ito habang nakatitig sakanya.

“Excuse me noh!, asa ka hinding hindi ako magkakagusto dun” defensive niyang sabi rito.

“Ok sabi mo eh” nagsimula na silang kumain

Seryosong naglalakad si Trina papasok ng training room. Iniisip nito ang sinabi ng kapatid na si Kalbie kanina sa bahay habang kumakain sila ng agahan. Pilit nitong kinukumbinsi ang sarili na imposible iyong mangyari dahil wala man lang sa kalingkingan ni Alex ang ideal man niya. Dahil halos kabaliktaran ni Alex ang lalaking para sakanya ay si Mr. right, imposible dahil para itong si Mr. wrong as in wrong direction.

“Trina!” sigaw ng isang babae

“Ay kabayo!” halos tumilapon ang diwa nito dahil sa sobrang pagkagulat. Mula sa likod ay nakita niya ang isang babaeng pamilyar sakanya.

“Kanina pa kita tinatawag ha.,hindi mo ba ko naririnig?” aniya ng babae

“U-uy ikaw pala yan Erlinda”

“Ang suplada mo ha,.hindi mo ko pinapansin kanina” kunwari ay nagtatampo ang boses nito

“Naku pasensya ka na hindi kita narinig, may iniisip lang ako”

“Talaga? Anu naman yan? Kasi kung pagmamasdan ko yang mukha mo ngayon parang seryoso ka.”

“Hindi naman” pagtanggi niya rito.

“Sige na, sabihin mo na sakin..tungkol san ba yan? Boyfriend? O baka naman si Alex yan ha”

“Ah,.hindi ah,.tsaka wala pa nga akong boyfriend di ba ” naging defensive na naman siya at halatang biglang kinabahan “a-at paano naman napasok sa usapan si Alex? Ikaw talaga kung anu anong pinagiiisip mo?”

“Oo nga pala, o sige na nga kung ayaw mong sabihin” ipinagpatuloy na nila ang paglalakad papunta ng training room.

Nagdaan pa ang mga araw at naging maayos naman ang naging training nila.  At sa wakas ay nawala na rin ang pagkainis ni Trina kay Alex dahil unti unti niyang nakita ang kabutihan nito lalo na’t ito ang kapartner niya all through out the training. Minsan ay nagyayabang ito ngunit pabiro lamang, naging magkakaibigan silang lahat at naging close din sila sa isa’t isa. Madalas nga ang pagbibiruan nila lalo na’t nagkaroon sila ng clown sa kanilang wave at iyon ay si Mel, 40 years old na ito at single parent, masayahin itong tao at hindi nahihiyang sabihin ang gusto niyang sabihin ngunit madalas din itong biruin dahil bukod sa makulit ay palekero pa, malapt ito sa mga babae lalo na kay Vanessa. Maganda ito at balingkinitan ngunit mataray, lagi itong aburido kay Mel dahil madalas itong biruin ng matanda kulang na nga lang ay ligawan niya ito. Subalit si Vanessa naman ay laging dumidikit kay Alex, ito ang laging napapansin ni Trina at dahilan upang mainis siya rito. Kahit nga sa lunch break nila ay nakikita niya ang babae na sumasama rito kahit na puro grupo ng mga lalaki. Kaya naman medyo malayo ang loob nito sa mga kasamahan niyang babae. Minsan nga napapagkwentuhan ito lalo na nila valeri at Erlinda.

“Napansin nyo ba panay ang sama ni girlush sa grupo nila Alex?” aniya ni Valerie habang humihit hit ng sigarilyo sa labas ng pinagkainan nila. Ito kasi ang madalas gawin niya kasama si Erlinda pagkatapos kumain, samantalang siya naman ay hindi naninigarilyo kung kaya’t  minsan ay nauuna na siyang bumalik sa opisina pero paminsan minsan ay nandoon lang siya at nakikipagkwentuhan habang abala naman ang dalawa nitong kaibigan sa pagyoyosi.

“Oo nga eh, kaya sa lahat ng mga kasamahan nating babae siya lang yung hindi natin nakakausap ng masyado di ba Trina?” baling ni Erlinda sakanya habang pinapagpag ang upos ng sigarilyo. Sumang ayon naman siya rito sa pamamagitan ng pagtango sa dalawa. Kahit kasi siya ay madalas din itong mapansin at ewan niya ba kasi hindi na nga siya naiinis kapag nagyayabang itong si Alex pero para namang kinukurot ang kaniyang puso kapag nakikita niyang magkasama at masayang nag-uusap sina Alex at Vanessa. Minsan nga ay nahuhuli pa siya ng lalaki na nakatingin rito pero mabilis naman siyang tumatakas sa mga tingin na iyon ng lalaki. Nagkaka usap naman kasi sila ni Alex pero hindi gaya ng iba niyang kasamahang lalaki na minsan ay nagagawa pa nilang magbiruan. kapag magkakasama sila ay nakikipagbiruan ang lalaki sakanya ngunit kapag silang dalawa lang o kaya naman ay nagiging magkapareha sila sa isang exercise ay hindi ito masyadong nagsasalita at kung mag usap man sila ay tungkol pa sa kung anong gagawin nila tungkol sa exercise. Madalas niya tuloy isipin na baka ayaw sakanya ng lalaki dahil sa mga ipinapakita nito. Okay sila kapag marami silang kasama pero kapag silang dalawa lang, para bang may malaking pader na nakaharang sakanila. Pader na gusto niyang gibain dahil mas gusto niyang nakikita ang lalaki kaysa sa naririnig lang. kaya naman kapag nakikita niyang may kasama itong ibang babae ay para bang tinutusok ng isang matulis na bagay ang kaniyang puso.

NOWHERE TO HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon