Chapter 21

8 0 0
                                    

Hoy Trina!”

            “h-ha? Tiya Linda kayo pala” napasinghap siya sa tinig ng isang may edad na babae.

            “oo ako nga ito. Kanina pa kita tinatawag pero parang wala ka namang naririnig, anong nangyayari sayo bata ka? Mula ng dumating ka dito sa probinsya natin lagi ka nalang ganyan, malayo ang tingin at bumubuntong hininga pa. dalawang araw ka ng ganyan ah” nagaalalang wika nito

            “pasensiya na ho kayo tiya, bakit ano po ba yun?”

            “itatanong ko lang sana sayo kung sasama ka ba sakin mamaya sa prusisyon? bisperas kasi ng fiesta satin mamayang gabi tiyak maraming sasama isa pa pinapatanong pa pala ni Elvin, yung kababata mo kung aattend ka raw ba sa sayawan bukas, alam mo bang mula ng dumating ka laging nalalagi yun dito, hindi nga lang kayo nagkaka-usap kasi lagi kang nagkukulong sa kwarto mo. Akala ko ba umuwi ka dito para magbakasyon at para dalawin ang mama at papa mo? Pero hindi ka man lang lumalabas para mamasyal. Ano sasama ka ba mamaya?” mahabang litaniya sakanya ng tiya niya at pagkuway nag-isip muna siya bago nagsalita.

            “s-sige ho, sasama ako mamaya”

            “oo nga pala, tumawag kanina ang ate Barbara mo kinukumusta ka biglaan daw kasi ang pag-uwi mo ng probinsiya at hindi ka pa raw makontak. Tawagan mo nga at nang hindi naman iyon mag alala sayo”

            “opo tiya” magalang na sagot ng dalaga sa kaniyang tiyahin. Ang kaniyang tiya Linda ang nakababatang kaptid ng kaniyang ina. Ito na rin ang nagsilbing pangalawang ina nilang magkakapatid, sa katunayan ito ang tumulong sakanila ng mamatay ang kanilang ina. Iisang pamilya lang silang naninirahan sa bahay na iyon noong nabubuhay pa ang kanilang mga magulang ngunit nagpasya silang umalis na magkakapatid upang mamuhay ng hindi umaasa sa tulong ng kamag anak kahit na tutol dito ang kanilang tiya Linda. Ngayon ay kasama nitong naninirahan sa bahay na iyon ang nag iisa nitong anak na lalaki, si Danilo.

            “tulala ka na naman diyan, tawagan mo nang ate mo. Pupunta muna ako sa palengke ikaw na bahala dito sa bahay ha, alam mo naman yang pinsan mong si Danilo kasama na naman ang mga barkada niya”

            “o-opo tiya”

            Oo nga pala hindi ako nakapag paalam ng maayos kina ate sa biglaan kong pagparito, kung hindi nga lang ako nakaempake na hindi nila ako papayagang umuwi ng mag isa. Nagimbento nalang ako ng kung anu-anong kuwento kung bakit ako uuwi dito na kesyo fiesta at nahohomesick ako. At mubuti na rin lang dahil pinayagan akong mag immediate leave sa opisina kaya naman nakauwi ako agad para,….hay ano ba yan?  Trina focus okay andito ka para mag unwind so enjoy your vacation. Teka matawagan na nga si ate at baka parang dinasour na naman yun sa sobrang galit..kinuha nito ang cellphone sa kaniyang kwarto upang tawagan ang kaniyang ate Barbara. Lumabas ito ng bahay sa pagtawag upang mas magkaintindihan silang magkapatid sa pag-uusap, mas malinaw kasi ang reception sa labas ng kanilang bahay.

Agad nitong tinawagan ang kaniyang ate upang sabihing ok lang siya at walang dapat ipag alala. Pabalik na sana sa loob ng bahay si Trina ng may isang boses ng lalaki ang tumawag sa kaniya.

            “kumusta ka na?” pagbati nito

            “uy, Elvin ikaw pala, napadaan ka?  Wala si tiya ngayon e namalengke” sagot naman ng dalaga. Si Elvin ang kababata ni Trina, sa iisang baranggay nakatira ngunit ganun pa man hindi sila masyadong nagkikita dahil sa magkaibang eskwelahan ang pinapasukan nila. Magkaibigan ang mga magulang nila kaya naman nagkikita sila sa mga importanteng okasyon gaya ng fiesta, kaarawan atbp.

            “ang totoo niyan hindi si tiya Linda ang sadya ko” napakamot pa ito ng kaunti sa ulo, si Trina naman ay nagtaka sa sinabi ng binata kahit kasi magkababata sila ay hindi naman sila talaga close “ikaw talaga ang pinunta ko dito, ah yayain sana kita mamaya sa prusisyon”

            “ah nabanggit nga sakin yan ni tiya” pagkuway napa isip pa ito

            Ano ba yan, wala pa naman ako sa mood para lumabas..hay kaasar naman,.hmmp,,kaya lang kung magmumukmok naman ako dito sayang lang din ng pag uwi ko. Hay sige na nga para naman maaliw ko ang sarili at makalimot sa nangyari. Anyway, nakakahiya naman kung tatanggihan ko tong si Elvin, matagal na rin nung huli kaming magkita.

            Sa bandang huli ay pumayag din ang dalaga sa hiling ng kababata. Isa pa baka magkita rin sila ng iba pa niyang mga kaibigan at ibang kakilala.

            “so pano puntahan na lang kita dito mamaya” halatang excited pa ito

            “a-ah wag na siguro, kasi sabay naman kami ni tiya Lindang pupunta sa simbahan mamaya” paliwanag naman ng dalaga. Hindi lingid sa kaalaman ng dalaga na may gusto ito sakanya dahil minsan na rin itong nagparamdam nang kaniyang pag-ibig noong nakatira pa sila dito sa probinsiya. Hindi lang natuloy ang panliligaw nito dahil umalis na silang magkakapatid para manirahan sa maynila.

NOWHERE TO HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon