Chapter 4

20 1 0
                                    

Uwian na!

San ka nga pala umuuwi?!” tanong ni Valerie.

            “Sa Fairview!” sagot niya.

“Talaga same way lang pala dinadaanan natin malapit ako sa Fairview ” sabat naman ni Erlinda.

            “Sabay-sabay na tayo dun rin daan ko e.” yaya naman ni Valerie. Magkakasama silang sumakay ng bus at isa isang nagpaalam. Siya ang huling bumaba ng bus, sa last station kasi ang binababaan niya. Alas siyete na siya nang makarating sa bahay nila, 2 hours din kasi ang byahe dahil sa traffic.

            “Ate! Andito na ako.” Pagbati niya sa kapatid na nasa kusina at kasalukuyang nagluluto ng kanilang hapunan.

“O ate andito ka na pala, kumusta first day of work mo?” tanong naman ni Kalbie, sumunod sa kanya, at bunsong kapatid nila. Apat silang magkakapatid na babae, si Barbara ang panganay na nagtatrabaho sa isang bakeshop. Pangalawa si Dolly, dealer ng mga herbal supplements (freelancer). Pangatlo naman siya at ang bunso ay si Kalbie, 2nd year nursing student. Ulila na sa mga magulang ang magkakapatid, namatay sa sakit ang kanilang ama at inatake naman sa puso ang kanilang ina apat na taon na ang nakakaraan. At nagdesisyon ang magkakapatid na lumuwas  upang kahit papaano ay matuto silang mamuhay ng hindi umaasa sa mga kamag anak at maka pag move on rin sa nangyaring trahedya sa kanilang pamilya. Una silang nanuluyan sa bahay ng kanilang tiyuhin, ang kapatid ng kanilang ina. Ngunit ng makapag-ipon ay kumuha sila ng maliit na apartment. Hindi naging madali sa magkakapatid ang makabangon sa pagkawala ng kanilang mga magulang ngunit nagtulungan sila kaya kahit papaano ay naging maayos ang naging buhay nila sa maynila.           

            “Hmm.okay naman, may mga naging kaibigan ako, medyo boring nga lang kasi puro discussion about the company and policy” sagot naman nito sa kapatid na bunso

            “Ganyan talaga, first day palang kasi kaya puro orientation lang. teka, si ate Barbara nga pala medyo late daw uuwi kasi birthday nung kasamahan niya sa trabaho” sabat naman ng kaniyang ate Dolly habang naghahanda nang mesa. Madalas ganito ang routine nila sa bahay, si Dolly ang incharge sa pagluluto, si Kalbie naman ang madalas utusan sa labas, sa paglalaba naman si Barbara at si Trina naman ay paglinis ng bahay kung minsan.

            “Maaga nga pala akong matutulog, mas maaga kasi ang pasok ko bukas” aniya.

            “Wow naman, ikaw ba yan ate? Seryoso ka ba, naku baka mapromote ka agad niyan ha” pagbibiro ni Kalbie sakanya.

NOWHERE TO HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon