chapter 15

6 0 0
                                    

1st move -FAILED!

Maingay na nagkukwentuhan sina Trina at Valerie habang hinihintay si Erlinda sa lobby ng kanilang opisina. Pauwi na sila ng nakalimutan ng babae ang kanyang panyo sa station nito bumalik ito upang kunin ang panyo. Habang isang babae ang pumutol sa masayang kwentuhan na iyon at kinompronta si Trina.

“so, may gusto ka pala kay Alex.,.oh let me rephrase my sentence, inlove ka kay Alex” seryoso ngunit nakangiti nitong tanong kay Trina na gulat na gulat at hindi malaman kung ano ang isasagot nya sa babaeng bigla nalang sumulpot at nagtanong ng hindi nya inaasahan. Si Valerie lang kasi at Erlinda ang nakaka-alam ng kung ano ang tunay na nararamdaman niya para sa binata dahil maging sa mga kapatid ay hindi niya pa ito nababanggit sa pag aakalang wala lang ang nararamdaman niya. Ngunit balak nya naman talaga itong sabihin sakanila matapos ang pag uusap nilang magkakaibigan hindi nga lang sya makakuha ng tiyempo dahil busy rin ang mga ito at pagod pa galing trabaho at eskwela kagaya niya at minsan na nga lang rin silang magkasabay sa pagkain lalo na’t minsan ay iba-iba ang kanyang shift sa trabaho.

Kahit na nalilito siya sa isasagot sa tanong na iyon ay nilapitan niya agad ang babae, medyo malakas kasi ang pagkakasabi nito sa tanong na ibinato nito sakanya at marami ring tao sa lobby dahil saktong uwian yun ng karamihan sa mga empleyadong nagtatrabaho doon.

“Ssssh., mommy Cath wag kang maingay baka may makarinig sayo” maingat na pagkakasabi nito sa kausap. Hindi na nito naisip na maglihim pa dahil para sa kanya ay mapagkakatiwalaan niya naman ito, isa rin kasi si mommy Cath sa mga naging malapit nyang kaibigan yun nga lang hindi na sila ganoon madalas magkita dahil napunta ito sa ibang team hindi gaya nilang tatlo nila Valerie at Erlinda na magkasama sa iisang team.

“teka,  mommy Cath pano mo nalaman na…” dagdag pa ni Trina ngunit hindi na nito tinapos ang tanong dahil alam na nito kung ano ang ibig niyang sabihin. Samantalang si Valerie ay nakangiti lamang na pinagmamasdan si Trina dahil sa namumula nitong mga pisngi na halatang kinakabahan at hindi na mapakali sa kanyang kinatatayuan.

“na inlove ka kay Alex?..” nanlaki bigla ang mga ni Trina sa mga sinabing iyon ng babae at para bang gusto na nitong magtago sa kung saan dahil kapag may biglang lumapit sakanila, siguradong maririnig ang pinag uusapan nila.

“e,.mommy Cath naman, baka may makarinig sayo” natatawa na si mommy Cath sa reaksyon na iyon ni Trina ngunit sa bandang huli ay naging seryoso na rin ito.

“ano ka ba Trina okay lang na may makarinig, ayaw mo nun para malaman ni Alex.,uy!

Anyway, kahapon kasi sa bus naka upo lang naman ako sa likod nyo at dahil nga sa hindi naman kayo masyadong maingay mag-usap, narinig ko ang lahat. Hindi nalang ako nagpakita  kasi busy rin ako katext ang asawa ko, kaya habang nagtetetext ako nakikinig nalang ako sainyo.  At wag kang magalala kasi member ako ng team Trina kaya tama yung sinabi nila Valerie sayo kagabi, kailangan ma eliminate na yang Vanessa na yan sa pagpapacute kay Alex.” Lingid sa kaalaman niya ay inis din itong si mommy Cath kay Vanessa na laging dumidikit kay Alex, maging sa iba nilang mga kasamahang lalaki, kahit na mayroon na itong kasintahan sa kanilang lugar. Samantalang si Trina ay napakamot nalang sakanyang ulo sa mga sinabing iyon ni mommy Cath.

“pati ba naman ikaw mommy Cath?”

“at bakit hindi Trina ha, kaysa naman mapunta yun sa lintang si Vanessa at isa pa ano namang masama pareho naman kayong single ni Alex. It’s about time na magka love life ka na noh 23 ka na at hindi pa nagkakaroon ng boyfriend, maganda ka naman at..,hmmp kailangan lang siguro ng kaunting make over pagdating sa damit mo at konting make up para naman lumabas yang natatago mong ganda” kung hindi nya lang ito mga kaibigan ay iisipan nyang kaya gustong gusto ng mga ito na magkatuluyan sila ni Alex ay para ilayo ito sa kinaiinisan nilang si Vanessa na kahit sya ay naiinis din dahil sa ipinapakita nitong kalandian buti na nga lang at gentleman ang mga kasamahan nilang lalaki  rito, kaya hindi nalang ito pinapansin, na sana ay ganun din ang ginagawa ni Alex kapag nilalandi sya ng babaeng iyon.

NOWHERE TO HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon