Chapter 19

8 0 0
                                    

It hurts!

Napaisip ang dalaga sa sinabi sa kanya ni Alex tungkol sa suot niya

            Revealing tong suot ko? Hindi naman ah, sabi nila mammy Cath pati na rin nila RC, ayos nga lang daw tong suot ko at bagay rin daw sakin. Sobra naman ata ang pagiging conservative niya o baka naman…biglang bumilis ang tibok ang puso ng dalaga…oh my God, hindi kaya sinabi niya yun dahil concern siya sakin at ayaw niyang mabastos ako dahil may gusto siya sakin? ganun nga siguro, kung titignan pa yung mga picture na nakita ko sa cellphone niya lalabas na may gusto nga siya sakin. may gusto rin pala siya sakin at natotorpe lang siya kaya naman hindi niya ako gaano kinakausap dati at minsan umiiwas pa..Well, may mga ganun nga talagang lalaki at isa na siya dun. Pero paano ko naman siya mapapaamin?hmm. kinkilig na wika niya sa sarili

            “hoy Trina, bat tulala ka, nakangisi ka pa?” pagtapos ni Valerie sa nangungusap na diwa ng dalaga

            “h-ha., bakit?”

            “anong bakit? Nasa gitna tayo ng laro remember? spin the bottle at ikaw na po ang sasagot at be ready si Vanessa ang magtatanong sayo. Siya nag spin kanina eh at sayo huminto, hindi ko gusto ang aura ng babaeng yan ngayon kasi naman inagawan mo ng eksena kanina kaya for sure bad trip at gagawa na naman yan ng eksena. ” mahinang pagpapaliwanag ng kaibigan.

            “ang tagal magtanong ni Vanessa mukhang pinag iisipan talaga ha, Trina mukhang pahihirapan ka” tatawa tawang wika ni RC

            “whatever RC, ok Trina, simple lang naman ang tanong ko, may gusto ka ba kay Alex and Alex I want you to listen?” mabilis na pagkakatanong nito, nagulat naman ang lahat sa tanong na iyon ng dalaga.

“Hanep sa tanong ah, may pinaghuhugutan” singit ni Mel

“shut up Mel, Trina simple lang naman ang tanong ko di ba, so please just answer my question and I want an honest answer”

Napatingin ang mga ito kay Trina na pawang naging interesado bigla sa kanyang isasagot. Maging si Trina man ay labis rin ang pagkagulat, maya maya pa ay naging tahimik ang lugar na kinaroroonan nila, naghihintay sa dalagang magsalita.

Anong gagawin ko?shit! aaminin ko ba o itatanggi ko nalang,nakakahiya kung aamin ako. Pero may gusto rin sakin si Alex kaya ok lang siguro, isa pa torpe siya kaya hindi niya magawang magtapat sakin at wala ring mangyayari kung pareho kaming iiwas at itatago ang tunay naming nararamdaman sa isa’t isa. Someone has to do the first move at ok, ako nalang para matapos na to. So be it!

Huminga ito ng malalim at tumingin sa mga kaibigan

“ok,  yes, o-oo may gusto ako kay Alex” pagkuway itinugon nito ang tingin kay Alex

“Alex gusto kita, may gusto ako sayo” nabunutan ng tinik ang dalaga pagkatapos nitong sabihin kung ano talaga ang tunay na nararamdaman. Si Alex naman ay halatang nagulat sa narinig ngunit bigla nitong inalis ang pagkakatitig sa dalaga.

Nagulat naman ang lahat sa mga narinig na sinabi ni Trina.

“seryoso ka Trina?” gulat na tanong ng isa, tango lamang ang isinagot ng dalaga

“I knew it, sabi ko na nga ba may gusto ka talaga kay Alex, the moment na nakita ko kayo sa coffee house. The way you look at him, akala ko wala lang yun pero ngayon napatunayan ko na. How could you do this to me Trina? alam mo naman ang tungkol samin ni Alex di ba”

“Hoy Vanessa tumigil ka nga diyan, anong bang pinagsasasabi mong tungkol sa inyo ni Alex. Eh wala naman kayong relasyon at ikaw lang naman ang nag-iisip na may relasyon kayo, isa pa may boyfriend ka di ba. at walang ginagawang kasalanan sayo si Trina ok kahit tanungin mo pa si Alex” nakakunot noong pagkakasabi ni mommy Cath sa dalaga.

“Mommy Cath, how can you say that? nagkakalabuan na kami ng boyfriend ko..P-pero sige mabuti pa tanungin natin si Alex. Alex ngayon alam mo na may gusto sayo si Trina, e ikaw may gusto ka rin ba sakanya, do you love her?”  ibinaling nito ang tingin sa binata na tahimik lang sa tabi at halatang may iniisip na kung ano. ” Hey Alex, answer me. May gusto ka rin ba kay Trina?” pag uulit pa nito

Pinilit na ngumiti ng binata at saka ito nagsalita samantalang si Trina naman ay kinakabahan ngunit excited sa isasagot ng binata. Tiwala itong ang inaasahan niyang sagot ang sasabihin  nito. Mabuti na rin ito para matigil na ang ilusyon ni Vanessa sa lalaking nakalaan para sakanya.

“G-game lang to di ba, bakit nauwi sa ganitong usapan.” pagiiba ng binata sa usapan

“Hoy Alex! Ang haba ng hair mo ha..sagutin mo nalang kaya para magkaalaman na” wika ni Mel

“Oo nga Alex, gusto kita at gusto ko ring malaman kung may gusto ka rin sakin?”..natahimik at nagulat ang lahat sa tanong na iyon ni Trina direkta sa lalaki. Nakatingin ito ng diretso sa lalaki at seryoso ang itsura para namang slow motion na naghihintay ang lahat sa isasagot ng lalaki. Samantalang ang kaninang umiiwas na si Alex ay yumuko ng bahagya, parang humugot ng sasabihin, iniangat nito ang ulo at nagsalita.

“Pasensiya ka na Trina pero w-wala akong gusto sayo!” ang kaninang tahimik na lugar ay lalo pang tumahimik sa sinabi ng lalaki. Para namang binagsakan ng langit at lupa ang dalaga sa narinig. Pain suddenly flows into her veins, pure and free, it’s everywhere. A feeling that she didn’t expect after her parents death. Hindi ito nakapag salita sa sinabing iyon ng lalaki, ang kaninang masayang pagtatapos na inaasahan niya ay nauwi sa isang bangungot, worst. Maging ang mga kasamahan nila ay nakatingin lang sakanya at waring nakikiramdam. Her friends look at each other worrying about her and confused sa isinagot ng binata.

“I knew it, sabi ko na nga ba, wala ka talagang gusto kay Trina, oh my God I’m so relief” pagputol ni Vanessa sa kaninang katahimikan, abot tenga pa ang ngiti ni na para bang tumama sa lotto.

“at wala rin akong gusto sayo Vanessa” nakunot noong wika ni Alex sa dalaga biglang napawi ang ngit nito ng marinig ng dalaga ang sinabing iyon sa kaniya ng lalaki pagkuway umalma pa ito.

“but Alex…” agad namang naputol ang sasabihin pa ng dalaga ng biglang dumating ang kasamahan nilang si Carlos.

NOWHERE TO HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon