Chapter 8

12 0 0
                                    

End of Training

Isang buwan din ang lumipas at tapos na ang kanilang training, ngayon ang huli nilang araw sa training at evaluation din ng kanilang wave. At ayon sa napagkasunduan every pair ang evaluation, kailangan nilang pumasok sa isang evaluating room upang dumaan sa isang interview ng isang representative mula sa kumpanyang pagtatrabahuhan nila. Ito kasi ang magsasabi kung handa na sila sa mga duties and responsibilities ng isang customer service representative. Kinakabahan ang lahat sa magiging evaluation ngunit dinaan nalang nila ito sa biruan at isa pa ay nagpraktis din naman sila kanina para sa gagawing evaluation. Si Trina naman ay naka upo sa tabi at nirereview ang mga itinuro sa kanila sa training room. Isang lalaki ang nasa tabi niya at pinagmamasdan lamang kung ano ang ginagawa niya.

 “Relax lang!, kanina ka pa dyan ah” tinig ng isang lalaking pamilyar sakanya. Hinanap niya kung saan at kanino nagmumula ang tinig na iyon. Tumingin siya sa kanyang kaliwa at nagulat kung sino ang nagsasalitang iyon.

“A-Alex!  Ikaw pala yan” nagulat man ay hindi niya ito pinahalata bagkus ay binigyan niya lamang ito ng matamis na ngiti.

“Ayos ha nagrereview ka?” nakangiti itong mas lumapit pa sakanya

“Ah oo, mahirap na baka kasi pahirapan ako mamaya ng kapartner ko” pabirong pagkakasabi ng dalaga

“Sobra ka naman,.pero pwede” tumawa si Alex

“So pahihirapan mo nga ako mamaya” seryoso nitong tingin sa binata, tumawa lamang ang binata habang nakatingin sa reaksyon ng kaniyang mukha.

“Ano ka ba, Siyempre naman” pagkuway nagisip pa ito”hindi,.hindi naman ako ganun”

“Talaga?”

“Oo naman, basta ba we got each others back ha,.kapag nagkamali ako o ikaw saluhin mo ko tapos sasaluhin din kita” para namang tumalon ang puso ng dalaga ng marinig ang mga sinabing iyon ng binata. Kakaiba ang naramdaman niya parang sasabog ang puso niya sa kaligayahan. Totoo nga ba ang narinig niya sa lalaking ito, ang lalaking inakala niyang ayaw sakanya dahil tahimik lamang ito na para bang ayaw siyang kausap kapag silang dalawa lang.

Tama nga ang sinabi sakin dati nila Valerie, na swerte ako dahil si Alex ang kapartner ko. Bukod sa mabait at matalino ay ubod pa ng gwapo.

“Ah s-sure, pero hindi mo na ata kailangan nang tulong ko magaling ka naman kasi?”

“Hindi ah, kapag nauna kasi yang nerbyos mo mamemental blocked ka talaga. Kaya dapat i-enjoy mo lang para relax ka lang!” Nakampanti ang dalaga sa mga sinabing iyon ni Alex, tama nga naman ang sinabi ng binata kaya siguro ito magaling dahil sa ineenjoy niya kung ano ang ginagawa niya at naalala nito na napagdaanan na ito ni Alex dahil mahigit isang taon din itong nagtrabaho as call center agent kaya marapat lamang na magtiwala siya sa mga sinabi nito sakanya, hindi naman siguro siya nito ilalaglag dahil mukhang sincere ito habang sinasabi ang mga katagang iyon at isa pa sila ang magkapareha sa evaluation, kaya naman dapat lang na magtulungan sila para hindi sila mapahiya. Ito na kasi ang naging permanent partner niya mula nang maging magkatabi sila sa upuan.

What are you doing Alex? Why are you trying to comfort her? It’s normal to have that kind of feeling, siyempre kakabahan siya. You’ve made a wall between her, so don’t be silly and make that wall stronger. Don’t let anybody enter your world again. Usig ng binata sa kaniyang sarili

Tumagal din ng ilang oras ang evaluation sa wave nila, kinakabahan man ang lahat sa magiging resulta ay masaya pa rin silang naghihintay sa paglabas ng evaluator upang sabihin ang resulta. Naging maayos naman ang evaluation na nangyari sa bawat magkapareha may nagkamali man ngunit ito ay minor lamang. Samantalang sina Trina at Alex ay wala namang naging problema sa evaluation, nasagot kasi nila ng maayos ang bawat katanungang ibinato sakanila. At gaya ng sinabi ng lalaki kanina they just enjoyed everything which makes it easy for them.  Makalipas ang ilang minutong paghihintay ay lumabas na ang banyagang lalaki na nag evaluate sakanila tulad ni Jullian ay mula rin ito sa kumpanyang pagtatrabahuhan nila. Tuwang tuwa ang lahat sa naging resulta dahil lahat sila ay pumasa, ibig sabihin ay mga official call center agent o customer service representative na sila mula bukas.

NOWHERE TO HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon