Chapter 2

22 1 0
                                    

By partners

Kanya kanyang hanap ng partner ang mga kasamahan niya at pumuwesto na para maka pagsimula nang makapag-usap. Samantalang siya naman ay wala pa ring nakukuhang partner ng biglang may lumapit sakanyang medyo kalbo at may edad na. At doon nga ay nagkasundo sila, na sila nalang ang magpartner, hindi na sila nag-aksaya pa ng oras at nagsimula na silang mag-usap at magpakilala sa isa’t isa.

            “Ako nga po pala si Trina”  pagpapakilala niya dito.

“Carlos nga pala” nakangiti itong nakipagkamay sa kaniya bilang pormal na pagpapakilala.  “Pero pwede mo rin akong tawaging kuya Carlos” dagdag pa nito, tumingin pa ito sa kaniyang suot na relo “Naku baka kulangin tayo ng oras Trina, ang mabuti pa isulat nalang natin sa papel yung mga kailangan nating malaman sa isa’t isa parang slum book lang para hindi na tayo magmemorize pa.”

“Mabuti pa nga po” Pag sang-ayon naman ni Trina dito. Nagsimula na silang magsulat ng impormasyon tungkol sa kaniya kaniyang sarili gaya ng full name, edad at iba pa. Nang matapos na silang magsulat ay nagpalitan na sila ng papel upang basahin ang mga naisulat nila at kahit papano ay makabisado ito. Ayaw naman kasi nilang umasa nalang sa kodigong papel na pwede nilang dalhin habang nagpapakilala sila. At isa pa baka mahalata sila na hindi naman talaga sila nag-usap gaya ng ibinigay na instruction.

            “Time is up.”

Malakas na pagkakasabi ng trainer nilang si Sandy. ”Arrange the chairs and go back to your own seats. Let’s start this exercise, who wants to begin? Any volunteer?” wika nito.

“Me and my partner” pagmamalaking wika ng isang lalaki, nang ibaling ni Trina ang kaniyang atensyon sa lalaking nagvolunteer ay ito rin pala ang lalaking narinig niya kaninang maingay at mayabang magkwento.

Tingnan mo nga naman confident ah, hmm infairness guwapo and pointed nose  at maganda rin ang katawan nya ha, ano kayang pangalan niya? naging interesado siya bigla sa lalaking confident at nagtaas pa ng kamay para lang mapansin ng trainer nilang na si Sandy. Gusto niya kasing malaman kung hanggang saan ito dadalhin ng over convident at kayabangan nito.

“Alright, we have a brave man here! Ok infront pls.”

            Pumunta na sa gitna ang magpartner, pareho itong lalaki at nagsimulang ipakilala ang isa’t isa. Unang nagsalita ang confident na lalaking nagtaas ng kamay at ipinakilala ang kanyang kapartner. Sumunod ay ipinakilala naman ng kapartner niya ang lalaking confident.

 “Good morning guys!  This is my partner Alex Tan, 23 yrs. Old.residing in malate, manila, the only son of Mr.& Mrs. Tan. He’s been in a call center industry for 18 months and that’s it!” pagtatapos na pagpapakilala ng kapartner niyang si Joe Vera.

            kaya naman pala medyo mayabang,may experienced na sa pagiging agent at mukhang mayaman pa ha! Half Chinese pa ata ang loko. Pero that cute and romantic eyes….

            Mag iisip pa sana siya nang magulat sa biglang pagtaas ng kamay ang kanyang kapartner. Hudyat na gusto nitong sila na ang sunod na magpakilala. Napatingin na lamang siya sa kanyang kapartner.

”tara, para matapos na tayo” sambit ng kanyang partner na patayo na at tipong pupunta na sa unahan. Wala nang nagawa pa si Trina at sumunod na lamang ito sa kanyang partner na kalbo.

Si kuya naman! Hindi pa nga ako prepared, excited masyado. Bakit kakandidato kaba ha kuya kalbo, at gusto mong makilala ka agad ng mga taong ito. Muli na naman niyang naramdaman ang kakaibang pakiramdam na kanina niya pa nararamdaman.

Teka lng para atang sumasakit na naman tiyan ko,hay!  mamaya ka na lumabas please sa bahay na tayo magtuos okay. Pero hindi lang tiyan ang problema niya dahil nang pagtayo niya ay naramdaman din niyang sumakit ang balakang niya dahil sa pagkakadulas niya sa labas ng kanilang bahay kanina.

Talagang nagkasabay pa kayo ha partner din?, naman!  pagpoprotesta niya sa sarili,  ngunit hindi naman niya ipinahalata sa lahat ang iniindang sakit. Sinikap niyang panatilihin ang kanyang poise sa harap ng lahat.

Unang nagsalita si Carlos upang ipakilala siya.

            “Good morning! My partners name is Trina Bordado, 23 yrs. Old. This is her first job by the way.” Pagtatapos nito at sumunod naman siyang nagsalita upang ipakilala ang kanyang partner na kalbo. Iyon lamang ang nasabi nito sa kaniya dahil iyon lamang ang ibinigay niyang impormasyon sa partner niyang si Carlos.

“Hi guys! This is my partner Carlos Rosales, he is married with three lovely children. By the way he’s 37 yrs. Old and it’s his first time in a call center industry. He worked as an OFW before, but he decided to stay and work here for a personal reasons and that’s it”. Tinapos ni Trina ang pagpapakilalang iyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang matamis na ngiti. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ng makita niyang nakatingin pala sakanya si Alex Tan.  Nagpalakpakan ang mga kasamahan nito at sumunod na nagpakilala ang iba pa nilang kasama sa loob ng kuwarto.

            “Hay salamat naman at natapos din” sabi ng babaeng katabi ni Carlos, ito ay si Cathleen Osabel, 35 yrs. Old and a mother of 9 months old baby girl.

“Oo nga eh”. Sagot naman ni Carlos sa katabi.

“By the way you can call me Cath or mommy Cath.”  Habang nakatingin kina Carlos at Trina.

“Trina!”  pagpapakilala ni niya.

 “Carlos nga pla” pagpapakilala naman ni Carlos. Naging Masaya naman ang lahat sa exercise na yun dahil it’s a different way of presenting themeselves and not the usual way.

            “Guys! I’m just going to get your module for this training so you can chit chat a bit to your co trainees and know them a bit.”  Pagpapa alam ni Sandy sakanilang mga trainee. Nang lumabas si Sandy ay nagsimula ng mag-usap mga ito at nagdaldalan. Hindi naman siya nahirapang makisama dahil mababait naman ang mga ito at madaling pakisamahan.  Gaya ni Erlinda, may isang anak together with her live-in partner at Valerie 26 yrs old with two kids and a live in partner as well. Ang dalawang ito ang mga nakapalooban niya ng loob sa maikling panahon. Ngunit mas natuon ang atensyon niya kay Alex Tan, ang confident na lalaki dahil sa ilang minuto palang ay halos kaibigan na nito lahat ng mga lalaking co trainees nila at feeling close din sa kanilang trainer. Kunsabagay since may experienced na ito sa call center industry marami syang nasheshare sa mga kasamahan nila.

NOWHERE TO HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon